07

2 0 0
                                    

Pagkababa namin nila Eise ay nagkakantahan na sila. Siguro ay dala ni Mark ang gitarang gamit nila.

Pagkadaan namin sa likuran nila Ellaine ay inabutan na ako agad ni AJ ng beer. Umupo ako sa tabi ni Mhica at Eric. Uminom ako ng beer habang nakikinig sa mga kinakanta nila.

A picture of you reminds me
How the years have gone
So lonely

Pagsisimulang kumanta ni Mark na sinabayan naman ng iba. Unti unti akong napangiti dahil sa nararamdaman ko ngayon.

I felt relaxed after years of working. Maybe that guy is right I need time to breathe and enjoy.

Open your eyes once again
Look at me crying
If only you could hear me shout your name
If only you could feel my love again
The stars
The sky will never be the same
If only you were here am saying I love you again
Are you listening?

Medyo natawa ako sa mga itsura nila habang kumakanta. May ibang pilit na pilit ang pag abot ng tono at may ibang ramdam na ramdam ang kanta.
Painom na sana ako ng beer ng biglang may pumiit sa kamay ko. Tinignan ko si Eise na medyo seryoso ang tingin sa akin.

"Pangalawa mo na yan." nguso niya sa hawak kong bote

"Yeah. I'm fine. Don't worry." I assure her.

Kinuha ni AJ ang gitara kay Mark at siya ang tumugtog. He is strumming while his eyes are close.

Pagdilat ng mga mata niya ay nakatitig na ito kay Eise. Mukhang hindi pa nakaka move on ang isang ito.

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pag-ibug mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Kanta niya habang nakatitig pa rin kay Eise. Ito namang si Eise ay panay ang kwentuhan kay Eric at Mhica, hindi napapansin ang mga matang kanina pa nakatitig.

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yp lang ang puso ko

Sa pagkanta ni AJ nun ay nagkantyawan na ang mga classmate namin, nahalata na siguro nila na nakatingin pa rin si AJ kay Eise.

Nang maubos na ang mga beer sa lalagyan ay plano pang sanang bumili nila Mark kaso nag aya na rin sila Ellaine na matulog na.

Tinulungan ni Eric na tumayo si Mhica dahil medyo lasing na siya. Umalalay naman si Eise sa kanila. Nagligpit na din ang iba ng mga bote at yung mga plastic wrappers ng mga chips na kinain nila.

"Hindi ka pa aakyat?" tanong ni Eise bitbit ang gamit nila ni Mhica.

"I'll finish this. Sunod na lang ako." angat ko ng bote para makita ang laman nito.

Tumango siya at sumunod na kay Eric at Mhica.

I left alone. Savoring the moment around me. I felt more relaxed. The sound of the waves somehow calms me.

Inubos ko na ang beer ko para makaakyat na din kaso pag angat ng tingin ko ay may isa pang bote ng beer malapit sa mukha ko. Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaki. He is the same person I met in the bar.

"Funny. Looks like I always give you a drink every time we meet." natatawang wika niya habang papaupo sa tabi ko.

Tinitigan ko siya hanggang sa makaupo sa tabi ko, hindi ko pa rin inaabot ang beer na inaalok niya. May kapit pa siyang isang beer sa isang kamay na mukhang sa kanya.

"Don't worry, walang halo yan." paninigurado niya sa akin.

Unti unti kong inabot ang beer na hawak niya. I couldn't believe that he is here. I don't have any idea that we would meet here.

"By the way, I wasn't able to introduce myself that night. I'm Ian Mendoza." lahad niya ng kamay

"I'm Jae Sueño." pakilala ko din sa kanya.

"Sinong mga kasama mo?" tanong ko sa kanya

"I'm with my friends," he replied

I looked around to find his friends when he spoke.

"They're in their rooms already. I saw you kasi kaya nagpaiwan muna ako." then he smiled at me.

"Looks like you followed my advice." pagpapatuloy niya. "Is it working?" tanong niya bigla.

Medyo napaisip ako saglit bago sagutin ang tanong niya. "I guess. I wasn't thinking about my problems for a while."

"That's good to hear." baling niya sa akin.

Ang dami pa namin napagkwentuhan. Hindi na namin namalayan ang oras hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

Eise is calling. I picked it up.

[Where are you? Akala ko ba uubusin mo lang yung beer mo? Huwag mong sabihin na umiinom ka pa, Jae Chandler.] sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"No. Nagpapahangin lang ako. Aakyat na din ako." I replied.

"Hinahanap ka na. Late na rin pala." bigla siyang nag salita

"Yeah. I need to go. Nice to meet you." I smiled.

"Can I walk you to your room? If it's okay?" tanong niya

I think for a while then I nod as an answer. Tumayo siya at nagpagpag ng short.

Pagpasok sa elevator ay tinitigan ko siyang mabuti. There is something with this guy that I haven't felt before. I don't know but I felt comfortable and at ease around him.

"Saan nga pala kayo naka check in?" tanong ko sa kanya.

"Here din. Kaso different floor lang." sagot niya.

Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay nauna na akong lumabas sa kanya. He is walking slowly kaya sinabayan ko siya. Pagtapat namin sa pinto ng room namin ay nagpaalam na ako.

"Good night. Thanks for the walk." tipid kong pagpapalam sa kanya.

His facial expression changed. He looks anxious. I tried to look at his eyes 'cause he's facing downward.

"Jae. Can I get your number?" nahihiyang tanong niya

I almost laugh because of his expression. "Sure." at lahad ng kamay upang abutin ang cellphone niya.

He handed me his phone and then typed my number. I gave it back to him to save it.

"Thanks. Good night." pagpapaalam din niya.

I turned my back to open the door and go inside.

I was about to sleep when my phone rang. I got it and opened the message, it was from Ian.

Nice to see you again. Thanks for tonight. Good night.
From: Ian

I didn't bother to reply. I lay on the bed and slept.

Plot TwistWhere stories live. Discover now