Sana alam ko sa sarili ko,
Ikaw lang ang iibigin,
Na sa bawat bulaklak na masasamyo,
Sa iyo ako'y papaalipin.
Mahal kita siguro nga,
Hindi ko alam kung paano patunayan,
Hayaan mo akong magpahalaga,
Ito'y pagtatrabahuhan.
Sa Muling Hiling ng Umaga,
Sa mukha ko sinisinta,
Ito'y ibang iba
Sa iyo lang hahalina
Pagbigyang muli ang aking hiling
Na ito sana'y ipadama
Sa iyo ang pag-ibig kong magiting
Sa Muling Hiling ng Umaga
