The DRAWING (OneShot)

417 8 2
                                        

The Drawing

Written by: msyoungnerd

Dedicated to Ms. Denny (HYSTG)

Why? Find Out! ^_~

NOTE: All the names, scenes and events in this short story is purely fictional. Any resemblance to true person or events are coincidental. This is just a  pure imagination.

________________________________________________________________________________

Nagdadrawing na naman siya dun sa may sulok. Hayy. Habit na nya talaga siguro no? Sabagay may talent naman sya.. Tuwing tinatanong ko sa kung ano ba yung dinodrawing nya lagi nyang sinasabi, "wala" kahit na meron naman. Kung pwede ko bang tignan sagot nya, "Di pwede."

Minsan nakikita ko syang nagsusulat, tapos tatanungin ko kung anong sinusulat nya ang sagot nya "Tula".. kung pwede ko bang mabasa sagot nya, "Bawal." Palagi nya na lang akong sinusungitan. Hayst. Masama na bang magtanong ngayon?

By the way, i'm Pearl nga pala at yung tinutukoy ko na guy? Yan si Jaspher. Seatmate ko simula pa nung first year kami.. 4th year na kasi kami ngayon.. Grabe lang. Hindi kami mapag hiwalay nitong lalaki na to.. Paano ba naman kasi alphabetically arrange nalang palagi.. Santos sya, ako naman Sanchez.. O di ba?

Pero dahil sa kasungitan nya mainlove ako..

Mabait din naman sya pero madalas lang talaga syang masungit.. At sa akin pa.. Ewan ko ba sa taong 'to kung bakit ganyan sya.. Sa akin..

Ninanakawan ko pa sya ngayon ng tingin habang nagrereport ako.. Ako kasi reporter ngayon sa physics. Minsan nahuhuli ko syang nakatitig sa akin pero ibabalik ulit ang tingin nya dun sa dinodrawing nya. Natapos na ako magreport.. Nung babalik na ko sa upuan ko tinanong ko sya..

"Nakinig ka ba?"

sagot nya..

"Paki mo ba?"

Naku! Sa tagal tagal ko ng katabi yan, sanay na ko sa pagiging rude nyan sa'kin. Ang pinagtataka ko lang, maganda naman ako. Mabait. Makulit minsan.. pero sweet naman.. Hayy. Palagi bang meron 'tong taong to? Dinaig pa nya ang may PMS. Err...

Kinabukasan nadatnan kong wala sya sa upuan nya. Siguro lumabas lang para mag cr o bumili sa canteen or what dahil di pa naman start ng klase.

Nakita ko doon sa desk nya yung mga poems na sinusulat nya. Marami rami na rin pala.. May nakalagay pa dun sa itaas na.. "To HER" halos lahat may ganun sa taas.. Di ko na nagawa pang basahin dahil nakita kong dumating na sya at nagpanggap na lang akong nagtetext para di naman nya mapansin na ginalaw ko yung nasa desk nya..

To my luck, di nya naman nahalatang may gumalaw doon sa poems nya..

***

One month na lang pala December na. Meaning malapit na ang Christmas. Yeeeey!

"Classmates, tutal malapit na rin naman ang pasko. Gusto ko sanang magprepare na tayo kung paano natin  icecelebrate yung Christmas party."Sabi nung president ng section namin.. Sumang-ayon naman ang lahat.. Ayun, kung anu-ano pinag-usapan.

"So, cleared na tayo dun sa exchange gifts ah? Pwede na kayo gumawa ng Codename nyo at ipasa nyo sakin.."

Nagsulat naman ako.. Nilagay kong codename is "HaveYouSeenThisGirl". Para alam na agad nung bubunot sakin na girl ako.. Ganito kasi yun, dapat daw gumawa kami ng codename namin na unique, tapos may hint na girl ka or boy para di na mahirapan ung bubunot sayo, kaya ayan yung sinulat kong codename ko..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The DRAWING (OneShot)Where stories live. Discover now