"O-po Mama."

Napabuntong hiningang napa pikit na lang ako habang hinihilot ang noo ko.

"Look Maddie, I just want want you safe. Kaya please lang sumunod ka kay Mama. Please anak wag kang maki pag usap sa mga taong hindi mo kilala."

"O-po. So-sorry na Mama." Muli itong tumayo at niyakap ako.

Ginantihan ko naman ito ng isang mahigpit na yakap.

Dahil inaamin kong takot ako, takot akong mawala ang anak ko sa akin balang araw. Lalong lalo ng napag alaman kong nakalaya na ang totoong Ina ni Madison.

Pagkaraay nakarating nadin kame sa paaralan ni Madison, masayang bumaba ito.

Hinatid ko siya hanggang sa room nito pagkaraay napatigil pa ng mapansin kong may kinakawayan si Madison kaya sinundan ko kung sino ba ang kinakawayan niya.

Ngunit sa kasamaang palad likod na lang ang naabutan ko dahil lumiko na ito agad.

"M-mama su-sunduin mo po ba ako m-mamaya?"

Napabaling muli ang tingin ko kay Madison at lumuhod para pumantay rito.

"I think hinde anak.... Kasi may work si Mama."

"Ma-may business trip po kayo ulit nila Ninang Yuan?"

"Yes.." Sagot ko habang iniipit ang mumunting buhok nito sa tenga.

"I-ingat po M-mama Lo-love you." Hinalikan ako nito sa pisngi at masayang tumakbo papasok sa loob ng room niya.

Kumaway pa ako isang beses bago nag lakad papalayo sa silid nito.

"Ayen...."

Napatigil ako sa hakbang ko at pati narin sa pag tipa ng telepono ko ng makarinig ako na parang may bumulong sa pangalan ko na nasa likuran ko lamang, kaya bigla akong napalingon.

Ngunit tanging mga bata lamang na masayang nag hahabulan at mga guro na busy sa pag uusap.

Napalingon lingon pa ako sa iba't ibang direksyon dahil pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa akin diko maintindiha pero parang kinakilabutan ako.
____________________________

"You've just imagining things Athena, na ba-bothered ka lang sa balita ni Althea about Rachel's freedom and her whereabouts. So stop being paranoid, dahil kung talagang may interest un sa inyo ni Madison edi sana last year pa kayong nasa mga galamay niya."

"I think Arabella is right Athena. Maybe napag tanto niya ang mga kamalian niya kaya nag pakalayo-layo na." Segunda naman ni Althea.

Nakatulalang napatingin na lang ako sa mga sasakyan nag sisidaraanan sa labas ng bintana ng coffe shop.

Andito kasi kame mag kakapatid dahil pinatawag ko sila dahil aalis na naman ako mamaya pabalik ng Hongkong.

I need them to be my eye kay Madison, mas panatag ako kung sila ang mag babantay sa bata dahil nakaka sigurado akong ligtas ang anak ko at mapo-protektahan siya.

"O di kaya, nag bago na ung tao. Nag paka layo-layo para mag simula ng bagong buhay--"

"Imposible," pailing iling kong sagot at tumingin sa kanilang tatlo. "Masyadong tahimik Ara. Kilala ko si Rachel alam kong may pina-plano siya."

"Stop being paranoid Athena, kameng bahala sa anak mo habang nasa business trip ka."

"I know... Kaya nga pinatawag ko kayong tatlo dahil walang susundo sa anak ko mamaya."

"Di ako pwede mamaya, may operation kame sa taguig." Komento ni Althea habang iniinom ang kape nito.

"Anong oras ba lalabas si Maddie?" Tanong naman ni Arabella.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now