Pero di pa rin mawala sa isip ko yung lalaki na nakita ko kanina.. I'm almost 100% sure na si Hanz nga yun. Pero the idea was just impossible.. May lakad si Hanz ngayon at mukhang hindi naman mall ang punta niya..

"Hey.. Layo ng iniisip mo," sabi ng isang boses sa likod ko.

Napatalon ako sa gulat.. Paglingon ko eh si Charles lang naman pala..

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya..

"May pinapabili kasi sakin si Mama, malapit lang naman to sa ospital na pinagtatrabahuhan ko kaya dito na lang ako dumaan," sabi niya naman sabay ngiti.

Ngumiti rin ako.. Charles is really thoughtful at caring sa family niya.. Ayaw niya pagtrabahuhin ang parents niya at kung kaya niyang gawin lahat ng dapat gawin eh gagawin niya talaga.. May pagka-nerdy rin kasi naka-eyeglasses parati, pero hot naman siya sa nerdy look niya.. Dagdag appeal pa nga yun sa kanya eh..

"Nakausap ko si Keith nung 14," sabi niya bigla sakin.

"Oh? Ano sabi? Ilang death threats ang natanggap mo?" Biro ko naman.

Tumawa lang siya.. "Actually sinabi niya na pinagkakatiwalaan niya daw ako at ingatan daw kita," sabi naman niya.

"Really? Sinabi niya yun?" Gulat kong tanong.

"Yeah," sagot naman ni Charles.

"Swerte mo ah. Hirap kunin ng tiwala niyan ni Keith. Naks.. Galing mo," sabi ko naman sabay suntok nang marahan sa balikat niya..

"Uhm, would you mind if ihatid na kita sa bahay niyo?" Sabi niya pagkalabas namin ng supermarket.

"Sure ka? Baka busy ka," sabi ko naman.

"No. I can take you to your house. Tara na," sabi niya at inalalayan niya akong makapunta sa kotse niya.

"Thanks and pasensya sa abala," sabi ko naman.

"Not at all," sabi naman ni Charles.

Well, di ko naman maikakaila ang katotohanan na kahit dalawa ang manliligaw ko, di ko pa rin maiwasan na magkaroon ng "favorite". Syempre mayron diyang nakakalamang ng konti kahit papano.

And I can't deny the fact na si Charles ang nangunguna sa kanilang dalawa ni Hanz..

•••

Grey's P.O.V.

Malapit na kaming lumabas ni Keith sa school. Nasa gate na kami nung bigla may naalala ako.

"Hey, Keith. May nakuha ka ba na half-heart kaninang umaga?" Tanong ko sa kanya.

"Meron," tipid na sago ni Keith.

"Talaga? San? Patingin nga," sabi ko naman.

Nagpagulong na muna siya ng mata bago naghalungkat sa bag niya. Maya-maya pa ay may binunot na siyang isang pulang papel.

"Wait.." Sabi ko naman at sinipat ko yung kalahati ng papel.

Kinuha ko naman yung kalahating heart na binigay sakin kanina. Then pinagdikit ko yung dalawa..

"Hayy.. Meant to be talaga tayo," sabi ko na nakangiti.

"What?" Medyo nagtataka niyang tanong.

Pinakita ko naman yung heart na nabuo ng pinagdikit kong dalawang kalahating heart.

"Oh tapos?" Sabi ni Keith.

"Ay ewan ko sayo," inip ko namang sabi.

"Gusto ko na matapos ang February," sabi ni Keith.

Committed to Love You [Part 1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz