[11] What The Fudge

17 2 0
                                    

CHAPTER 11
"What The Fudge"

Pumunta ako sa dereksiyon ni Yvorie na walang kupas nagdadabog patungo kay Kayden. Nangagalaiti ang mata niya sa galit at kitang-kita ang kamay niyang humubog ng isang kamao. Letse! Mukhang alam na natin kung sino ang tatamaan ng sandatang 'yan.

"Hehe... He... H-hello?" Nauutal kong salubong kasabay ng pagtaas ng aking kanang palad. Taena makisabay ka Yvorie!

"Get out of my way!" Sigaw niya sa akin na naabala sa walang prenong pagdabog.

"Kumalma ka!" Pagpapakalma ko sa kaniya.

Hindi niya ako tinitignan subalit tanging nasa dereksiyon lamang ni Kayden ang mga mata nito nakatutok. Paktay na talaga.

"Step back!" Tinulak niya ako sa daraanan niya. Taena muntik na ako matumba ah! Lakas pucha!

"Here slut, take this!" Hindi ko na namalayan na sinunggaban na niya ang babae na walang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid dahil sa epekto ng alkohol.

"What the heck!" Sigaw ng babae na kumawala sa pagkakakandong kay Kayden at napabagsak sa sahig ng bar pagkatapos hilahin ni Yvorie ang buhok nito sa likuran na nakakuha sa buong atensyon ng tao sa paligid kasabay ng pagtigil ng tugtog. Taena!

Si Kayden? Ayun mukhang napasarap sa tulog at nakabukas pa rin ang butones ng suot nitong polo. Pucha ang laswa tignan.

"Want more?" Saad niya pa habang nakataas ang kilay nito. Leche ka talaga Yvorie, magpigil ka naman kahit ngayon lang.

Mukhang nawala lahat ang epekto ng ininom kong alak dahil sa nag-aalikabong eksena.

"You wench!" Sigaw ng babae sa sahig na sinusubukang makatayo. Lintek naman, lalaban pa!

"What do you say?!" Saad niya sa mapaglarong bosses at naglakad papunta sa dereksiyon na binagsakan ng babae.

"Say it again!" Dagdag niya pa nang nakangisi. Punyeta mukhang hindi maganda ang ngising 'yan ah.

"Hey calm down!" Tumakbo ako sa dereksiyon nila at hinarangan siya. Hindi niya ako pinansin subalit nasa babae lang ang kanyang mapamatay na tingin.

"Kumalma ka, Yvorie! Isa!" Babala ko sa kaniya sa maotoridad kong boses. Nagiging seryoso na ako dahil nakakabulabog kami ng mga tao dito sa loob ng bar.

"Dalawa!" Banta ko.

"How many times do I need to tell you to back off?" Nakakabinging sigaw niya. Taena mukhang wala ng makakapigil sa babaeng 'to.

"Sabi ko nga kumalma ka, nakakasakit kana!" Pagpapaliwanag ko sa seryosong boses.

Akma na sana siyang susugod sa dereksiyon ko para sunggaban ang babae sa likuran, ng siya namang dumating ang mga bouncer para pigilan siya.

Taena mabuti nalang talaga dahil baka mapano pa tong babaeng 'to. Ang tigas rin kasi ng ulo! Sabing uuwi na kami eh, kung sumunod lang sana siya ay hindi na nagkaganito pa. Letche!

"Let me go Jerks! Let me go!" Pagpupumiglas ni Yvorie mula sa pagkakahawak sa kaniya.

"I said let go!" Sigaw niya na siya namang dinala palabas ng bar.

Tinignan ko ang babae sa likod at halatang-halata ang galit sa nagawa sa kaniya ni Yvorie. Piste bahala ka sa buhay mo, ang harot mo eh.

Dinala ko ang sarili ko sa sofa kung nasaan si Kayden upang gisingin ito para umuwi. Kawawa naman to walang ka muwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid.

Isa pa tong mokong na 'to, kung hindi ka lang sana nagpakalasing at nakatulog ay hindi mangyayari ito. Pucha!

"Dre gising na!" Pag-gising ko sa kaniya at ibinalik ang pagkabuton ng damit nito.

Living in GehennaWhere stories live. Discover now