Chapter 9

2K 82 24
                                    

Dos

"Dos, gising na! Dos!" Nagising ako dahil sa kayuyugyog sa 'kin ni Jules.

"Jules, five more minutes," inaantok ko pang sagot at nagtalukbong ulit.

Mabilis niyang hinila sa 'kin ang kumot kaya bumangon na rin ako.

"Kumusta naman ang tulog mo Dos?" tanong niya habang pababa kami.

"Ano sa tingin mo Julianne? 'Di ba halata?" iritadong tugon ko. Puyat na nga, wala pang tulog. Saka kapag tulog na lang nga tahimik ang buhay ko, naiistorbo pa rin.

Pagbaba namin ay nadatnan namin sa sala si Cami na bagong ligo at nakagayak na.

"Sa wakas, bumaba na rin kayong dalawa. Dalian niyo na at papasok na tayo. Anong oras na oh," bungad niya agad sa 'ming dalawa habang prenteng nakaupo sa sofa.

Napahikab naman ako bago magsalita,"Papasok na agad tayo? 'Di ba puwedeng um-absent muna? Inaantok pa ako eh." Ang aga-aga kasi kaya nakakatamad.

"Oo, talagang papasok na tayo. At ikaw Julianne, kumilos ka na rin! Kanina ka pa gising pero 'di ka man lang nagluto ng agahan natin. Wala ka talagang kuwenta. Puro ka landi," puna naman niya sa kasama ko.

"Ikaw ba si Dos para ipagluto kita ha? Saka wow, nakakahiya naman sa may-ari ng bahay kung makapagsalita ah!" sarkastikong saad naman ni Jules.

"Oo, talagang mahiya ka sa 'kin Julianne! Tapos tatanungin mo ako kung ako ba si Dos? Oh god, Julianne Red! A-ako 'yong nauna rito p-pero mas gusto mo 'yong pangalawa. Bakit? Ano bang meron sa dos na wala sa uno? Dahil ba mas matimbang 'yon?" madamdaming pahayag ni Cami at napatayo na siya.

Nagulat naman si Jules at mabilis na nilapitan si Cami habang ako nama'y pinapanood lang silang dalawa. Nalilito kung anong pinag-uusapan nila.

Hinawakan ni Jules sa magkabilang balikat si Cami at tinitigan ito sa mata.

"Camille, oo, alam kong ikaw ang nauna rito pero ang dos..."

"Ano?"

'Di na rin ako nakakilos dahil sa dalawang kasama ko. Parehas kong inaabangan kung ano ang kanilang mga sasabihin.

"Ang dos..."

"Ay..."

"Dalawang..."

"Uno."

Mabilis na hinampas ni Cami si Jules na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

"Gago ka talaga Red! Napakawalang-kuwenta mo talaga! Isa kang bukod-tanging animal na dalawa lang ang paa!" sigaw niya at nanguha na ng unan para ibato kay Jules.

Napangiti naman ako sa kakulitan nilang dalawa. Wala na talagang dadaig sa trip nilang dalawa.

"Oh Dos, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Wala ka man lang bang ambag diyan? Siguro nama'y nawala na 'yong antok mo 'no?" pukaw na naman niya sa 'kin.

"Ang cute niyo kasing tingnang dalawa. Ganyan ba kayo magmahalan? Dapat everyday ganyan para naman matuwa ako kahit wala akong tulog dahil sa inyo."

"Isa ka pa Dos Uy! Puwede bang umalis-alis na kayong dalawa sa harap ko! Kung magmamahal lang din ako ng katulad niya, magmamadre na lang ako. Kumilos na nga kayo, mga dugyot," pagtataboy niya sa 'min.

Agad na lumapit sa 'kin si Jules. "Tutal late na rin naman tayo, ihanda mo na 'yong sasakyan, Camille habang hinihintay mo kami para naman may pakinabang ka. Sayang naman 'yang porma mo kung puro hugot ka lang!"

Sasagot pa sana si Cami ngunit kinaladkad na ako ni Jules papuntang cr. Puro sigawan pala ang mangyayari sa 'min kung magkakasama kaming nakatira sa iisang bahay. At ako panigurado ang laging mapagti-trip-an.

My Mama's Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon