Bride - 28: Confused

602K 10.8K 1K
                                    

A/N: (Para sa mga taong matatamaan sa sasabihin ko) Sa mga taong SUPER MAKA DEMAND ng mabilisang UD kahit kaka UD ko pa lang, bayaran niyo ako at pinapangako kong aaraw-arawin ko ang pag UD sa story na ito. Pero pag hindi, hush na lang kayo. Sa mga taong nagsasabi naman ng BITIN, kayo ang gumawa ng katuloy tapos post niyo at babasahin ko. :)


Anyways, THANK YOU na lang sa mga readers na todo pa rin ang suporta sa story na ito at nang-aappreciate ng effort ko :) Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. FOLLOW ME if you want to :)


'Till next time!


=============================


(Jewel's P.O.V)


Unti-unti kong minulat ang aking mata nang maramdaman ko ang gutom. Nang tuluyang nagising ang diwa ko ay hindi ko mapigilang hindi mapakunot-noo nang makita kong nasa bahay na pala ako. Sa kwarto namin ni Aiden to be exact. Ang naaalala ko kasi ay nasa opisina ako tapos umidlip ako saglit dahil napagod ako.


Napatingin ako kay Aiden na mahimbing na natutulog. Ang tiyan niya ang nagsisilbing unan ko dahil yung mga unan ko, nasa sahig na. Yung paa ko nga, nasa labas ng kama. Gaya nga ng sabi ko, magalaw ako sa kama. Himala nga na nakayanan ako ni Aiden makatabi. Oh well, mukhang sanay naman na siya dahil almost 3 months na rin kaming nagsasama.


Pagtingin ko sa may orasan na nasa tabi ng lampshade sa tabi ng kama ay napag-alaman kong 3 pa lang ng umaga. Letcheng gutom kasi na yan, ginising ako.


Dahan-dahan kong inalis yung kanang kamay ni Aiden na nakapatong sa ulo ko saka tumayo na ako sa kama. Alam kong hindi na ulit ako makakabalik sa pagtulog hangga't hindi ko napapakain itong nagwawalang tiyan ko kaya nagpagpasyahan kong kumain.


At dahil hindi naman talaga totally sarado yung ilaw, may nakikita pa rin ako kaya hindi ako nadapa-dapa habang palabas ng kwarto. Nang tuluyan akong nakalabas ay agad akong dumiretso ng kusina at naghanap na ng makakain.


Nilabas ko yung chocolate mousse cake mula sa fridge at isang galloon ng rocky road ice cream. Binuksan ko rin yung mga jars na kinalalagyan ng pocchi, jelly beans, gummy bears, dolly mixtures, m&m, strawberry belts, and ferrero rocher na minsan ay dinala rito nina lola Margareth. Snacks daw namin. Alam kasi nilang mahilig ako sa matatamis.


Binuksan ko na lang yung T.V na naririto sa may kusina at naghanap ng panonoorin mula sa mga movies na naka save roon.


Ayun! Agad kong pinindot yung play button nang makita ko yung "She's the Man" at nagsimula na rin akong lantakan ang mga pagkain ko.


Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng ice cream na malapit ko ng maubos nang biglang may tumikhim mula sa likod ko. Buti na lang agad kong naibalanse ang sarili ko kundi nahulog na ako sa may kataasang stool na kinauupuan ko. Matalim na tingin ang binigay ko sa taong nanggulat sa akin na walang iba kundi si Aiden.


"Did I startle you?", tanong niya habang papalapit sa akin.


The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon