Kabanata 2

156 3 0
                                    

ALYSSA'S POV

"Yes ano yun?" bungad sa akin babae sa registrar office. Dumungaw naman ako doon sa maliit na bintana nila.

"Goodafternoon po. Regarding po kasi doon sa name ko sa portal, mali po kasi siya. Gusto ko pong papalitan iyun" salita ko sa kanila.

"May ginagawa pa ang MIS Office, mas importante kasi yung kaysa sa situation mo" sagot nila kaya tumango-tango ako.

"Miss, ilang beses nang pabalik-balik siya dito. Ilang beses narin na ganiyan ang sinasabi mo. Sabihin mo sa MIS office, ayusin nila ngayon" tinignan ko naman siya ng masama.

"No miss, It's okay, babalik na lang ako ulit"

"Sige, bigyan nalang kita ng slip" sagot nila kaya ngumiti ako. Akmang kukunin ko na yung slip, pinigilan niya kamay ko.

"I want to do that now!" sambit nito kaya tumayo na yung babae para sabihin sa MIS Office.

Hindi ako umimik nung umalis yung babae, hindi ko rin siya kinausap. Pareho lang kaming nakatingin sa wala.

"Pasok nalang kayo," ani nung babae kaya nauna na akong pumasok sa loob.

"Pasulat na lang ako ng student number mo at yung ipapabago mong name" sambit nung isang lalake tsaka ko naman iyun sinulat.

Naghintay kaming dalawa hanggang sa makabalik yung isang lalake. Inis na inis ako sa ginawa niya kanina.

"Sabay ka sa akin mamaya," salita niya kaso tinignan ko siya at umirap sa hangin.

"May sundo ako, susunduin ako ni Mama" sagot ko kahit hindi naman totoo. Inilabas naman niya cellphone nya

"Sa akin ka pa magsisinungaling. Alam kong nasa out of town business si Tita" ani niya

"Ayoko....magco-commute nalang ako" sagot ko sa kaniya

"Hindi ka magcocommute. Sasabay ka sa akin." sambit niya sakto naman na bumalik na yung lalake

"Okay na, Miss." salita nila tsaka ako tumayo.

"Sir, good afternoon" bati nung kakalabas lang na lalake kay Kiefer

"Thank you so much, Sir!" sambit ko tsaka agad na lumabas. Hindi na ako sinundan ni Kiefer, panigurado may klase na 'yun.

Pagdating ko sa room nagtaka sila Den dahil sobrang tagal ko, sakto din naman dating ko dahil dumating na rin yung isa naming prof.

Buti nalang nasa mood ako sa pagdradrawing at naging maganda yung result nito. Ako yata pinaka-unang natapos.

"Nagugutom ako. Bili tayo?" tanong ko doon sa dalawa kaso hindi pa daw sila tapos kaya ako nalang mag-isa ang lumabas.

Our Dreams ApartWhere stories live. Discover now