06

3 0 0
                                    

Maaga akong nagising. Dumiretso na ako sa bathroom to freshen up. Paglabas ko ay mahimbing na natutulog pa rin ang tatlo.

I got out of our room and went to the front desk to ask where I could have breakfast. I had a simple breakfast while having the view of the pool outside.

After kong mag breakfast ay bumalik ako sa room namin. Gising na si Eise at Mhica ng pumasok ako, nakaayos na din sila. Si Eric naman ay mukhang nasa bathroom pa.

"Saan ka galing?" tanong sa akin ni Mhica.

"Nag breakfast," I answered.

"Hindi mo man lang kami hinintay." kunwaring pagtatampo niya

"Ang sarap ng tulog niyo e." pangangatwiran ko.

"Tara samahan mo na lang kami sa baba." yaya na lang sa akin ni Eise.

Bumaba kaming apat. Nandoon na din ang mga boys na nag uumagahan. Kasunod namin sila Ellaine at Hannah na halatang bagong gising.

"Dala mo camera mo, Jae?" tanong ni Benjamin sa akin.

"Yeah. Why?" balik ko sa kanya.

"Yun. May photographer tayo. Makakapag palit ako ng DP sa IG ko." singit ni Aimee na paupo sa tabi ni Mark.

I smiled awkwardly at them. Ganyan naman sila e, kakausapin ka lang naman nila kapag may kailangan sila pero 'pag wala para ka lang hangin.

Habang kumakain sila ay lumapit sa amin si Ellaine. "Hindi ka kakain?" she asked, like she is concerned.

"Done. Kanina pa." I said coldly.

She nodded and went to the other table like entertaining her guests in her debut. I looked outside to the pool when I saw a familiar face walking towards us. I narrowed my eyes and looked at him attentively.

Hindi ko na siya na sundan ng may kumalabit sa akin. Pag lingon ko ay si Eise na nakatayo sa likod.

"Let's go to our room. We'll change to swimsuits." yaya niya sa akin.

Tumayo ako at sinundan sila hanggang sa kwarto. Mhica wore one piece swimsuit tucked-in a maong short, while Eise wore a beige two-piece and Eric wore a white sando and a blue board short.

Mhica looked at me and walked around me. "Yan na suot mo?" she then asked.

I looked at my clothes. I wore a white racerback and a short. Hindi ako magsuswimming o mag water activities. I'll just take photos around, yun lang ang plano kong gawin.

"Hindi ka man lang ba mag papalit?" tanong sa akin ni Eise.

"Nope. I'll just take pictures around." sagot ko sa kanya

"Hindi ka man lang ba lalangoy? Ang KJ mo talaga." asik sa akin ni Mhica.

Sa may beach front ay nandoon na ang ilan sa mga classmate namin. Ang ilan ay nakahiga sa sun lounge, ang iba ay naka-jetski at kung ano pang water activities.

Umupo ako sa may silong ng malaking puno medyo malayo sa kanila. I tried to take a shoot. A couple of pictures didn't go out as I expected so I tried again.

"Tara, swimming tayo." yaya sa akin ni Mhica na mukhang kakaahon lang.

Umiling lang ako at tumayo para kumuha ng pictures sa may malapit sa dagat.

"Jae. Picture naman dyan." kantyaw ni Aimee sa akin ng makitang papalapit sa kanila.

Inangat ko ang camera, nag pose naman si Aimee. Naka ilang shoots din kami bago sumama ang ibang lalaki. Nang mapagod siguro ay tumigil na rin sila sa kakapose.

"Send mo sa GC yung mga pictures huh." bilin pa ni Aimee bago tumalikod at sumunod sa mga classmate namin na nauna na sa loob ng restaurant.

Ang bilis tumakbo ng oras dahil pagkatapos mag lunch ay bumalik ulit sila sa may dagat at nag swimming ulit.

"Bonfire tayo dito mamayang gabi after dinner." suggestion ni Hanna na sinang-ayunan naman ng iba.

It's almost sunset, and some of them go back to their respective room to rest and also change para sa bonfire mamaya. I choose to stay on the beachfront to see the sunset.

I take a few shots of the sunset and feel the peace around me. It became more quiet cause some of the people were going back to their hotels.

The wind is cold so I decided to go back on our room to get my hoodie. Pagkabalik ko sa room ay tulog sila Eric at Mhica habang nasa comfort room naman si Eise.

Kinuha ko ang gray kong hoodie sa duffle bag at sinuot yun. Humiga muna ako sa kama naman ni Eise at binuksan ang tv. Naglilipat ako ng channel ng lumabas si Eise sa banyo.

"Kakapasok mo lang?" tanong niya sa akin.

"Yeah." tipid na sagot ko sa kanya.

"Are you having fun?" seryosong tanong niya bigla sa akin pagkaupo sa kama.

I looked at her. "Hmmm. Kinda." I replied.

"I was expecting you to say no, but I am happy that at least you're having fun." wika niya sabay tapik sa aking ulo.

Nakaramdam ako ng tapik sa aking binti. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nanunuod ng tv.

"Let's eat." bungad sa akin ni Eise pagkaharap ko sa kanya.

I immediately pick up my phone to look at the clock and it's almost 8 in the evening. I slept for almost 2 hours. I stand up and fix myself to have dinner in the restaurant.

Pagkababa namin ay nasa receiving area na ang iba naming mga classmate. They all agreed that we would eat outside. Some kind of dampa around the vicinity.

We choose to walk instead of using our cars since the dampa is near the area. Malamig ang simoy ng hangin kaya halos lahat ay may dalang jacket o hoodie.

Pagkarating namin ay nagkanya kanya sila ng upo at kuha ng menu. Dahil nga sa dampa kami kakain ay puro seafoods ang nakahain.

Habang kumakain ay panay din ang kwentuhan ng ilan. May mga nagtatanong tungkol sa mga trabaho at sa mga laboy nila.

Napatingin si Eise sa waiter ng mag lapag ito ng isang basong may yelo at isang boteng Heineken. Ganun din si Mhica na naghihimay ng hipon.

"Uy. Bakit may ganyan?" tanong ni Mhica sa akin

"Wala lang." sabi ko sa kanya habang nag sasalin sa baso.

"Ako din." tangkang tatawagin ang waiter.

"Later na Mhica. Sa bonfire." Singit naman ni Hanna na nakamasid na pala sa amin.

Tumango na lang ako kay Mhica. Halata ang inis niya sa pagpigil ni Hanna. Pero tama rin naman si Hanna, mamaya na lang sila mag inom sa bonfire.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa hotel para makapag set up na ng bonfire. Nauna sila Ellaine at Hanna sa beachfront kasama sila Mark at Benjamin na may dala ng beer.

Plot TwistWhere stories live. Discover now