8

3 1 0
                                    


EI-8

PABAGSAK KONG isinarado ang pintuan ng kwarto namin nung nakita ko na pumasok siya.

"So-soonyoung"

"Saan ka nanggaling? Saan ka nanggaling?!" Napatalon siya sa lakas ng sigaw ko sakaniya

"Diyan lang sa labas may kinuha lang at pwede ba soonyoung huwag ka ngang ganyan! You're acting like you are a jealous and possesive one! Sinabi ko naman sayo na kaya ko ang sarili ko diba? Bakit pakiramdam ko ayaw mo akong palabasin-ayaw mo akong umalis! Umamin ka nga saakin gusto mo ba akong ikulong?"

Wow.

"Harlen alam mo naman na seloso akong tao diba? Alam mo naman na ayaw kong umaalis ka ng walang paalam! Alam mong ayaw na ayaw ko iyon pero ginawa mo pa rin! Oo possesive akong tao lalo na sayo at pwede ba huwag mo akong gawing tanga? Tangina naman harlen! Malalim na ang gabi tapos pagala-gala ka pa? Malalim na ang gabi tapos sasabihin mo lang saakin na may kinuha ka dyan sa labas? For f*cking sake naman harlen alam kong may lalaki ka at huwag mo ng itago saakin iyon dahil kitang kita ko kayo na naglalampungan nung nakaraan!" Malakas na sigaw ko sakaniya pero hindi siya nagpatinag at mas tiningnan niya ako ng matalim

"Wow, coming from you huh? Akala mo hindi ko nakakalimutan yung pabor na hiningi mo saakin noon? Yung mambababae ka muna hanggat hindi pa tayo kasal? Kung tutuusin sa ating dalawa ikaw ang mas makati! At huwag mo din akong gawing tanga alam kong napilitan ka lang na napilitan ka sa set-up nating dalawa"

F*ck.

"Hey harlen hindi ganun iyon! Pinili kong magpro-propose sayo at maglagay ng singsing sa kamay mo at pwede ba huwag mo nang ibalik pa yung ginawa ko noon? Alam ko pagkakamali ko na hiniling ko sayo iyon noon at isa pa nagkabati na tayo doon! Humingi na ako ng tawad sayo noon dahil doon bakit hanggang ngayon ay binabalik mo pa ang usapin na iyon?"

"Dahil hindi ko pa rin makalimutan iyon-hindi ko makalimutan na ang tangang katulad ko ay pumayag sa pakiusap mo, ang tangang katulad ko ay nagpauto sa katulad mo!"

What?

"Teka teka, harlen hindi kita inuto nung panahon na iyon! Pumayag ka sa hiling ko that time na walang pagaalinlangan!"

"Kaya nga nauto mo ako diba? Napapayag mo ako ng ganun ganun lang-akalain mo yun magaling ka pa lang mang-uto?"

Tangina nabaliktad na ang sitwasyon.

"Hindi nga sabi kita nauto! Tangina ako ang inuuto mo!"

"How can you say?"

"Inuto mo ako na ako lang ang mahal mo pero nagpapatira ka naman sa iba-" tangina.

Napahawak ako sa kanang pisngi ko kung saan niya ako sinampal at tumingin sakaniya sabay hugot ng mga litrato na nakuhanan ko gamit ang mismong camera ko na nasa bulsa ko at patapon na ibinigay sakaniya.

Kunot noo niyang dinampot ang mga litratong nagkalat at unti unting kinuha iyon na nakabakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka

"Saan mo nakuha ito? Sinong kumuha nito? Bakit kamukha ko yung babae sa litrato?"

"Tangina naman harlen! Hindi mo yan kamukha ikaw yang babae na iyan!"

"Ako?"

"Oo ikaw! Umamin ka nga saakin sino yang lalaki na yan ha? Jowa mo? Asawa mo? Asan siya ha? Siya ba yung pinunta mo kaya ka nalate ng uwi? Siya ba yung pinupuntahan mo palagi ha? Tangina sumagot ka!"

"Ano ba yang pinagsasasabi mo soonyoung? Kung kanino mo man nakuha ang litrato na ito pwes ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na peke ito! Hindi ko lalaki ang taong ito! Hindi ko siya kabit! Hindi! Tsaka pwede ba, litrato lang yan tapos maniniwala ka na? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung totoo yan?"

Exclusively Inclusive | Rated 18Where stories live. Discover now