2.1

3.9K 108 7
                                    

'ZAI'

lumayo ako sa mga kasama ko kasi tumatawag si daddy ayukong marinig nila o makita kung pano kami mag-usap ni dad.

nasa labas na ako ng school nasa may park na ako na napapalibotan ng malaking puno. habang nag-uusap kami ni daddy hindi konmaiwasang magalit kasi hangang ngayon pinagpipilitan parin nya ang gusto nya. ang gusto nya na magpakasal ako sa anak na lalaki ng isang businessman.

palagi nalang ang gusto nya ang nasusunod. isa lang naman akong tuta na sunod ng sunod sa kanya. kahit nga itong curse ko sya ang pumuli sya ang nag cocontrol sa buhay ko dahil sa ako daw ang susunod sa yapak nya.

shit!!  ayukong pumasok sa mundo ng pulitika. ayuko sa mundo nya masyadong ma gulo. andiyan naman si kuya bakit hindi nalang sya ang controlin ni dad.

sya rin ang dahilan kung bakit dito sa eskwelahang ito ko ibinubuhos ang lahat ng galit ko. kasi dito malaya ako, dito batas ako, dito napapansin ako.

habang nasa malalim akong pag-iisip may biglang lumapit sa'kin. tinangal ko ang mga kamay ko na nasa mukha ko at nag angat ako ng ulo. nakita ko ang isang Jema Galanza na nakangiti at may inaabot na ice cream.

tiningnan ko sya yung tingin na nagtatanong pero...

"kunin mo na walang lason yan, nangangalay na kaya kamay ko"
sabi nya na parang nagtatampo.

alam kaya nya na paborito ko tong binili nya.
"salamat"
syalang nasabi ko sa kanya.

ngumiti sya sa'kin at umupo sa tabi ko. tiningnan ko ulit sya na bahagyang nagugulohan.

"alam mo pagdimo payan kainin matutunaw na yan sayang lang pera ko"
habang sya kanina pa kinakain ice cream nya.

kaya binuksan ko na yung sa'kin at kumain narin. nasa ganon kaming sitwasyon ng magsalita ulit sya.

"alamobang nababawasan ang sakit na nararamdaman ng tao kapag nailalabas nya ito, pero sa tamang paraan hindi sa pananakit ng iba"
sabi nya habang kumakain parin.

"ano bang alam mo"
baling ko sa kanya na nakakunot ang nuo.

tumingin sya sa'kin at ngumiti.
"wagkang mag-alala kung ano man ang nakita ko, nakita ko lang"

"siguradohin mo lang. dahil pag may-ibang nakaalam nito malilintikan ka sa'kin"
pagbabanta ko sa kanya.

"hahaha"
tawa nya kaya tumingin ako sa kanya.
"kala mo kung sino matapang iyakin rin naman pala"
hirit pa nya.

kaya nagsalubong na nga ng tuloyan mga kilay ko.
"nang-aasar kaba!"

"hindi ah!"
dipinsa nya
"bakit na aasar kaba?"
dugtong pa nya.

"bwesit!!"
salitang lumabas sa bibig ko.

alam mo masarap talaga ice cream noh. nakakalamig ng katawan"
sya ulit yon.

"pero tingin ko may masmasarap pa dito"
naka ngising tugon ko sa kanya.

tumingin sya sa'kin na parang nagtataka.
"ano?"
sabi nya.

"ikaw!"
mabilis kong sabi sabay ngisi at kumindat pa.

ngayon halos magdikit na mga kilay nya sa subrang pagkakunot.
"anobang pinagsasabi mo"

"remember, yung araw na nabuhosan ka ng tubig dahil sa kagagawan ni Chloe. yung araw na nagpalit ka ng damit sa cr"
natawa ako pagkatapos kong sabihin yon. tumatango lang sya habang binabangit ko yon.

"nasa taas ako ng cubicle noon. bubuhosan sana kita noon ng mga basura na nasa luob ng trashcan kaso nakita ko yang maganda mong katawan kaya hindi ko na natuloy"
nakakalukong ngiti ang pinakawalan ko at kumindat ulit hahaha.

Campus Crushजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें