Chapter 1

3.2K 86 18
                                    

Dos

"Bye babe, ingat sa pag-uwi," sabi ko kay Ivy at bago pa ako makalabas ng kotse niya ay kinabig niya ako and she kissed me torridly.

Di ko namalayan na nakapatong na siya sa akin habang ako naman ay hindi na makahinga dahil sa pagsuck niya sa aking dila na animo'y gigil na gigil at mauubusan.

Nang kinakapos na rin siya ng hininga ay humiwalay na ito at ngumiti sa akin. Ako naman ay hingal na hingal.

"Sige na babe, I need to go," nginitian ko muna siya 'tsaka lumabas na ng kotse.

Hinintay ko munang makaalis siya at nang makalayo na ay pumasok na ako sa mansion namin.

Pipihitin ko na sana ang door knob nang bigla itong bumukas at iniluwa ang namumutla at kinakabahang mukha ng maid naming si Nely.

"S-Señorita Dos, pinapatawag po kayo ni M-Madame Yuriko," pagkasabi no'n ay mabilis na itong umalis.

Dumiretso muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay. Bigla na namang may kumatok sa pinto ko.

"Come in!" sigaw ko.

"Señorita Dos, nagagalit na po si Madame Yuriko," at nagmamadali na naman itong umalis.

Nagmadali na ako at pumunta na sa living room. Nadatnan ko si Mama na nakaupo sa isang couch at nakapikit kaya akmang aalis na ako nang bigla niya akong tinawag sa kanyang nakamamatay na boses.

"Dos, bumalik ka rito," pagkarinig no'n ay bigla akong kinabahan pero hindi ko pinahalata at hinarap si Mama.

Pagkaharap ko kay Mama ay matalim itong nakatingin sa akin at mas kinabahan ako at nanginginig na sa takot dahil hawak na niya ang kanyang paboritong stick na madalas niyang ipalo sa akin.

"Dos, anong sabi ko sa'yo? 'Di ba nangako ka sa akin na hindi na uulit? Dahil sa mga katarantaduhan mo, nadadamay na ang business natin!" galit na sabi nito sa akin at malakas akong pinalo ng stick sa braso.

"Tama na po Mama! Promise po di na ako uulit," daing ko dahil sa sakit na aking natamo pero pinalo na naman ako.

"Gasgas na 'yang mga pangako mo Dos. Tingnan mo 'tong mga nakarating sa akin. Ang babaeng anak ng isang kasosyo natin ay ikinama mo lang at iniwan. Itong isa naman ay ikinama mo rin matapos ka sa una. Meron pa, ang tatlong anak na babae ni Mr. Lee ay sabay-sabay mo ring biniyak at nang matapos ay nawala ka ring parang bula. At higit sa lahat, ang tatlo ring anak na babae ni Mr. Park ay tinira mo sa iba't-ibang lugar. 'Yang walong babae na 'yan virgin lahat Dos tapos anong ginawa mo ha? Tinutuhog mo ng sabay-sabay sa loob ng isang buwan," malamig na sabi niya habang pinapakita sa akin ang mga larawan ng mga babaeng hindi ko na maalala.

"Lahat ng kalokohan mo pinapalampas ko Dos at pati na rin ang pagiging bisexual mo, pinagbigyan ko. Pasalamat ka't mas makapangyarihan ako sa mga 'yan. Dahil hindi na kita masaway, simula ngayon, hindi ka na titira rito sa mansion," at inundayan na naman ako nang napakalakas na hampas kaya napahiyaw na naman ako sa sobrang sakit. Naramdaman ko na lang na dumudugo na ito kaya naluluhang napaluhod ako sa harap ni Mama.

"Kulang pa 'yan Dos kahit anak pa kita may kalalagyan ka sa akin. Baka nakakalimutan mo kung sino ako at ano ang kaya kong gawin sa'yo, Dos. Tuturuan muna kita ng leksyon," malamig pa ring nakatitig si Mama sa akin at biglang tinawag ang mga bodyguards niyang babae.

"Ami, Aya, dalhin niyo siya sa play room ko," pagkasabi ni Mama ay nauna na siyang umalis habang ako ay biglang binalot ng takot dahil ayoko sa kwartong 'yon ni Mama.

Naramdaman kong hinawakan na nila ako sa magkabilang braso at itatayo na pero pilit akong nagpupumiglas dahil natatakot ako pero mabilis akong sinikmuraan ni Aya kaya bigla akong nanghina.

My Mama's Bestfriend (GL)Where stories live. Discover now