05

2 0 0
                                    

Napagdedisisyunan namin na umalis ng 4:30 pm at maghintay na lang sa Green Park.

Si Mhica ang nasa shotgun seat habang nasa likod si Eise. Nakarating kami ng Green Park Mall ng 5:00 pm. We wait in the Starbucks nearby.

"They are in the parking na daw." sabi ni Eise.

Tumayo kami at pumunta na sa may open parking space ng mall. I saw two vans already parked, while there was another car approaching us.

"Uy. Jae is coming pala." Hannah said sarcastically.

Hindi ko lang siya pinansin at tuloy tuloy na naglakad papalapit sa kanila. I saw the shocked on Ellaine's eyes when she saw me.

"Saang van kayo sasabay, Jae?" Ellaine asked.

"I brought my car." I said.

Mula naman sa isa lang van ay bumaba ang mga lalaki naming classmate.

"Jae." tawag sa akin ng baklang si Eric. He is holding his backpack, and walking towards us.

Tumango ako sa kanya pagkaharap ko. "Sabay na ako sa inyo." sabi niya.

"Bakit? Ayaw mo doon?" pang uusisa ni Eise ate Mhica sa kanya.

Umiling siya sabay nguso sa kanila. Natawa naman ang dalawa sa inasta ni Eric. I opened the back door for him to put his bag.

"Alis na tayo. Baka matraffic pa tayo, tutal nandito na naman ang lahat diba?" pag aayaya ni Mhica.

"Yeah. Right. But we will stop over sa may NLEx to have dinner." maarteng sabi ni Hannah bago pumasok sa van.

"And huwag kayong aalis sa convoy." dagdag ni Ellaine bago sumunod kay Hannah.

Tumango na lang ang ilan at pumasok na rin sa kani kanilang van.

"Napaka bossy talaga niyan." bulong sa akin ni Eric.

Pagkaupo ko sa driver's seat I immediately open waze. Alam ko naman ang pupuntahan namin, para makasigurado lang.

"Tayo magkakasama sa hotel room huh." bilin ni Eric sa amin.

"Bakit sa amin ka sumabay?" tanong ni Mhica na nakaupo na sa likod.

"Paano ba naman puro yabang ang mga lalaki sa van. Si AJ naman hindi ko makausap kasi naka earphone." sabat tingin ni Eric kay Eise sa may mirror.

Napatingin din si Mhica kay Eise kaya nagtaka naman siya sa dalawa.

"What?" tanong niya sa dalawa.

"Hindi pa rin kayo maayos?" diretsong tanong ni Eric sa kanya na nakaharap na sa kanya.

"Hindi naman na kami nag uusap." tipid na sagot na naman niya.

Hindi na muli nagtanong si Eric kay Eise dahil halatang ayaw niya namang pag usapan.

Pagpasok sa NLEx ay nag overtake na ako sa tatlong van. Hindi na din ako sumunod sa convoy. Mas mapapatagal ang pagda drive ko sa mga kaartehan nila. Hihintayin na lang namin sila kung saan man nila gustong kumain.

"Uy Jae. Bakit iniwan mo yung tatlong van?" tanong ni Eric ng mapansing wala na ang tatlong van sa unahan.

"Ang bagal mag drive eh. Baka bukas pa tayo makarating." sabi ko sa kanya.

"3 hours ang byahe hanggang Olongapo." pag papaalala sa akin ni Eric.

"Alam ko. 2 hours and 24 mins. Walang traffic." sagot ko.

Plot TwistWhere stories live. Discover now