Chapter 38

470 13 3
                                    

Chapter 38.

Alaminos.

I woke up with a severe head ache. Hinawakan ko ang ulo ko at napapikit. Shit!

Ano na namang pina inom sa akin ni Vincent? Knowing Vincent, he will put not just beer, vodka or jack daniels is closer.

Tiningnan ko ang paligid at nasa condo pa pala ako ni Vincent. Napatawa ako nang maisip kung saan na naman nakatulog si Vince.

Tumayo na ako at nagsimulang hanapin si Vincent. Maybe nasa sala siya. Binuksan ko ang pinto ng kearto niya at bumungad sa akin ang magulong sala ni Vincent.

Napatawa ako ng nakita ko si Vincent na nakasubsub sa table. Tumba!

Nakita ko sa gilid niya ang vodka. Yup, yun lang naman ang pinainom sa akin kagabi.

"Vincent. Vincent. Vincent!" Sa huling tawag ko ay napalakas na siya.

Inaantok na mukha ang bumungad sa akin. Pumikit pa ito at napakamot sa ulo niya. Tumingin ito sa orasan na mag aalas dose na pala. Napasubsob ulit ito.

"Uuwi na ako." Tumango lang ito sa akin bago sumubsob ulit.

Lasing pa ata!

Inayos ko ang gamit ko at lumabas na sa condo niya. Napatigil ako nang tumunog ang tyan ko. Nagdesisyon akong sa resto muna dadaan bago umuwi.

Una kong nakita ang restorant ng FRIDAY'S masarap daw dito sabi ni Vincent. Pumark muna ako bago bumaba.

Pagkapasok ko pa lang ay bungad agad sa akin si Ranz at Cheeny na masayang nag uusap. Nakita ko pang hinampas ni Cheeny ang braso ni Ranz.

Are they? Are they going back together?

Humugot ako ng malalim na hininga. Di ako makapaniwala. Matapos sabihin sa akin ni Ranz lahat ng sinabi niya. Sabi na eh, no character development for Ranz.

Same Ranz ten years ago.

Lumabas na akong FRIDAY'S kase feeling ko tutulo na ang luha ko. Di pa nga ako nasugal, sakit na naman?

Nag drive ako pabalik sa condo ni Vincent. Pagpasok na pagpasok ko ay sinipa ko agad si Vincent na naka-ubob.

"Ano ba?!" Singhal niya sa akin.

"Uuwi tayong Alaminos. Now na. Hurry up. Sakay ka na labg sa kotse ko. Sunduin kita mamayang alas dos. Maligo ka at magimpake. Baho mo!"

Pagkasabi ko ay tinalikuran ko na agad siya. Narinig ko pa ang pag-angal niya pero umalis na ako.

Nagdrive thru na lang ako kasi gutom na gutom na talaga ako. Pagkatapos ko ay dumiretso agad akong condo ko.

Pinuntahan ko agad ang kwarto ko at nag-impake for 1 week clothes. Naligo na ako at kumain ng inorder ko.

Yumingin akk sa orasan ko at mag aalas dos na pala. Susunduin ko pa si Vincent. Nagdrive agad akong papuntang condo ni Vincent at naabutan siyang naghihintay sa may harap ng builfing habang nakayuko.

Lasing pa ata si Vincent!

"Kath. I hate you for this." Tamad na sabi niya sa akin.

I pouted playfully.

"Kala ko ba love mo ko? Why hating me?" Pagpapacute ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama. Umirap ito sa akin bago sumakay sa kotse. Ngiting tagumpay naman akobg sumakay.

"Matulog ka na lang diyan. Mukhang lasing ka pa." Tukso ko sa kanya.

ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now