Kabanata 3

117 0 0
                                    

ALYSSA'S POV

Hinahangad kung makasabay sa gate sina Ella at Den kaso hindi sila mahagilap ng dalawang mata ko.

"Alyssa..." isang lalake na pamilyar sa akin. I guess kaklase ko 'to. Ngumiti naman ako sa kaniya tsaka huminto sa paglalakad.

"Sabay na tayo sa room" ani niya kaya tumango ako kaya nag-umpisa na kaming naglakad.

"Micho nga pala,"  sambit niya kaya tumingin ako sa kaniya. Ahy okay I remember him na.

"Taga saan ka?" tanong niya sa akin.

"Zone 4 lang..." sagot ko sa kaniya.

"May kasabay ka ba sa lunch later?" tanong niya kaya tumango ako.

"Sina Ella at Den lang. Sabay ka sa amin?" aya ko sa kaniya

"If okay lang sa inyo, sure...naghahanap din kasi ako ng kasabay" balik niya.

Papasok na sana ako sa room kaso nakita ko si Kiefer sa bench na nakatingin sa amin ni Micho. Pinagmasdan ko din siya muna bago pumasok sa loob.

"Hi besh!" bungad ni Ella sa akin tsaka siya bumeso sa akin pati na rin si Dennise.


Kasabay namin si Micho ngayon sa lunch, panay kami kwentuhan lang na apat. Magkatabi kaming dalawa sa table. Dennise and Ella keeps on teasing us, sinusuway ko sila pero ayaw nilang paawat.

"Para namang mga gangster 'tong parating" ani ni Den na nakatingin sa likuran namin. Nakatalikod kasi kami ni Micho sa entrance.

"Tapos isang grupo pa, gwagwapo pa" dagdag ni Ella kaya lumingon ako sa likuran ko.

Nagulat na lang ako na sina Kiefer ang tinutukoy niya. Huminto siya sa table namin na sobrang sama ng tingin kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Excuse me, baka po matunaw kaibigan namin" ngisi ni Denisse kay Kiefer nung hindi kami nagbitawan sa titig.

"May kasalanan ba ako sayo bakit ganiyan kasama tingin mo?" tanong ko kay Kiefer kaya sinuway ako ni Ella.

"Tara na," aya niya kina Luigi na kasama niya. Hindi ko siya inalisan ng tingin hangga't makarating siya sa counter.

"Yabang naman nun, auto-turn off" irap ni Ella na umiiling-iling. Nakikita-kita ko siyang sumusulyap dito hangga't sa tumayo siya at lumabas.

"Excuse me hah, kailangan kong sagutin ang cellphone ko. Si Mommy" paalam ko tsaka sinuot yung bag ko.

Hinanap ko agad sa labas si Kiefer. Sobrang bastos ng galawan niya kanina, he don't want t ruin his image but then ganon siya umasta?

Nakita ko siya pirenteng nakaupo sa isag bench kaya nilapitan ko siya. Naubo ako dahil doon sa usok na nasinghap ko.

"Oh?" tanong niya sa akin nung tumingala siya para tignan ako.

"Ano bang problema mo? Akala ko ba hindi mo ako papansinin sa loob ng campus, anong ginagawa mo?"  tanong ko sa kaniya dahil nabwebwesit na ako.

"At may karapatan ka na rin na makisama sa ibang lalake?" balik niya sa akin.

"Wala naman kaming ginagawang masama, anong problema doon?"  sambit ko sa kaniya.

"Nagseselos ako..." natahimik ako sa sinabi niyang yun. Nung hindi ako sumagot tinignan niya ako.

"Balik ka na doon, kumain ka na. Huwag kang diet ng diet, kuha ka lang doon sa counter" salita niya.

"Eh ikaw? Kumain ka na rin" balik kong salita sa kaniya

"Sunod na ako..."  medyo masakit yung sagot niyang 'yun. It means ayaw niya talaga akong kasama sa loob ng campus. He's protecting his image.

Pagbalik ko sa loob, nagtaka sila Den dahil magkasunod kaming pumasok.

"Nag-World War III ba kayong dalawa sa labas?"  tanong ni Ella na natatawa pa kaya hindi ko nalang pinansin.

Dumating na naman ang alas-quatro at uwian na naman. Papunta na sana akong parking lot kaso may humila sa akin sa kabilang corridor.

"Hoy ano ba!"  sigaw ko dahil ang sakit sa kamay nung pagkakahila niya

"Sasabay ka sa akin" salita niya. Kaya tinignan ko siya. Nakaakbay siya sa akin kaya tinanggal ko agad yung kamay niya.

"Walang taong dumadaan dito, shortcut 'to" sambit niya tsaka ako hinila uli at umakbay siya.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang parking lot. Ngayon na lang niya ako ulit inakbayan kaya naiiyak ako.

"Tahimik mo masyado," sambit niya kaso hindi na lang ako umimik. I used to be loud before everytime na magkasama kaming dalawa, kaso naiba yun.

Pasimple kong pinunasan yung luha ko. Yinuko niya ulo niya para tignan ako.

"Umiiyak ka." sambit niya kaya nauna nalang akong naglakad.

Pagkasakay kong kotse niya nilagay ko uli ang airpods ko sa taenga ko para maiwasan kong makipag-usap sa kaniya.

"Hindi na ako papasok sa loob, may gagawin pa kasi ako" sambit niya nung pinagbuksan niya akonng pintuan ng sasakyan niya.

"Sorry..." sambit niya tsaka bigla akong niyakap nv mahigpit.

"Sorry, Sorry.... I love you" dagdaa niya bago bumitaw sa yakap. Ngumiti akong tipid sa kaniya bago ako pumasok sa loob.

Our Dreams ApartWhere stories live. Discover now