Kabanata 1

340 3 0
                                    

DENNISE's POV

"Hi everyone! I am, Catherine Macalansag, your Mathematics in the Modern World professor"

"So here's only one rules na ayaw ko sa klase ko. Ayoko ng nagbubulungan" ani nito kaya nagsi-yes naman kami.

"Hindi muna tayo magkaklase ngayon. I want you to introduce yourself to me"

"Excuse me, BSBA 1-A po ba 'to?" isang babae na naka-trouser at black na pang-itaas.

"Yes, Miss." sagot ni Ma'am Cath kaya pumasok yung babae at nagtingin ng upuan. Tinaas ko naman yung kamay ki para isenyas sa kanya na meron ditong bakanteng upuan sa tabi ko.

"Miss, since ikaw yung last na dumating. Kindly, introduce yourself" kitang kita ko ang gulat sa mukha nung babae.

"Sige po... H-Hi," maybe she fell awkward with that kaya pasimple akong tumawa.

"Alyssa, 18, Graduated from Holy Family Academy.  Nice to meet you all" sambit nito tsaka umupo agad. Literal na introduce yourself hahahaha.

"Alyssa lang name mo? Wala kang surname?"  tanong ko sa kaniya nagulat naman ako nung umiling siya.

"Seriously?" tanong ko sa kaniya tsaka naman siya tumango uli.

"The one beside Miss Alyssa, please introduce yourself." awtomatiko naman akong tumingin sa left side ko.

"Ma'am, left or right?" tanong ko dahil may babae din na katabi si Alyssa sa left side.

"You" sagot nila kaya ngumisi ako at tumayo.

"Denisse Michelle Lazaro. 18, from Gospel High School!"  sambit ko tsaka kumaway-kaway sa mga kaklase ko bago ako umupo.

"Ella Marie De Jesus. 19, graduated from PSU-Senior High" nagulat naman kami sa nagsalitang yun. Yung katabi ni Aly.

"Did I call you?"  sambit ni Ma'am sa kaniya

"Eh tatawagin nyo naman na din po ako. E di gora na"  sambit nya kaya natatawa ako. Pinipigilan ko lang.


"Hindi ba talaga tayo magkwekwentuhang tatlo?" tanong ko sa kanilang dalawa kasi sobrang tahimik nila.

"Mahiyain kasi ako," sagot ni Alyssa tsaka naman tumingin sa akin si Ella

"Tsaka na ako mag-iingay kapag tumigil na yang bibig mo kakasalita" sambit nya kaya natahimik naman ako doon.

"Jokessss. Kumakain kasi ako paano ako makapagsasalita?" tawa niya kaya napapailing ako.

"Sinong may boyfriend sa inyong dalawa dito?" tanong niya kaya umiling ako.

"I don't have jowa" sagot ni Alyssa

"Tinadhana talaga tayo para magkakasama" tawa niya kaya natawa din kami ni Alyssa.

Patuloy yung kwentuhan naming tatlo hanggang sa malapit na mag-ala una naglakad na kami pabalik ng room.

"Pare, chixs" rinig naming bulungan ng mga kumpol ng kalalakihan.

"paglaki manok..." sambit ni Ella

"May dadaanan lang ako saglit sa registrar office" sambit ni Alyssa

"Ipapabago ko name ko," dugtong niya kaya tumango na lang kami ni Ella.

Paglakad nya tumayo yung isang lalake na mula sa iisang grupo kanina. Nagkatinginan pa nga kami ni Ella e.

"Oh?" tanong niya kaya natawa na lang din ako.


"Natagalan ka yata" salita ko nung dumating si Alyssa. Nakasimangot din ito.

"Daming pila sa registrar. Nasungitan pa ako nung isang babae doon" sambit niya tsaka siya umupo.

"Hi guys!" isang matandang lalake ang pumasok sa room namin. I think CWTS professor 'to.

Nagpakilala pa siya ng pangalan tapos mga rules sa loob ng klase. Nagtataka ako na may dala syang coupon bonds yun pala magpapadrawing na it represents who you are or dreams daw.

"Kaka-first day, pahirap na agad" bulong ni Alyssa na tinignan uli yung prof.

"Buti nalang may pa pencil at coupon sya" sambit naman ni Ella which is true. Ngayon lang ako naka-experience ng free coupon at pencil.

Tumahimik siguro kami ng dalawang oras dahil sa drawing na yan. Nagtitinginan pa nga kami ng drawing.

"Ano yan?" tanong ko kay Alyssa na nagdraw ng infinity sign with a happy face.

"Hindi ko din alam eh," sagot niya kaya si Ella nalang tinanong ko sa drawing niya.

"Bili ako, nagugutom ako" si Alyssa.

"Ikaw nalang, hindi pa ako tapos eh. Buti ikaw tapos na" ani ko sa kaniya tsaka naman siya tumayo.

Nagpaalam pa siya doon sa prof namin na pinayagan din naman basta tapos na.

Our Dreams ApartWhere stories live. Discover now