Chapter 2

2.3K 72 13
                                    

Dos

"Ahh! Fuck," hiyaw ko ng subukan kong bumangon nang magising ako.

Para akong baldado ngayon dahil uugod-ugod akong naglalakad papuntang cr para maligo.

"Ah, shit shit!" daing ko pagbuhos ng malamig na tubig. Naghilamos lang ako at nagtowel na. Di ko kayang maligo.

Nagbihis na ako ng aking tshirt at black hoodie at skinny jeans. Wala kaming uniform sa university.

Biglang tumunog ang aking phone at sinagot ito.

"Hello babe? Ba't napatawag ka?"

"I miss you babe, sunduin na ba kita?" sagot ni Ivy sa kabilang linya.

"Teka lang babe, icheck ko lang kung nandito pa sila Mama," at lumabas muna ako sa kwarto ko para tingnan kung nandito pa sila Mama.

"Señorita Dos, kain na po kayo. Mahigpit pong ipinagbibilin sa akin ni Madame Yuriko bago siya umalis na maaga raw po kayong umuwi mamaya dahil ihahatid daw po kayo ni Miss Aya sa paglipat niyo," bungad at mahabang litanya ni Nely.

Pumasok uli ako sa aking kwarto at kinuha ang aking tennis bag dahil may practice kami.

"Hello babe? Are you still there?" nagulat naman ako dahil on-going pa pala ang call namin ni Ivy.

"Yes, babe. Nandito pa ako. Hintayin na lang kita sa labas."

"Sure babe. Wait for me, bye," at inend na nito ang call.

Pumasok na ako sa elevator dito sa mansion namin dala ang bag na pamasok ko at tennis bag. Shortcut kasi itong elevator dahil pagbaba mo ay labas na agad.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas na agad ako at pinilit kong tumakbo ng mabilis kahit masakit ang aking katawan.

"Hay salamat babe, nandito ka na." Napabuntong-hininga ako paglabas ko ng gate namin at pumasok na agad sa kotse ni Ivy.

Sinunggaban naman agad ako ng halik ni Ivy. Medyo tumagal ang laplapan namin at tumigil lang kami ng humiyaw ako sa sakit dahil kinakalmot niya ang likod ko.

"Babe, umalis na tayo at baka malate na tayo," yaya ko rito ng akmang magtatanong pa ito sa akin.

Mabilis na niyang pinaharurot ang kotse at pumasok na kami.

Nang makarating na kami sa Ashford Imperial University ay hinalikan niya muna ako bago nagpaalam.

Pagkarating ko sa room ay sinalubong agad ako ng aking dalawang kaibigan na katulad ko rin.

"Good morning bruh! Kanina ka pa namin hinihintay ni Julianne," bati ni Camille sa akin sabay hampas nang malakas sa likod ko.

Bigla akong napangiwi at napaupo. Namumuro na sila sa akin ah pero di ko puwedeng sabihin sa kanila ang nangyari.

"Oh Dos, ang lampa mo na ata ngayon. Teka nga lang, parang may mali sa'yo ah. Di ka naman naghohoodie kapag pumapasok," at tinaas at pinaharap naman ni Julianne ang mukha ko sa kanya at tiningnan akong maigi.

"Bakit namumutla ka Dos? May sakit ka ba?" naghihinalang tanong sa akin nito at sinipat ako.

"Wala akong sakit Jules 'tsaka okay lang ako. Bitiwan mo na ako," tipid kong sagot dito.

Magtatanong pa sana ito pero buti na lang at dumating na ang prof namin.

Habang nagkaklase ay nakakaramdam ako ng kirot sa aking katawan lalo na sa likod. Tumutunog na rin ang aking tyan dahil di pa ako kumakain simula kagabi. Nang hindi ko na makayanan ay nagpaalam ako kay prof.

"Sir, may I go out?" paalam ko kay sir at pumayag naman ito.

Nagtatanong ang mga mukha ni Jules at Cami na tumingin sa akin pero nginitian ko lang sila at mabilis ko nang kinuha ang aking wallet at umalis.

My Mama's Bestfriend (GL)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant