Bride - 10: Jealousy

614K 11.3K 348
                                    

A/N: Hi dear readers :) Thank you po sa pag support sa story na toh :) Like I said, tatapusin ko po muna yung THE PLAYBOY BILLIONAIRE'S QUEEN na story ko bago ko ituloy toh.


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. FOLLOW ME if you want to :)


ENJOY!


========================


(Jewel's P.O.V)


Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating na rin kami sa isang hotel na pagmamay-ari ng Monteverde Empire at kung saan dinaraos yung party.


Binuksan naman ang pintuan ng sasakyan sa side ko at may nag-abot ng kamay niya na agad ko tinanggap. Pagbaba ko ng kotse ay doon ko lang nalaman na si Aiden pala yung nag-abot ng kamay niya.


Napakunot noo ako dahil sobrang titig na titig ito sa akin ngayon.


"WOI! Ayos ka lang?", tanong ko sa kanya dahil parang nakatulog na siya ng nakamulat.


Problema ng isang toh?


Napatingin naman ako kina lola Margareth at mama Jennifer na nakangiti lang habang nakatingin sa amin ni Aiden.


I snapped my finger in front of Aiden's face at dun lang siya parang natauhan.


"Wh-what?", Aiden


"WHAT WHAT WATAWAT. Problema mo? Halika na nga. Mukhang natutulog ka pa atang nakamulat diyan.", sabi ko na lang sa kanya at hinila na siya papasok. Nauna ng pumasok ang grandparents at parents ni Aiden.


"Good evening ladies and gentlemen. Let's all welcome the Monteverde family; the people behind Monteverde Group of Companies' success! The founder of MGC; Mr. Victor Monteverde and his loving wife Mrs. Margareth Ferrer- Monteverde. Former CEO of MGC; Mr. Dino Monteverde and his wife Mrs. Jennifer Perez- Monteverde. And of course, the current CEO of MCG; Mr. Aiden Clay Perez Monteverde and his wife... Mrs. Jewel Paris Rodriguez- Monteverde."


Nagulat naman ako sa narinig kong introduction ng emcee. Hindi ko kasi inaasahan na may ganitong introduction pala. Naramdaman ko naman ang kamay ni Aiden sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya.


"Ba't di mo sinabi na may ganitong introduction pala ha?", bulong ko sa kanya habang nakangiti pa rin sa mga bisita. Pumasok na kasi kami sa venue habang ang mga bisita ay nagpapalakpakan.


"I didn't know about this also. I'm sure it was my grandmother's idea. Damn. Just smile.", pabulong na sagot niya.


At gaya ng sabi niya, ngumiti na lang ako.


Sa kabuuan ng party ay palaging nasa tabi lang ako ni Aiden at pinapakilala sa mga bisita. Tuyong-tuyo na nga ang ngipin ko kakangiti sa mga taong di ko kakilala.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon