[2] Mysterious Alarm

40 2 0
                                    

CHAPTER 2
"Mysterious Alarm"

"I'm... Liam Austin Dakari"

Pagpapakilala niya at umalis na kaagad sa harapan para bumalik sa kaniyang kinauupuan. Sa row one sa pinakaunang silya.

Walang masabi ang buong klase, halos lahat tahimik, ano bang meron sa kaniya?

Parang ang 'Kill Joy' naman niya kung ganun.

"Quinn, transferee rin ba siya? Bakit ang tahimik niyo?" Kinalabit ko si Quinn dahil gusto ko ng sagot sa tanong ko.

"Ahm that cute lalaki? Ah he's our kaklase since Grade 7 pa nung nagtransfer siya here. He's very like that, loner siya always, and siya hates people I guest? Napakabrainy niyan, siya yung top student here sa paaralan since then. Always number one. Lagi perfect ang mga sagot niyan, sarap e take he's answer sheet nga eh during exam but he's super madamot talaga. Sometimes I like to open he's head and kuha his brain so that I will be bright na rin. But I can't lapit to him because he runs away kaagad. Hmp! I also tried to seduce that lalaki because I like his brain, so that I will also get high scores, but my super sexy katawan failed. Ahhh I hate him slight! Super serious na madamot ng answers. Hmp!" Pagkwento ni Quinn.

"Ahh ganun ba."

"Why you tanong me? Will ikaw subok to seduce din ba? I can give you tips."

"Tumigil ka nga sa kalokohan mo Quinn!" Bulyaw ni Lily sa gilid.

"Ahhh... hehe curious lang kasi ako."

"You horsy don't talk to me!" Saad ni Quinn kay Lily.

"What the heck... tumigil ka nga sa kakahorsy mo jan!"

Napikon na yata tong si Lily dahil nanlalaki na ang butas ng kaniyang ilong sa mga binibitawang salita ni Quinn.

Naku bahala na sila diyan.

Matapos magpakilala ang lahat ay nagsimula nang maglecture si Mrs. Lu chemistry major siya at may shifting ang schedule namin, bale iba-iba ang magtuturo bawat asignatura.

Ahhh... Kastress, sumasakit na tong braincells ko, isang asignatura na ang natapos datapwat ay nasa kasukdulan na kami ng ikalawang topiko at halos sasabog na tong bungo ko sa kagustuhang matuto at magbigay atensyon sa mga binibigkas sa harapan.

Bahala na basta para sa future!

Go lang!

Nga pala sobrang himbing ng tulog ng katabi ko pati na rin si Lily. Napagod siguro sila sa kakaasaran nilang dalawa kaya dinalaw ng kapaguran.

Mabuti na rin yon para tahimik tong mundo ko. Kung hindi siguro to' tulog ay mukhang ito ang sisira sa future ko. Ahaha ang ingay eh!

Sobrang dami pang kalokohang alam. Sabihan ba naman yung lecturer ng 'sir crush na ata kita' sa kalagitnaan nang pagtuturo. Jusko!

At ang mas nakakapagtaka pa ay kung bakit may dalang unan tong si Quinn? May balak ba siyang mag-overnight dito?

Talaga lang ha, lakas talaga ng tama nito. Mabuti nalang at mukhang walang pakialam ang mga instructors. Kung hindi ay baka nasa detention room na tong bagsak ng mga to'.

10AM ng matapos ang ikalawang asignatura namin at dalawa pa bago mag lunch break. Isang oras bawat subject at excluded ang recess kaya't tuloy-tuloy yung lectures.

Konti nalang talaga at dudugo na tong braincells ko. Mabuti nalang at napalakas ang kain ko kanina ng almusal kaya di pa tumutunog ang dragon sa loob ng aking sikmura.

Tuluyan ng nagsimula ang ikatlong asignatura namin at sa kalagitnaan ng pagtatalakay ay biglang pumasok ang dalawang lalaki kasabay ang tiliin ng mga kababaihan dito sa silid.

Living in GehennaWhere stories live. Discover now