14

14 6 0
                                    

"Ilang months na nga kayo?" Tanong ni Abby sa 'kin habang nagliligpit ng aming mga kagamitan dito sa desk dahil uuwi na kami sa bahay.

"Three months," sabi ko habang abala pa rin ako sa mga gamit ko.

"Next month kana pala uuwi," ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses kaya agad akong natigil sa aking ginagawa at napa angat ng tingin sa kanya.

"Mamimiss kita Stella," sabi niya at ngumiti ng pait.

I smiled at her too.

"Me either," sabi ko at inambahan siya ng yakap agad naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"See you after two years Abby," I whispered.

She immediately nodded.

"See you," she said until she started to burst out her tears.





















"Uuwi ka rin Abby?" Haven asked Abby.

Kasalukuyan kaming nasa kusina ngayon at inaantay naming matapos sa pagluluto sina Brian at Drake ng aming hapunan.

"Sa Manila lang naman, bibisitahin ko lang 'yung lola ko roon," Abby said.

"Pero uuwi ka sa Cebu?" Tanong naman ni Drake habang abala sa pagluluto.

"Hindi ko pa alam, basta sabay kami ni Stella uuwi."

"Sabay kayo? Eh pa-Manila ka, uuwi ng Cebu si Stella" sabi naman ni Wil.

"Mag s-stay ako ng isang araw sa Manila, Wil." sabi ko habang nakangiti.

"Oh, so hindi ka pala didiretso ng Cebu?"

I shook my head while still smiling.

"Pero nakabili na kayo ng ticket niyo?" Tanong naman ni Brian.

"Yup, kahapon pa." sagot naman ni Abby

'Di nagtagal natapos na rin sa pagluluto sina Drake at Brian kaya sinimulan na rin naming kumain. At as usual daily routine na namin na may schedule kami kung sino ang maghuhugas ng plato, magwawalis at maglalaba sa araw na iyon. Pagkatapos na naming kumain ay naiwan si Wil sa kusina dahil siya ang maglilinis ng buong bahay ngayon.





















Janna: excited nami diri te, kanus a gani ka mu uli?

(Excited na kami rito ate, kailan ka nga uli uuwi?)

Kaagad naman akong natawa nang mabasa ko ang chat ng kapatid ko.

You: sunod buwan gani

(Sa susunod na buwan nga)

Nagulat naman ako dahil agad itong nag reply sa chat ko.

Janna: I mean unsa adlawa?

You: wa ko kaybaw mn. Basta before Christmas gud naa nakos Cebu

(Hindi ko alam. Basta before Christmas nasa Cebu na ako niyan)

Nang mapansin kong hindi na niya ako nireplyan ay agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko at nag martsa patungong closet ko. Nagsimula na kasi akong mag impake ng mga gamit ko, ganon din si Abby ngayon.

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon