Chapter 7

1.7K 66 11
                                    

Dos

Isinukbit ko na ang aking bag at handa na akong pumasok. Nagmadali na ako dahil gusto ko nang makaalis dito. Kung di dahil sa katangahan ko kagabi-ba't kasi-ewan ko na talaga!

Ang tanga-tanga mo Dos!

Marahan ko munang tinapik-tapik ang aking magkabilang pisngi upang iwaglit ang nasa isip ko.

Ilang saglit lang ay nagpasiya na akong lumabas ng aking kwarto at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang bodyguard. Siya ata 'yong Ryota. Tila may kausap ito.

"Yes Shizuka-sama. Everything is in good condition." Bigla naman itong napatingin sa'kin nang matapos siya dahil kanina pa ako nakatayo sa harap niya habang siya ay nakaharang pa sa daraanan ko.

Wala ata siyang balak na paalisin ako rito ah. Ang aga-aga-ngayon pa talaga.

"I'm sorry Señorita Dos. And as per Shizuka-sama's order, kami na ang maghahatid sa'yo sa Ashford Imperial University araw-araw simula ngayon," pormal nitong sabi sa'kin at akmang kukunin na nito ang aking bag pero mabilis akong umiwas.

Nakikipagsukatan ako ng titig sa kaniya at gano'n din siya sa'kin. Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya at mabilis ko siyang binunggo para makaalis na ako.

Napakaaga puro Shizuka, Shizuka, Shizuka. Wala na ba silang pwedeng banggitin na iba?

Bago pa ako makahakbang ay mabilis niyang hinila ang aking bag at muntikan pa akong matumba. "Please, Señorita Dos. Bumaba ka na rin at kumain dahil ilang minuto na lang ay aalis na tayo."

"Pwede bang bitiwan mo na ako? Hindi na, papasok na ako," iritadong sagot ko. Kinuha na niya ang aking bag at tuluyan na kaming umalis.

***

Kasama ko ang limang bodyguard at lulan kami ngayon ng isang van. Tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana at hindi pinapakinggan si Ryota na patuloy lang na nagsasalita tungkol sa utos ng amo niya.

"Señorita Dos, mahigpit ding ipinagbibilin sa'min na kami rin ang susundo-"

"Nasaan ba ang amo niyo? Saka hindi ba kayo napapagod? Matanda na ako at wala kayong mapapala sa'kin. At isa pa, may cellphone ka ba? May tatawagan lang sana ako," diretsa kong saad habang nakatingin sa kaniya na kasalukuyang nakatingin sa isang folder. Nanatili itong tahimik bago bumaling sa'kin.

"Pasensya na pero hindi namin pwedeng sabihin kung nasaan si Shizuka-sama. Si Shizuka-sama lang ang pwede mong tawagan at wala ng iba." Napapikit na lamang ako sa itinuran niya.

Napakaimposible talaga ng mga taong ito. Kapag sa'kin, kailangan nilang malaman samantalang kapag ako nama'y hindi pwede.

Mayamaya ay huminto na ang sasakyan. Nandito na kami sa university. Hindi ko na sila hinintay pa at mabilis na akong bumaba dala ang aking bag. Tumakbo na ako para di nila maabutan.

Pagkarating ko sa'ming classroom ay kakaunti pa lang kami. Maaga pa pala. Napagdesisyunan ko munang pumunta sa canteen dahil kumakalam na ang aking sikmura.

Nang makarating ako sa canteen ay bigla kong nasalubong si Ivy.

"Dos, babe!" malanding tawag nito sa'kin at mabilis akong niyakap 'tsaka siniil ng halik. Tinugon ko naman ito. Wala kaming pakialam kung may makakita sa'min. Nagtaka naman siya nang bigla akong tumigil at lumayo.

"Babe, may sasabihin-" Bago ko pa masabi ang aking pakay ay hinila na niya ako palayo. Nandito kami ngayon sa isang locker room.

Mabilis niyang isinara at ni-lock ang pinto. Walang sabi-sabing marahas niya akong isinandal sa isang locker dahilan upang mapangiwi ako mula sa impact at mapusok na hinalikan. Nagsimula nang maglakbay ang kaniyang mga kamay sa loob ng aking damit. "Babe," ungol ni Ivy sa pagitan ng aming mainit na halikan.

My Mama's Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon