Bride - 12: Crazy Wife

637K 13.1K 1.8K
                                    

A/N: Thank you sa patuloy na pag suporta niyo sa story ko :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to :)


Enjoy!


=========================


(Jewel's P.O.V)


Halos mapuno naman ng tissue paper ang table ko rito sa office dahil kada limang segundo ay pinupunasan ko ang sipon ko. Letche flan naman o! Bakit ngayon pa ako dinapuan ng sipon?! Hay naku! Bad timing! Agad kong pinunasan ulit yung ilong ko dahil baka matuluan ng sipon yung laptop ko.


"Jewel, ayos ka lang ba? Mukhang di maganda ang pakiramdam mo a, umuwi ka na lang muna kaya?", sabi naman ni Hanna.


"Oo nga! Papasok pasok pa kasi, may sakit naman pala. Gusto pa atang hawaan kaming lahat dito.", biglang sabat ni Jen; isang writer din dito na walang ibang ginawa kundi bwisitin ako.


Malaki kasi ang pagka-inggit ng isang toh sa akin dahil mukhang sa akin mapupunta ang promotion na gustong-gusto niya.


"Tch. Manahimik ka nga riyan Jen.", suway ni Hanna sa kanya.


Wala rin akong panahong patulan siya dahil masyadong masama ang pakiramdam ko.


"Hay naku. Ikaw naman kasi Jewel, masyado mong pinapagod ang sarili mo.", panenermon sa akin ni Hanna.


Tama naman si Hanna. These past days, medyo naging busy ako sa trabaho ko at sa pag-aayos sa operasyon ni Jervis. Isali pang tag-ulan at nabasa ako kahapon dahil nakalimutan kong dalhin ang payong ko.


"Jewel, Hanna, Jen.", tawag ni ma'am Femmy sa amin kaya napatingin kami sa kanya.


"Yes ma'am?", Hanna


"May party ngayon ang mga well-known business people in the country and I want the three of you to go there and cover the event. I want a news on the event.", pagbibigay instruction ni ma'am Femmy.


"Yes ma'am.", sabay naming sabi.


Agad kaming naghanda para sa pagpunta sa event na iyon. Paglabas namin ng office ay may naghihintay na isang sasakyan kung saan nakasandal ang boyfriend ni Jen.


"Sa boyfriend ko ako sasabay. I'll just see you there.", sabi nito saka nilapitan na ang boyfriend nito at hinalikan. Bago tuluyang pumasok sa kotse ng boyfriend nito ay tumingin si Jen sa akin. At yung klase ng tingin niya ay yung parang nang-iinggit.


Tss. Akala naman niya naiinggit ako. ASA SIYA! Mas gwapo ang asawa ko kesa sa boyfriend niya noh! At walang panama yang kotse ng boyfriend niya sa mga top branded cars ni Aiden.


Pero wala ni isa man sa office ang nakakaalam na asawa ko ang isa sa mga billionaire businessman ng bansa. Ang alam nila ay single pa rin ako at wala rin akong planong ipaalam ang tungkol sa amin ni Aiden dahil kukulitin nila akong lahat. Baka awayin pa ako nung mga may crush sa kanya.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon