5

3 0 0
                                    

EI-5

HINDI ako marunong sa larong basketball at wala akong kaalam alam doon pero akin yung number 4! Yung tropa ni kuya! Waaahh! Basta sakaniy ako walang aagaw doon!

"Go my baby no. 4!"

"Go no.4! Pakiss naman mamaya!"

"No.4 i love you!"

Er-dami ko palang kaaway at kaagaw kay kuya no.4?

Tiningnan ko pa yung mga players na naka-standby lang at ang pogi nung nakablue! Tae! Gusto kong magpabuntis sakaniya! Sa itsurs niyang iyon halatang maraming alam sa kama!

Napatingin pa ako sa mga naglalaro until someone caught my eye-pogi nung nakaputi at halatang may lahi! Tae kamukha niya yung doon sa tinatic! Kamukha niya si leonardo da vinci!

Tae parang gusto ko magpabuntis sakaniya ah? Kaso no way, loyal ako kay kuya no.4

Out of nowhere ay biglang napatingin saamin yung kamukha ni leonardo da vinci and it is just me o talagang kumindat siya sa gawi ko?

Pakshet inulit pa!

Kinikilig ako! Biruin mo yun ako? Kinindatan ng isang taong pogi? Aba achievement iyon! Magplaplano na ba ako kung saan kami magdadate? Teka saan ba maganda? Sa beach? Sa rooftop? Sa kama tapos kainin na?-ay bad.

Pagplanuhan ko na rin kaya ang kasal naming dalawa? Beach wedding kaya? Chruch wedding? Garden wedding? Ah basta! Kahit anong wedding pa yan-kung siya naman ang pakakasalan ko why not diba?

Pero paano si no.4? Er- if i can split my body into half then i will be happy! Yiee!

Tiningnan ko ulit yung kamukha ni leonardo da vinci at ang pogi kumindat ulit! Waaahhh!

"Konting konti na lang tutusukin ko na ang mata niya. Tangina kanina pa kindat ng kindat akala mo naman napakapogi niya mukha naman siyang tuhod ko yak!" rinig kong reklamo ng katabi ko.

The hell? Nagpapatawa ba siya?

Pigilan niyo ako makakapatay ako ng tao!

Tinitigan ko siya ng masama pero hindi niya napansin iyon at ang tingin niya lang ay andoon sa taong nasa court-particularly doon sa kamukha ni leonardo da vinci.

Paulit ulit niya itong minura at paulit ulit ko naman siyang tiningnan ng masama hanggang sa mapatingin na siya saakin ng tuluyan na may pagtataka sa mukha.

"Oh oh bakit ka nanaman nakatingin ng masama saakin asyla ha? Wala naman akong ginawa sayo tapos ganyan ka makatingin" tanong niya saakin habang kumakain ng hotdog sandwich.

Tae maraming mustard at ketsup! Gusto ko ring kumain tae!

"Bawiin mo yung sinabi mo"

"What?"

"Bawiin mo yung sinabi mo!"

"Bawiin ang sinabi ko? Oh! You mean yung sinabi ko na mukhang tuhod yung lalaking iyon" sabay turo niya kay baby leonardo da vinci

"Mapapatay kita seungkwan"

"Edi patayin mo-sige ka maraming witness na makakakita at kapag nakulong ka bahala ka dyan hindi ka na magkakajowa nakakahiya naman sayo na hindi pa nakakaranas na magjowa palibhasa puro landi ka naman pero walang pumapatol sayo"

Tae mapapatay ko talaga ito!

Masakit siya magsalita! Tae niya!

"Tae ka talagang seungkwan ka"

Exclusively Inclusive | Rated 18Where stories live. Discover now