[11] Sharine's Sweet Surrender

5.2K 145 11
                                    

CHAPTER ELEVEN

"ITONG dinner na 'to, may malisya ba ito?" tanong niya kay Dominic nang magsimula na silang kumain ng hapunan sa pinagdalhan sa kanya nitong Filipino restaurant.

"Bahala ka kung ano'ng gusto mong isipin," sabi naman nito at nagkibit-balikat. "Ilang beses mo na 'kong tinanggihan, 'di ba? Nagtampo na tuloy ako."

Natawa siya. "Ito naman! Alam ko namang walang malisya 'to. Malinaw naman ang dahilan kung bakit tayo nagdi-dinner. Galing tayo sa isang concert. Natural lang na gutumin tayo pagkatapos n'on."

"Have you gone on a dinner date with a guy before?" tanong nito at nagkataong ngumuguya pa siya ng manok.

Napalunok tuloy siya nang wala sa oras.

"Um, never," sagot niya at uminom sa iced tea niya.

"Why?"

"Why not? I mean, hindi lang naman siguro ako ang hindi pa nakakaranas ng gano'n. Kahit nga si Kisha, e."

"Kung gano'n, ano ang dahilan kung bakit mo 'ko tinanggihan noong unang beses kitang niyayang mag-dinner?"

"Maraming dahilan, Dominic. Una, nakaidlip ako no'n kaya anong malay ko kung pinagti-trip-an mo lang ako. Pangalawa, wala talaga sa bokabularyo ko ang dinner kasama ang opposite sex lalo na kung hindi trabaho ang dahilan. At pangatlo, hindi mo masabi sa akin kung bakit niyayaya mo 'kong mag-dinner."

"Hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang?"

"Pwede ba naman 'yon?" salubong ang kilay na aniya at sumubo.

"Pwede ring dahil gusto kita."

Naiubo niya ang kanin niya.

"Tama. Gusto kita."

Mamamatay na yata siya.

"LET'S GO out for a date sometimes," sabi ni Dominic nang huminto na ang kotse nito sa labas ng gate nila.

"Kaka-recover ko lang matapos kong masamid, Dominic."

"I mean, a friendly date."

"Friendly date na lang ngayon? Dahil pa rin ba 'yan sa tampo mo sa 'kin?" pagbibiro niya.

Kinalag na niya ang suot na seatbelt. Maagap namang bumaba ng sasakyan nito si Dominic at pinagbuksan siya ng pinto. Such a gentleman he is.

"Salamat!" sabi niya matapos makababa.

"So?" untag nito matapos isara ang pintuan ng kotse.

Wala sa loob na hinaplos niya ang kanyang buhok at hinawi sa isang balikat niya.

"Sige na nga," sagot niya sabay nagbuntong-hininga.

Sumilay na naman ang mga ngiti nitong bihira lang niyang makita.

"How about next weekend?"

"Next weekend is fine," pigil ang ngiting tugon niya. "Good night, Dominic."

"Good night, Sili Girl."

Napabungisngis siya pero kaagad ding sumeryoso.

"Ingat ka sa pagmamaneho. Siya nga pala, kung hindi ka busy bukas, dalawin natin si Aling Cora."

Sharine's Sweet Surrender (Love Like This #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu