7

5 1 0
                                    

EI-7

NAPAUPO ako sa pinakamalapit na bench sa may park sa sobrang pagod ko. Tiningnan ko ang sarili ko at doon ko napagtanto na pawis na pawis na ako at dahil wala akong dalang towel o panyo ay ginamit ko ang damit ko na pamunas sa mukha ko dahilan para tingnan ako ng mga tao.

Taena mukha akong batang paslit dito na pawis na pawis at napakadugyot ko!

Tangina naman kasing seungkwan iyon! Pwede namang sa bahay na lang kami magkita nung ipapakilala niya saakin tapos ang arte arte gusto sa labas na lang daw! Tae pumunta na nga lang siya sa bahay kanina tapos hindi man lang binitbit yung kasama niya hinayupak talaga.

Napatingin ako sa paligid at naghahanap ng kung anong pwedeng mainom hanggang sa makita ko yung bentahan ng palamig-ayun pwede na yung buko juice.

Tumayo ako at naglakad papunta sana sa nagbebenta nung may nakabangga saakin na babae dahilan para parehas kaming bumagsak.

"Sorry miss" magalang na sabi niya saakin at naunang tumayo pagkatapos ay tinulungan niya akong tumayo at  ayusin ang nagulong suot ko pagkatapos ay tinulungan niya akong pagpagan ang suot ko saka naman inayoa niya ang sarili niya.

Tinitigan ko lang siya habang ginagawa niya iyon- she's so pure. Ang bait niya parang hindi pa siya nababahiran ng parusa ng mundo pero nahahalata ko sa mukha niya na may nakaukit na lungkot dito

Tae bakit ganito ako magsalita? This is not me!

"Hey ok ka lang miss?" I ask her nung napansin ko na hinawakan niya yung kaliwang braso niya.

Nagkaroon ba siya ng pasa? Tae, hindi dapat ito nagkakapasa!

"Hindi ok lang ako salamat" nakayukong sabi niya saakin at pilit na iniiwas  ang braso niya saakin

"Ok ka lang ba talaga? Kung ok ka lang bakit tinatago mo saakin ang braso mo? May sugat ka ba? Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?"

"Hindi ok lang talaga ako salamat na lang at sorry kung nabangga kita kanina hindi ko sinasadya iyon medyo lutang kasi ako at halos wala pa akong tulog sige maiwan na kita babye!" Then umalis na siya without looking at me.

Tae hindi naman ako isang witch para hindi niya titigan! Tae lang talaga anong problema nung bbaeng iyon at ayaw niya akong kausapin ng matagal o kahit tingnan man lang sa mata kahit isang sulyap lang? Wala naman akong nakakahawang sakit pero kung umasta siya-nako! Kung hindi ka lang mukhang inosente at puro aayain kita na maging dancer sa bar.

Biro lang baka mapagalitan pa ako ng parents mo at ipakulong ako tapos mabubulok ako sa kulungan hindi ko makikita na magkajowa si kuya, magasawa at magkaroon ng anak hindi ko na rin makikita si bestfriend na hindi na iyakin at baka magkajowa na siya tapos tapos-hindi ako makakalabas sa kulungan na sa mga susunod na buwan o taon ay makalimutan na ako ni kuya at hindi na niya ako kakausapin at baka hindi na ako magkakaroon ng jowa! Ayaw kong jomowa ng nasa preso ako! Ayaw kong magdate kami sa loob ng kulungan! Tapos tapos masikip! Natatakot ako na sa sobrang sikip ay may makakatabi na akong may kuto at dahil nakanganga akong natutulog ay baka pumasok siya sa bibig ko at manirahan doon! Yak kadiri! Tapos kapag nagkaroon ng itlog didikit siya sa mga  ngipin ko na kapag kumakain ako ay nakakagat ko-yak kadiri! Tae tapos kapag lumabas naman ako ng kulungan ay wala ng makakakilala saakin dahil para na akong taong grasa!

Tae nandidiri ako.

Punyeta ang dami kong sinabi ayan tuloy nanakawan na ako ng cellphone-what the f*cking shit.

Tumakbo ako ng tumakbo at hinabol yung magnanakaw ng cellphone ko habang sumisigaw ako at dahil nakasapatos ako na may takong ay nadadapa ako paminsan minsan. Tangina naman nitong sapatos na ito.

Exclusively Inclusive | Rated 18Where stories live. Discover now