Chapter 31

490 12 1
                                    

Chapter 31.


Drunk.


Ang sakit nang mga mata ko. Kakagising ko lang kaninang alas dos kasi iyak ako ng iyak kagabi hanggang alas tres ng madaling araw.


Humiga ulit ako sa aking kama. Huminga hinga. Nag isip isip kung anong gagawin ko today matapos ang nangyari kahapon.


"Ang sakit ng mata ko!" Reklamo ko. Tumayo ako at tumingin sa salamin at doon ko nakita ang mala panda kong eye bugs.


Tiningnan ko ang cellphone ko nang may maisip akong gagawin today. Matawagan nga si Vincent para may kasama naman ako.


Tatlong beses itong nag ring bago niya sagutin ang tawag. "Hello Vincent?"


"Kath? Hello. Bakit ka napatawag?"


Doon ko na kiniwento ang lahat ng nangyari kahapon. Nakinig lang sa akin si Vincent kahit minsan ay nagugulat na siya sa naririnig. Di ko rin maiwasan maiyak habang nagkwekwento ako.


"Parang tanga yang si Jevier! Di ko akalain na ipapagawa niya yan kay Ranz! Bhie ako pigilan mo ako!" Napatawa ako sa sinasabi ni Vincent.


"Kaya nga aayain kita uminom ngayon." Sabi ko sa kanya.


"Hala kang bakla ka Kath! Bakit ngayon mo lang sinabi! Sige sige, saan ba tayo?" Tanong niya.


"Sa bahay niyo? Pede ba diyan?" Tanong ko pabalik.


"Gaga ka. Syempre naman bhi3. Ikaw pa. At saka ako lang abg nandito sa bahay kaya let's go drink!"


"Sige sige. Paghanda mo ako ng sojus ha? Ako na bahala sa beers at pulutan. Anong bang gusto mo?"


"Sisig!" "Sisig na lang kaya?" Sabay naming sabi sa isa't isa.


Napatawa ako. "Sige sige. Sisig it is. Bye na. Hinatayin mo ako diyan, siguro mga thirty minutes nandiyan na ako. Bye!" Paalam ko.


"Bye Kath." Binaba ko na ang cellphone at nag ayos na.


Pumunta akong bayan para bumili ng mga beers. Syempre light lang di naman kami magiinom til' we drop noh!


Pumunta rin akong sisigan at umorder ng family size. Sarap niyan! Umorder din ako ng liempo na ihaw! Sarap naman bhi3!


Pumunta akong bahay ni Vincent sa may tabi ng marce paloob. Nilakad ko ito habang bitbit ang mga pagkain. Binababa ko muna ito at nag doorbell kila Vincent.


"Vincent!" Tawag ko mula sa gate nila. Lumabas naman si Spike, aso nila Vincent. "Hi Spikey-baby." Kumusta ko sa aso kaya tinahulan lang ako nito, nagpaikot ikot ito saka tinahulan ako muli. Ang cute! Sobra!


"Kath! Pasok kang gaga ka!"


Binuksan niya ang gate at tinulungan akong ipasok ang mga pagkain. Dumiretso agad ako sa reef nila para ilagay ang mga beer. Pagbukas nang pagbukas ko ay bumungad agad sa akin ang sampong soju. Pagkatapos kong ilagay ang mga beer ay nilagay ko naman sa plato ang nga pagkain.


Ang bango ng sisig! Ang sarap!


"Kath dito." Yaya ni Vincent sa may garden nila sa likod. Naglatag kami doon ng tela at doon umupo. Dinama ko ang hangin at sininghot ito. Sarap sa pakiramdam.


"So, anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Vincent na kinailingan ko naman. "What?! Wala tayong gagawin maliban sa uminom?! C'mon girl! Don't be so broken!" Sumandal lang ako sa balikat nito at nag isip isip.


ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon