Tropeyo

6 0 0
                                    

6th year. April. First week.

Nakaabang si Karl sa labas ng Spintwitches, isang sporting goods shop. Ang sabi ni Vlad, dito raw sila magkita dahil may bibilhin lang daw siya saglit. For some reason, maraming tao sa loob ng shop kaya hindi na pumasok si Karl at naghintay na lang sa labas. Hindi rin naman matagal ang pag-aabang niya dahil dumating — more of lumabas — si Vlad galing sa loob ng store, may bitbit na paper bag.

Oh, hi," bati ni Vlad. "Sorry natagalan."

"Ano 'yan?" tanong ni Karl.

Binuksan ni Vlad 'yung bag at kinuha sa loob ang isang pares ng Quidditch gloves. "I need a new pair. Luma na 'yung dati ko."

"The next match isn't until next month pa naman 'di ba?"

Tumango si Vlad. "Yeah, but I gotta get used to this. Kailangang mabatak e. They tend to be a little too sturdy kapag bago. Mahirap gumalaw."

"Alright," ani Karl with finality, as if he wanted a new topic. Mukha namang na-sense ito ni Vlad, so with a sigh, tinanong niya kung saan gusto ni Karl kumain.

"I don't know, ikaw nag-ayang mag-date," sagot nito.

"I don't know, too. I can only think of Three Broomsticks," sabi ni Vlad.

Laging puntahan 'to ng mga estudyante. Not bad, but not good either, at least para kay Karl.

"Unless you want Hog's Head or Madam Puddifoot." Sinundan ito ni Vlad ng tawa.

Hog's Head, pub din pero halos walang estudyanteing dumarayo rito. Ang sabi, tambayan daw ng mga kriminal o sindikato. Guess wala talaga silang choice. Madam Puddifoot, isang tea shop na masyadong fancy at coupley. Hindi naman sila couple — well, technically, they are — pero romantically? Parang... hindi... naman... ata.

"Fine, Three Broomsticks. Libre mo a?"

"Oo, promise. Libre ko," ngumiti si Vlad, tila excited. Hindi na rin pinigilan ni Karl na ngumiti. Sige na, ie-enjoy na rin niya 'tong date na 'to — pinaka-una niya simula nang pumasok sa Hogwarts.

Madaldal si Vlad ngayon dahil. Ang dami niyang kinukwento habang naglalakad sila papuntang Three Broomsticks. Pero napansin din ni Karl na hindi ito nawawalan ng ngiti. Siguro nga masaya lang ito ngayon. Sabagay, kahit siya rin naman, madaldal kapag masaya.

Habang nagkukwento, napapansin ni Karl na madalas din ang tingin ng mga nakakasalubong nilang mga estudyante sa kanila — or kay Vlad, at least. Sikat si Vlad, given naman na ata 'yan para sa mga Quidditch players. Ikaw bang maging star player ng Gryffindor na wala pang talo simula nang pumasok ka ng Hogwarts, hindi ka ba naman sisikat? Pero hindi rin mapigilan ni Karl mapansin 'yung ibang mga tingin. Hindi paghanga, halatang hindi. Parang inis kung hindi pandidiri. May nakita pa siyang walang tagong umirap nang dumaan si Vlad sa harap nila. Mukha namang hindi ito nakita ni Vlad, o baka naman hindi na lang niya binigyang pansin.

Sa totoo lang, hindi na bago 'yung makakita siya ng inis kay Vlad. Marami niyan sa Hufflepuff, lalo na the past years. Sila ang rival teams ngayon sa Quidditch, kaya hindi nakakapagtakang maraming Hufflepuff ang irita sa Gryffindors. Pero iba 'yung makakita ka ng mula sa ibang houses na parang may kinikimkim na pagkasuya. Hindi alam ni Karl, siyempre, dahil hindi naman niya nakakasama si Vlad. Last year nga lang sila nagkakilala.

Dumating sila sa Three Broomsticks at nakahanap agad ng bakanteng table. Umupo na rito si Karl habang si Vlad na ang um-order ng pagkain, butterbeer kasama. Pagbalik ni Vlad sa mesa, may dalawang Gryffindor freshmen na biglang lumapit sa table nila at humingi ng autograph kay Vlad.

"Sikat," pabirong bulong ni Karl habang pumipirma si Vlad. Ngumiti lang ito. Nang matapos, agad ding umalis ang dalawang freshmen. Sa gilid, napansin ni Karl ang dalawa pang estudyante, nakatingin din sa kanila. Nang lingunin niya ito, agad silang umiwas ng tingin.

Matagal Nang Sinusundan, Hindi MaiwasanWhere stories live. Discover now