Epilogue

8.2K 208 25
                                    

EPILOGUE

MATAPOS maputol nina Dominic at Ate Dian ang ribbon ay malakas na nagpalakpakan ang mga dumalo sa opening ng Scents D-light—ang perfume business na itinayo ni Ate Dian at ng mga partners nito.

Nakataas ang kilay na ipinakita ni Sharine kay Dominic ang captured image ng kanyang camera.

"Bakit sa akin ka nakatingin, Dominic? It's supposed to be candid."

Nang tuluyang makalapit ito ay hinapit siya nito sa beywang.

"Ang ganda mo kasi, e," he said innocently.

"Echos."

Yumakap siya sa batok nito nang halikan siya nito sa noo.

"Ang bango talaga ng boyfriend ko," sabi niya sabay singhot sa amoy nito.

"Lagot ka sa 'kin kapag wala nang tao," bulong nito sa tenga niya kaya naman napakislot siya.

"Ikaw, Nic, ha. Natatakot na 'ko sa'yo," biro niya.

Impit siyang napatili nang marahan nitong kagatin ang balikat niya. Hinampas niya ito sa dibdib.

"Dominic!"

He chuckled. "Sorry. Nakakagigil ka naman kasi, e."

Umabrisete siya sa braso nito. "Kain na tayo, gutom na 'ko."

Abala na ang halos lahat ng mga bisita sa pagtingin ng unang batch ng mga pabango na ire-release sa market at ang iba naman ay sa pagkuha ng pagkain sa buffet table. Kumuha siya ng marshmallow at isinawsaw iyon sa chocolate fountain. Painosente siyang ngumiti nang makitang salubong ang kilay ni Dominic habang nakatingin sa kanya.

"Oops. Nakalimutan kong kumuha ng stick."

Ngumiti ito at napailing. "Ang cute talaga ng girlfriend ko. Subuan mo nga 'ko niyan."

Kinamay niya ang isa pang marshmallow at sinawsaw iyon sa chocolate. Isinubo niya iyon kay Dominic at napahagikhik siya nang pati mga daliri niya ay isinubo nito.

"Ang kulit mo!"

"Oo na. Kayo na ang hindi in love," parinig ni Kisha.

Natatawang nilingon niya ito.

"Si Kisha naman, ngayon pa naging hopeless. Mapapasagot mo rin si Johnna—este—si John. Reliable yata ang mga tips ko." Kinindatan pa niya ito.

Ipinakita nito ang mga daliri nito sa kaliwang kamay na tadtad ng kalyo.

"Dapat lang, 'no. Ang sakit kaya sa kamay mangharana."

"Pag 'di pa nagbunga 'yong pinaghirapan mo, ipapa-salvage ko na sa ISIS 'yon."

Pinaningkitan siya ni Kisha. "Don't you dare! Magsasaulian talaga tayo ng kandila!"

"Wow naman!"

Napabungisngis si Kisha. "Practice lang!"

Nag-high five pa silang dalawa. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Kisha upang balikan ang parents nito at si Kuya Andrew kasama ang fiancée nitong si Ate Nica.

"Sino'ng may sabi? Pwede rin kaya sa 'kin 'yan!"

Napako ang tingin nilang dalawa sa couple na nagtatalo. May hawak na bote ng perfume si Ron na pilit nitong inilalayo sa girlfriend nitong si Maho—-na isang talented na singer. Endorser din ito pati ang Demigods.

Sharine's Sweet Surrender (Love Like This #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon