Kabanata 6

194 2 6
                                    

ALYSSA'S POV

"Ganito na lang Ate para maganda" sambit sa akin ni Dani nung hindi ko alam ang idedesign ko.

"Sige,"

"Babe!" lumingon naman ako dahil alam kong nasa garden siya kasama sina Tito.

"Bili tayo sa kanto, samahan mo ako" aya niya sa akin

"Ikaw na, may ginagawa ako" sagot ko sa kaniya kaya tumango naman siya. Kinuha niya yata yung susi sa taas kaya umakyat siya.

"Okay kayo ni Kuya?" tanong niya sa akin kaya umiling ako.

"Bakit?" usisa niya

"Maliit lang na bagay" sagot ko sa kaniya tsaka tumayo para kunin yung stapler

Pagdating niya may binigay pa siya sa akin na milktea. Nabigla pa ako doon, bigla ba namang binigay sa akin.

"Sabihin mo kung inaantok ka na ah," paalala niya kaya tumango ako bilang sagot.

Alas-dyes na siguro kami natapos. Hindi ko pa alam kung saan ako matutulog.

"Magtabi kayo ni Thirdy, Kuya. Bigay niyo kay Ate Ly yung isang kama" sambit ni Dani

"Kayo na lang magtabi ni Ate Ly. Magulo ako sa kama" suhestyon ni Thirdy na parang ayaw niya makatabi si Kiefer.

"Mas lalo ako," sumbat naman ni Dani

"Ako na, ako na. Sa sahig na lang ako" sambit ni Kiefer sa kanila.

Nung umakyat na kami, naghilamos muna ako at nagtoothbrush. Paglabas ko nakalatag na si Kiefer.

Umupo na ako sa kama tsaka naghanda para humiga. Pasimple pa akong sumilip para tignan si Kiefer. Hindi ba dapat ako diyan kasi ako yhng nakikitulog?

"Goodnight, I need to beauty rest" sambit ni Dani bago humiga kaya tinignan siya ni Thirdy.

"Rest lang" pang-aasar niya kaya humiga na lang si Dani kaya humiga na rin ako.

Ilang oras akong nakatitig sa kisame at nililingon-lingon ang mata ko sa paligid. Pinatay na rin ni Thirdy ang ilaw tsaka humiga na rin.

Hindi ko namalayan na alas-dose na pala at hindi pa ako tinatamaan ng antok. Sinilip ko si Kiefer na tulog na. Mahimbing na rin tulog nina Dani at Thirdy. Hindi talaga ako sanay matulog sa ibang bahay plus iniisip.ko pa 'tong si Kiefer na nasa sahig lang.

"Nong..." mahinang tawag ko sa kaniya kaso malayo na ata ang narating nya.

"Kief..." may kasama nang kalabit ngayon kaya binukas niya na mata niya.

"Palit tayo. Dito ka na lang, diyan ako" mahinang sambit ko kaya umirap siya.

"Hindi na, diyan ka na" sagot niya tsaka tinalikuran ako.

"Tabi na lang tayo," I exclaimednkaya humarap siya.

"Hindi na, okay na ako dito" sagot niya na halatang nakukulitan siya sa akin.

"Sige, sa sahig na rin ako" matigas kong sambit tsaka tumayo at kumuha ng unan.

Napakamot siya ng ulo tsaka tumayo at nilagay yung mga unan sa kama at tinignan ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Dreams ApartWhere stories live. Discover now