[1] Love Like This: Sharine's Sweet Surrender

10.6K 183 14
                                    

CHAPTER ONE

ITINUTOK ni Sharine ang pinakamamahal na camera na nakasabit sa kanyang leeg sa bestfriend na si Kisha Kaye habang abala ito sa pagliligpit ng mga tambak na papeles sa mesa nito.

"Smile, Kisha! Bilis na!"

Salubong ang kilay na tiningnan siya nito. Kanina pa kasi ito aburido dahil hindi nito alam kung paano aayusin ang pinapagawa ng Dad nito rito.

"'Wag ngayon, Sha. Nakikita mo naman sigurong nalulunod na ako sa mga assignments na 'to?"

"Isa lang naman, e. Sige na."

"Kailan ka pa naging makulit?"

"Kailan ka pa umayaw sa picture-taking?"

"Ngayon lang."

"Ngayon lang din," panggagaya niya rito.

Ngumiti na rin ito at tagumpay niya itong nakuhanan ng picture.

"Perfect!" sabi niya nang tingnan ang resulta. "May pang-headline na rin ako bukas! Ha-ha!"

"Sharine!" impit na tawag ni Kisha sa pangalan niya.

Tumawa siya at nag-peace sign dito. "Si Kisha Kaye naman, hindi na mabiro."

"Pang-magazine ang beauty ko, hindi pang-diyaryo!"

"Sabi ko nga," napahagikhik na sabi niya. "Matagal pa ba 'yan?"

Itinaas nito ang kanang kamay. "Five more minutes. Promise."

Bumuntong-hininga siya at napameywang. "Naka-anim ka nang five minutes, alam mo ba 'yon? Ha? Utang na loob, bilisan mo na. Kapeng-kape na talaga ako, e."

Ito naman ang ngumisi. "Si Sharine naman, hindi na makapaghintay. Libre ko naman, 'di ba?"

"Sabi ko nga take your time."

Nagpalakad-lakad na lang siya sa kabuuan ng opisina nito. Tatlong taon na mula noong maka-graduate sila sa college sa magkaibang kurso. Hindi na nahirapang maghanap ng kompanyang mapapasukan si Kisha dahil negosyante ang pamilyang pinagmulan nito. Sikat sa buong bansa ang Aragon Transportation Line. Ang Aragon Bus Line na nasa ilalim niyon ay siya namang pinamamahalaan ng Kuya Andrew nito. At ang kaibigan niyang si Kisha ang in-charge sa paggawa ng monthly report to make sure na nami-meet ng mga bumibiyaheng bus ang quota ng mga ito nang walang anumang nangyayaring aberya o aksidente.

Alam niyang lahat ng iyon. Magkaibigan sila since freshman in college and she can see through Kisha's mind.

Siyempre, joke.

On the other hand, siya naman ay isang photojournalist sa isang kilalang media company. At ang camera na hawak niya ay graduation gift sa kanya ng butihing Dad ng bestfriend niya dahil adopted daughter na raw ang turing ng mag-asawang Aragon sa kanya.

Siyempre lumobo nang todo ang puso niya. The camera's worth was no joke. Noong hindi pa sila guma-graduate ay madalas lang niya iyong tingnang naka-display sa mall since hindi siya maka-afford. Kaya iniingatan talaga niya iyon na parang iniirog niya.

She could say na maswerte siya. Kisha's dad referred her to her Boss Kelvin since kinakapatid ito ng bestfriend niya. Natanggap naman siya hindi lang dahil sa referral kung hindi ay dahil sa na-impress naman ito after a couple of interviews at na-meet naman niya ang mga requirements.

Sharine's Sweet Surrender (Love Like This #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon