Kabanata 4

94 0 0
                                    

ELLA'S POV

"Bakit 'to? Kakaumpisa ng pasok, may activity agad" inis na sambit ni Dennise nung pagkaalis ni Sir Reynald.

"Reklamador ka. Dapat kanina mo yan sinabi nung nandito si sir" atungal ko dahil isa rin ako sa nabwebwesit.

"Mauna na ako hah. Dennise, Ella" paalam ni Alyssa kaya tumango kaming dalawa.

Nung makaalis si Alyssa, lumapit ako kay Dennise. Feeling ko may tinatago 'tong si Alyssa.

"Alam mo feeling ko may jowa yan dito sa campus" ani ko tsaka naman niya ako tinignan.

"Sino naman?" takang tanong niya sa akin.

"Hindi ko din alam," sambit konkaya tumayo na si Dennise at naunang lumabas sa akin.

"Lilibre kita ng tusok-tusok" tawag niya sa akin nung nakalabas kami ng gate.

Lumapit naman kami doon sa nagtitinda at bumili. Kakakilala konlang dito kay Denisse, feel ko laging nanlilibre 'to.

"Kailan ka gagawa nung kaySir Reynald?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

"Sa Friday siguro," sagot ko sa kaniya dahil walang masyadong class sa friday.

Napahinto kami nung may humintong sasakyan sa tabi namin. Hindi ko alam bakit huminto din kami. Hangga't sa bumukas yung bintana nito.

"Who you?" takang tanong ko sa kaniya. Nakatingin siya amin ni Dennise.

"Tungaw, yan yung sa canteen. Yung lalakeng muntikan nang makaaway ni Alyssa" bulong sa akin ni Denden kaya naalala ko na.

"Bakit?" masungit kong tanong sa kaniya.

"Kayo yung kaibigan ni Alyssa diba?" tanong niya sa amin ni Dennise kaya nagkatinginan kami ni Den.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya dahil first of all hindi naman sila magkaano-ano.

"Hindi niyo ba siya nakita?" tanong niya uli sa amin. Naguguluhan ako.

"Kakauwi niya lang.... Teka lang, bakit mo ba tinatanong? Kaano-ano mo ba siya?" takang tanong ko. Posible naman na Kuya niya 'to eh sobrang layo ng mukha nila.

"B-bo...Boyfriend"

Pareho kaming nagulat ni Denisse doon. Ang sabi niya wala siyang jowa dito sa campus.

"Boyfriend?" tanong namin ni Denisse sa kaniya. Nung sandali lang ay may nilabas siya galing sa wallet niya.

"Here..." picture nilang dalawa ni Alyssa yun na both silang naka-wacky.

"Astig ng bangs ni Aly dito ah" tawa ko kaya siniko ako ni Den.

"Teka nga lang, totoo ba 'to?" tanong ni Den sa kaniya kaya tumango. Ngayon malinaw na saan kung bakit halos sabay silang pumasok sa canteen.

"Tawagan mo na lang kaya, ang sabi niya kasi sa amin mauuna na siya" sagot ko

"Hindi naman niya ako sinasagot eh," salita niya sa amin ni Dennise

"Amin na number, ako tatawag" kinuha yun ni Denisse at tinawagan agad si Alyssa.

"Hello? Sino 'to?"

"Si Dennise, Alyssa. Nasaan ka?"

"Sa waiting shed. Tagal kasi ng sasakyan"

"Hintayin mo si..." biglang sumenyas yung lalaki na huwag sabihin.

"Anong sasabihin ko?" tanong ko tsaka tinakpan yung mouthpiece ng phone ko.

"Hatid nalang namin kayo, sama na kayo sa akin" aya niya sa amin ni Ella.

"Sige" sagot ko tsaka bumalik sa tawag.

"Hintayin mo kami diyan ni Ella hah"

"Sige"

Bulungan namin ni Ella dito sa backseat. For sure magugulat si Alyssa nito pag nakita kami.

"Ilang taon or months na kayo?"  tanong ko dahil sobrang tahimik at awkward sa loob.

"2 years and 4months" sagot niya. Tagal na din pala nila. Sinungaling talaga yung si Alyssa.

"Ayun siya oh," tinuro naman ni Denisse sa waiting shed. Nandoon siya na naghihintay ng sasakyan.

Kilala niya yata kotse ng jowa niya kaya kumunot noo niya at hindi na naman maipinta.

Bumaba agad yung lalake tsaka naman binuksan ni Denisse ang bintana.

"Ly!" tawag namin at halatang gulat na gulat siya. Kumaway pa kami ni Den sa kaniya.

"Anong ginagawa niyo diyan?" takang tanong niya tsaka lumapit sa amin

"Susunduin ka," sagot nung lalake kaya sumakay na si Alyssa sa front seat tsaka tumingin sa amin.

Sobrang tahimik sa biyahe, siguro nahihiya si Alyssa sa amin ni Denisse, knowing na sinabi niyang wala siyang jowa.

"Saan kayo?" tanong nung lalake sa amin ni Den. Hindi ko pa rin siya kilala.

"Diyan kami ni Den sa waiting shed" sambit ko dahil same way kami ni Dennise.

"Sige," sagot niya tsaka niya hininto sa shed. Nagpaalam din kami kay Alyssa bago bumaba.

"Sabi ko sa'yo may tinatago siya eh,"  sambit  ko kay Dennise.

"Pero infairness, gwapo" tawa ni Dennise kaya natawa na din ako.

"Parang lowkey couple lang sila. Hindi sila yung pashowbiz na couple" dagdag ko.







Our Dreams ApartWhere stories live. Discover now