Bride - 14: Crush

664K 13.1K 857
                                    

A/N: Enjoy reading. Thank you na lang sa mga understanding readers ko na matiyagang naghihintay ng UD at hindi yung demand ng demand :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want too :)


Till next time!


===========================


(Jewel's P.O.V)


"Wait for me later.", narinig kong sabi ni Aiden.


Tumango lang ako habang nakayuko pa rin. Nasa loob kami ng black Porsche niya na nakapark ngayon sa harap ng office ng pinagtratrabauhan ko.


Sumilip naman ako sa tinted window ng kotse at nakita kong napapatingin ang mga katrabaho kong pumapasok. Malamang titingin sila. Akalain mo kasi yun, isang bagung-bagong black Porsche ang naka park sa labas ng office niyo!


"Tch. What the hell are you doing Jewel? It's not like they're gonna see you outside. The window is tinted.", narinig kong sabi ni Aiden.


Doon lang naman ako napatigil sa paglinga-linga at pagyuko-yuko ko. May point naman kasi siya. Ang shunga ko lang talaga kahit kailan!


"Sabi ko nga tinted. Nag stre-stretch lang naman kasi ako e.", nakangusong sabi ko na lang para itago ang pagkapahiya ko.


Napa-iling na lang si Aiden.


"You know, your officemates-.", Aiden


"Okay! Gotta go!", pagpuputol ko sa sinasabi ni Aiden nang makita kong wala na yung mga katrabaho ko sa labas. Agad akong lumabas sa kotse at tumakbo na papasok.


Wooooh! Buti na lang walang nakakita sa akin! Ang galing ko talaga!


Habang naglalakad ako papunta sa may cubicle ko, napansin kong nakatingin sa akin ang lahat. O-kay? Anong meron?


Agad ko namang nilabas ang phone ko at nagsalamin doon. Wala namang dumi ang mukha ko a pero bakit wagas kung makatitig ang mga toh?! Napatingin ako kay Jen na himala dahil nag-iwas ng tingin at di ako tinarayan ngayong araw na toh. Anong meron?


"JEWEEEEEEEEEL!", napatakip ako sa tenga ko dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni Hanna.


Lumapit ako sa kanya at nilapag ang bad ko sa table ko na katabi lang ng table ni Hanna.


"Makasigaw naman toh. Nasa magkabilang bundok lang tayo 'te?"


"JEWEL PARIS!", malakas pa ring tawag sa akin ni Hanna.


Hala! Nabaliw na ata tong isang toh a!


The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon