Babae/

62.7K 1.6K 95
                                    

Parte I.

"Gusto kita."

Yan ang sabi mo.

Kung kaya uminit ang mukha ko.

Dala na rin siguro sa mga titig mo.

Wala akong masabi kung kaya tumakbo ako papalayo sa'yo.

Hindi dahil hindi kita gusto o ano.

'Yun ay dahil iyon ang kauna-unahang beses na may magsabi sa'kin ng ganoon.

Bakit ako?

Bakit ako- na isang tahimik- ang nagustuhan mo?

Hindi mo ba alam na may iba pa d'yang mas babagay sa'yo?

Babaeng hindi mahihiya na sabihin pabalik ang sinabi mo?

Nung sumunod na araw, ika'y napansin ko.

Nakatingin sa akin kung kaya agad na iniwasan ko.

Hindi dahil hindi kita gusto o ano.

Naiilang lang kasi ako.

Nagtataka na rin kung bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Gayong nagtagpo lang ang ating mga mata ng isang segundo.

Maya-maya, napansin kong ika'y napatayo at umupo sa may tabi ko.

Hanggang sa nagsimula ka na naman sa dati mong gawing pangungulit at pagtatanong tungkol sa sarili ko.

Maingay at makulit ka, oo.

Pero hindi ko mawari kung bakit kahit ang ingay-ingay at ang kulit-kulit mo,

Ni minsan ay hindi ko inisipan na nakakainis ka o ano.

Natandaan ko tuloy ang pa-simpleng sabi ng mga kaibigan mo.

Sabi nila, sa akin ka lang ganito.

Binalewala ko 'yon, oo.

Inisip ko na baka pinagtritrip-an lang ako ng mga kaibigan mo.

Lahat kasi sila naka-ngisi habang ikaw naman ay nakatingin sa'kin na para bang sinusukat mo kung naniniwala ba ako.

Pero magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na hindi ako nakatulog noong gabing 'yon.

Kakaisip kung paano nga kung totoo.

Hanggang sa nangyari na nga kahapon ang pagtatapat mo.

Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko.

Nagmamanhid-an ba ako o ano?

Kasi matagal ko nang alam iyon.

Matagal ko nang napapansin ang mga kilos mo.

Pansin ko na noon ang mga palihim na tingin mo, mga pasimpleng paglapit mo para lang makausap ako, at mga pagbibigay mo sa akin ng motibo.

Matagal ko nang napapansin pero hindi lang ako nagpapakita ng reaksyon.

Baka kasi hindi naman ako.

Baka kasi hindi naman nga iyon ang gusto mong ipahiwatig sa mga kilos mo.

Dahil, oo, gusto ko sa'yo manggaling mismo.

Gusto ko manggaling sa mga bibig mo na gusto mo ako.

Ngayong nasabi mo na,

Sana marinig mo ang sasabihin ko.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon