Lalake/

17.1K 780 30
                                    

"Wala po."

Yan ang sabi mo.

Ni hindi ka man lang nag-isip at sinabi mo pa iyon ng diretso.

Nagsimula ka rin sa iyong pagtuturo at natapos ito bago mag alas otso.

Ang totoo'y binalak kong dedmahin ka at hindi pansinin ngayong araw na 'to.

Pero wala pang isang oras ay talagang ako na mismo ang naka-miss sa'yo.

Naiisip ko tuloy na baka ako ang parating talo pag naging tayo.

Ba't ko nga ba nakalimutang magaling ka nga palang mang dedma ng tao?

Sino pa nga ba ako para manalo sa'yo?

Wala ang guro kaya ako'y lumapit sa'yo para mangulit.

Pero napansin kong ika'y busy na naman sa pag guguhit.

Umupo na lang ako sa tabi mo at pinagmasdan ang iyong ginagawa.

Hanggang sa napansin kong ika'y sa wakas ay nagsawa.

Nag-iisip pa ako ng sasabihin sa'yo nang ika'y biglang nagsalita.

Nahihiya mong sinabi sa akin na hindi mo alam ang isasagot kanina.

Kung kaya, wala kang nasabi kundi wala.

Tiningnan lang kita at napansin kong natatakpan ng buhok ang iyong mukha.

Inabot ko ito para ayusin pero bigla akong tinawag ng isang kaiskuwela.

Bigla tuloy uminit ang aking tenga kaya agad akong tumayo at pumunta sa mga ka-tropa.

Nilingon kita at napansin kong ang iyong tenga'y sa'kin ay nanggagaya.

Napakagat ako ng labi at bumalik sa'yo para ibulong ang plano para mamaya.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon