10

4 1 0
                                    


EI-10

NAIWAN AKONG TULALA at nakangiti habang inalala kung ano yung ginawa niya saakin kanina.

Binaliw ako ng babaeng iyon at tangina lang.

Dapat hindi ko ito nararamdaman pero binaliw niya talaga ako.

"Hoy anong nangyari sayo? Anong nginingiti mo dyan? May naisip ka nanamang sisiw no? May pinagnanasahan ka nanaman ba? Umamin ka saakin soonyoung kung hindi ay malilintikan ka saakin!"

Malilintikan talaga ako sayo kapag nalaman mo kung anong nangyari saamin ng kapatid mo-baka mapatay mo pa ako delikado na.

"Wala wala"

"Anong wala? Ako pa lolokohin mo soonyoung? Kilalang kilala kita kapag sinabi mong wala ibig sabihin nun ay meron! Sasabihin mo saakin kung anong nangyari sayo nung nasa banyo ako o tatawag ako ng tanod para paalisin ka dito sa pamamahay ko? Ano sagot! Siguraduhin mo lang na yung una ang pipiliin mo kung ayaw mong malintikan ka saakin" banta niya saakin.

Hinayupak talaga ayaw paawat gusto talagang malaman

"Huwag mo na lang alamin"

"Alam mo ang damot mo! Oh kumot dito ka na muna matulog delikado na sa labas malakas na ang ulan at baka kapag umalis ka pa ay maaksidente ka pa tapos kargo pa kita kaya dito ka na matulog kaso ang available lang na kwarto ay itong sa baba kaya alis na! Matulog ka na! Umalis ka ng maaga bukas para makipagbati kay harlen dahil kung hindi malalagot ka talaga saakin! Siguraduhin mo lang na maayos yung higaan mo at kung hindi ay mapapatay na talaga kita" banta ulit niya saakin

Kanina pa siya banta ng banta saakin tapos hindi naman niya ginagawa

Tangina nanlalagkit ako.

"Jun" tawag ko sakaniya habang nag-aayos siya ng bote na nagkalat

"Oh? May kailangan ka nanaman? Sabihin mo na para makatulog na ako pagkatapos nito"

"May extra ka bang towel at mga damit,shorts at undergarments?" Tanong ko sakaniya

Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin saakin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik tapos balik ulit hanggang sa nanatili na ito sa pagkalalaki ko

Tangina nito

"Aww bakit mo tinakpan soonyoung? Nageenjoy pa ako titigan ang kaligayan mo huwag ka namang unfair saakin"

Mapapatay ko na talaga itong hinayupak na ito

"Alam mo ang arte mo pwede ka naman na ganyan na lang matulog at bumalik ka na ding ganyan"

Kadiri ng plano mo pre.

"Hindi mo ba naiisip na nakakadiri iyon jun? Huwag mo akong tularan sayo na ganun ang gawain dahil magkaibang magkaiba tayo"

"Halata naman mas pogi ako sayo"

Hinayupak talaga

"Kuha ka na lang sa kwarto ko ng kailangan mo at may extrang toothbrush sa banyo hanapin mo na lang sa cabinet sa may taas sige na gawin mo na kung anong gusto mo babye" then umalis na siya papunta siya kwarto niya

Pumasok ako sa kwarto niya at hinanap ang mga kailangan ko sa cabinet niya na pigil na pigil ang paglikha ng malakas ng ingay dahil kung hindi ay mapapatay ako ng jun na ito.

Akalain mo naman itong taong ito ang daling makatulog-sana all lang.

Pagkatapos kung kunin ang kailangan ko sa cabinet niya ay nagpunta na kaagad ako sa banyo para maglinis ng katawan ko pagkatapos ay pumunta na ako sa bakanteng kwarto nila na napaghahalataang may naglilinis or kakalinis lang kanina may mga nararamdaman pa kasi akong alikabok sa paligid.

Exclusively Inclusive | Rated 18Where stories live. Discover now