Chapter 30

525 12 3
                                    

Chapter 30.

Game plan.

"W-what?"

Ngumisi ito sa akin, ngising mapang-asar. How Ironic. Parang kahapon lang gustong gusto ang mga ngisi niya. Pero ngayon...

"W-what do you m-mean?" Ulit kong tanong.

"It's all part of the plan." Simpleng sagot niya. Bakit parang baliwala lang sa kanya?

"Plan?" Mahinang saad ko.

"Yes plan. Diba sabi ko sayo tutulungan kitang makalimutan si kuya. Ito na yon." Malamig na saad niya. Umiling iling ako. Nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata.

No. No. This can't be happening. This is just a dream.

Tumawa ito kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin ito sa akin ng may ngiti sa labi na halatang nang aasar.

"You? Don't tell me?" Humalakhak ito ng malakas.

Tinakpan ko ang tenga ko. Ayokong marinig ang mga sasabihin niya. Natatakot ako. Nasasaktan.

"Don't tell me, nahulog ka talaga?" Mapangasar na saad niya.

Napayuko ako. Yes. Nahulog ako. Akala ko kasi... Akala ko...

"D-do you e-even see me as your g-girlfriend nor l-lover?" Lakas loob kong tanong.

"Nagpapatawa ka ba? It's all part of the game. Mula sa seven eleven, sa panliligaw ko sayo, hanggang dito Kath, it's all about the game."

Nanghihina na ako sa narinig ko. Ayoko harapin ang katotohanan na ang lahat na pinakita niya, laro lang.

"L-lahat? Pati mga texts and chats mo? Lahat ng yon sa plano mo para makalimutan ko si Jevier?!" Napasigaw na ako sa sakit ng nararamdam ko ngayon. Bumuhos nang sunod sunod ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.


"Of course. Paano mo siya makakalimutan kung hindi ako mag mamake move?"

"Y-yung namatay si tatay. Totoo ba yung pinakita ko doon? Baka kahit doon ay laro lang sayo?" Aaminin ko, sa mga tinatanong ko sa kanya ay masasaktan talaga ako.

"Of course not. May awa naman ako. Awang awa nga ako sayo nung araw na iyon eh."

Good thing totoo yon. Kasi baka magwala ako pag kahit yon ay kasama sa plano niya.

"Sa lahat ng pinakita mo? Alin doon ang totoo?" Lakas loob kong sabi.

"Nothing. Well sa part nang tatay mo, that's true pero all in all. Wala."

Nanghihina akong napaupo sa damuhan. Sininghot ko ang mga sipong lalabas na ata kakaiyak ko. Feeling ko mukha akong tanga ngayon na nakaupo sa harapan niya at siya ang nasa taas na nakafungaw lang sa akin dito.

Namalagi ang katahimikan sa amin ng may dumating. Si Jevier. Umigting ang panga ko ng malala na baka alam niya ang lahat ng ito. Na baka siya, pinaglalaruan lang ako.

"Bro."

Inangat ko ang tingin ko kay Jevier. Nakita kong nakatingin din siya sa akin na may guilt sa mukha niya.

"Bro? S-sinabi mo? What the hell?" Pahina ng pahina niyang saad.

Napaiyak na ako dahil doon. Sa sinabi niyang yon alam ko sa sarili ko na sinampal na ako ng katotohanan na simula pa lang ay laro laro na.

ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now