[15] For Real?!

19 0 0
                                    

CHAPTER 15
"For Real?!"

Tinakpan ko ang mga tenga ko dahil hindi ko gusto ang mga naririnig kong sigawan sa labas.

"Anaaakkk takbo! Ahhh..."

"Mamaaa huhuhu maaaaaa!"

"Tulonggggg... Aghhh!"

"Taena bilis! Bilis takbo marami na sila!"

"Huhuhuhu... Aghhh..."

"Ahhh... jhdbxjdkknakxkxjbxb"

"Run faster... Dito tara dito!"

"Lola mauna kana huhu iligtas mo ang buhay mo! Whaaa!"

"Diyos ko tulungan mo ako!"

"Damn le'mme go! Aghhh huhuhuhu le'mme..."

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kirot sa aking puso. Gusto kong tumulong kaso hindi ko magawa.

Ang sakit isipin na ang mga taong humihingi ng tulong ay hindi ko matutulungan. Jusko gabayan niyo po sila, maawa po kayo!

Sa kalagitnaan nang aking pagmumuni-muni ay nagulantang ako ng biglang may pumukpok ng bintana sa aking likuran, gano'n din ang pagkuha ng atensyon ni Kayden na pinapahinga ang sarili.

"Tulonggg... Maawa kayo..." Sigaw ng isang matandang babae sa labas.

"Pakiusap!" Dagdag pa niya na halos maiyak na at hindi nawawala ang pagkataranta na kitang-kita sa kanyang mukha.

"Fvck!" Bulyaw ni Kayden ng maalarma sa kaniyang pagpapahinga.

"Kayden tulungan mo please!" Pagmamakaawa ko kay Kayden na pagbuksan ang matanda dahil kung magawa ko lang na makatayo ay hindi na ako magdadalawang isip na papasukin siya.

"Damn it!" Mura niya ng walang ganang gumalaw sa kanyang pagka-posisyon.

"Please Kayden!" Pakikiusap ko.

"Tulonggg... Bilis huhuhu!" Sigaw ng ale kasabay nang kanyang masalimoot na pagpatak ng luha.

Tatayo na sana ako sa oras na 'yon ng kumirot na naman ang paa ko.

"Kayden bilis! Pagbuksan mo na!" Tuloy ko pa ring pagkumbinsi sa kaniya na halos pasigaw ko nang sinusulsol.

Kawawa naman si lola kung hahayaan nalang namin siyang mamatay sa labas.

"Shit! I can't!" Saad niya sa malamig na boses.

"B-bakit? Bakit hindi?" Nagtataka kong tanong pero hindi niya pinansin.

Pa'nong hindi mahirap ba 'yon?

"A-ako nalang ang bubukas!" Pagmamatigas ko dahil nakokonsensiya ako kung hindi ko magawang tulungan ang taong nangangailangan ng tulong.

Hindi ko akalaing kumilos siya mula sa kinauupuan niya at pumunta sa aking harapan, gano'n din ang pagpigil ng isa niyang kamay sa aking braso na siyang umaalalay sa akin upang makatayo. Kasabay ng pagtukod niya ng bakante niyang kamay sa sinasandigan kong talakop ng ambulansya.

Sinisigurado niya talagang hindi ako makakawala mula sa mapang-angkin niyang pagkukulong sa kanyang mga bisig.

Ni mukha niya ay hindi nagpahuli sa kadahilanang malapit na akong maabot nito. Hindi ako komportable sa posisyon namin ngayon. Naiilang akong tignan siya.

"No you can't!" Seryoso niyang sambit.

Kahit ilang beses pa niyang sabihin ang salitang 'yan ay hindi ako papayag, sapagkat walang kasalanan ang matanda para pagkaitan nang tulong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living in GehennaWhere stories live. Discover now