Chapter 3

46 0 0
                                    

*****

Teka, bakit ba ang lakas yata ng aircon?! Ano ba yan! Ang lamig lamig naman! 

Tumayo ako mula sa kama ko, madilim pa nung mga oras na yun kaya hindi ko makita yung dinadaanan ko. Ewan ko kung anong meron pero ang sakit ng ulo ko bigla tapos feeling ko sobrang bigat ng katawan ko. Teka nga, eh hindi naman ako nakakain kagabi eh, bakit ako biglang bumigat? 

Binuksan ko muna yung ilaw sa kwarto ko tapos hinanap ko na yung remote ng aircon. Oh, eh napakahina nga lang nung temperature na naka-set eh. Tumingin naman ako dun sa electric fan at napansin na nakapatay. Teka nga, bakit ba ang lamig lamig??!

Tinignan ko yung orasan, grabe 10 pa lang? Akala ko eh 5 na! Hindi pa pala tapos yung araw!? Ano ba yan…

Lumabas muna ako ng kwarto ko kasi bigla akong nauhaw. Pagkababa ko eh nakita ko si Herc na nakaupo sa sala at nakaglue yung mata sa tv. Ewan ko ba diyan sa kapatid ko, may sarili namang tv ayaw dun manood sa kwarto niya. 

“Hoy Herc, bakit di ka sa kwarto mo manood? Wag mong sabihin takot ka parin sa mumu?”

Tinignan niya ako ng masama. “Nililinis ni manang yung kwarto ko kaya pinalabas ako. Saka hindi ako takot sa mumu no!” Hindi raw takot, if I know pag ginulat ko yan eh maiihi yan sa kama niya.

Dumiretso na ako dun sa ref namin para kumuha ng maiinom. Nakita ko naman si ate Cass na nakadikit na naman malapit sa telepono. Nung makita niya ako eh bigla ba naman akong irapan. Aba, wala naman akong ginagawa diyan eh, hay nako, ang arte talaga.

“Nagutom ka rin ano? May nalalaman ka pa kasing mag-skip ng meals eh alam naman natin na sobrang takaw mo.”

Hindi ko na siya pinansin at kinuha nalang yung pitcher. Medyo umikot yung paningin ko tapos bigla naman akong nilamig. Bakit ba ang lakas mag-electric fan nitong si Ate Cass?

“Hoy ate, kung naiinitan ka dun ka sa kwarto mo at mag-aircon ka. Bakit ba ang lakas lakas ng electric fan mo?”

Tumingin naman siya sa a kin na parang nagtataka at gulat na gulat. Tumayo siya dun sa kinauupuan niya at lumapit tapos nilagay yung kamay sa noo ko.

“Ano ba!”

“Nilalagnat ka ah! Hala ka, ano na naman ang ginawa mo at bigla kang nagkasakit? Lagot ka niyan kay Mama!”

Tinignan ko naman siya ng masama. Ako? nilalagnat? Hinawakan ko naman yung leeg ko nun at tama nga siya, sobrang init ko nga. Hindi ko na masyadong napansin yung mga sumunod na nangyari kasi biglang umikot yung paningin ko. The next thing I know, I blacked out.

*****

“Mama, anong nangyari kay Ate Andy? Nadedz ba siya? Kasi nangyari sa kanya yung mga nangyayari dun sa laro ko sa gameboy pag binabaril ko siya eh. Binaril din ba siya ni Ate Cass?”

Teka, si Herc yang maingay na yan ah? AT ano daw? Ako? madededz? Hindi yata no! 

“Hindi siya nadedz Herc, nilalagnat lang ang ate mo.”

Naramdaman ko naman na may pumatong sa kama ko tapos nun eh may biglang malikot sa tabi ko. Panigurado si Herc yan.

“Ang pula naman ng mukha ni Ate Andy. Hmf, sigurado nagmake-up yan para magpaganda kay…*imitates Andy’s voice* Sasha!”

Aba sumosobra na itong kutong lupa na ito ah! Tinaas ko yung kamay ko tapos binatukan ko siya. Pagtapos nun eh binuksan ko na yung mga mata ko. 

“Ang aga aga ang ingay mo. Nakakairita yung boses mo Herc!”

Kinamot naman ni Herc yung place kung saan ko siya binatukan. Oops, mukhang napalakas yata yung batok ko ah. Tumingin naman ako kay Mama tapos ayun parang masesermonan naman ako nito pero nag-iba kaagad yung emosyon niya sa mukha. Aba, mukhang naawa yata sa akin si mother dearest.

100 days?!Where stories live. Discover now