[12] Sharine's Sweet Surrender

4.7K 152 4
                                    

CHAPTER TWELVE

NAPANGITI siya nang datnan niya si Dominic na nakaupo sa sofa habang nakapikit. Nang samahan kasi niya sa kwarto ang mga bata ay maghuhugas lang daw ito ng pinggan. Maingat siyang umupo sa tabi nito upang hindi ito magising. Napahikab uli siya. Napamulat naman ito. He immediately wrapped his arm around her shoulders.

"Tulog na sila?" he asked in a muffled voice.

"Oo. Hindi naman pala sila mahirap patulugin, e."

"Tayo naman ang matulog."

"Sige."

Umunan ito sa armrest ng sofa kaya napaunan siya sa dibdib nito. Mabuti na lang at King size ang sofa, nagkasya sila nito.

"Ano'ng size ng paa mo?" tanong niya nang mapadako ang tingin sa paa nitong nakapatong sa kabilang armrest.

"Twelve."

"Wow, pang-basketball player ang peg," sabi niya at natawa.

"Matulog ka na kung ayaw mong kilitiin kita."

Napabungisngis siya. "'Wag. Baka mamatay ako."

Yumakap siya sa beywang nito at sumiksik sa dibdib nito. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya.

"DOMINIC."

Nagising siya sa marahang pagyugyog sa kanyang balikat. Nagmulat siya at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng kapatid niya.

"Ate." Nang tingnan niya si Sharine ay mahimbing pa rin itong nakatulog habang nakayakap sa kanya.

"Ang mga bata?"

"Tulog pa yata."

Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito at maingat itong pinaunan sa armrest.

"Himala."

Dahan-dahan siyang bumangon at kinusot ang mga mata.

"How was it?"

"Oh, great! Gusto nila na gumawa ulit ako ng bagong formula para mismo sa endorser. Bongga, 'no?"

"I can't disagree with you."

Naupo ito sa singe sofa sa kanan niya.

"Mukhang pagod na pagod ang girlfriend mo, ah?" Ininguso nito si Sharine at itinaas-baba ang kilay.

"She made lunch for us, sinubuan si Dylan, pinilit mag-toothbrush si Dustin at pinatulog sa kwarto nila nang walang gulo."

"Cool. Kaya pala mukhang talunan si Pia nang magkita kami sa labas."

Nang humagikhik ang kapatid niya ay sinenyasan niya itong huwag maingay.

"Sa tingin ko, hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon."

"Why?"

Pinagmasdan niya si Sharine. "May kinalaman ang kinahantungan ng marriage ng parents niya." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na napunta sa mukha ni Sharine at inipit sa likuran ng tenga nito.

"Hindi naman problema 'yon, e. Aren't you Dominic, The Most Patient Man Alive?"

Natawa siya at napailing. "Ikain mo na 'yan, Ate. Titingnan ko lang ang mga bata."

Sharine's Sweet Surrender (Love Like This #1)Where stories live. Discover now