Lalake//

11.7K 541 30
                                    

"Bakit kaya wala pa si Ma'am?"

Yan ang tanong mo.

Habang ika'y pinagmamasdan ko.

Tumingin ka sa akin at ako'y mahina mong hinampas;

Umaray ako kahit hampas mo'y hindi naman ganong kalakas.

Sorry naman kung hindi ko mapigilang ika'y hindi titigan ng matagal.

Sapagkat tuwing nakikita kita, ang oras ba ga ay tila bumabagal.

Hindi ko nga lang masabi sa'yo dahil nakakahiyang pakinggan.

Pero sana ganoon din ang iyong nararamdaman.

Maya-maya'y kawani ng ating propesora'y tayo'y pinuntahan.

Sinabing wala siya dahil may pulong na kailangang puntahan.

Kung kaya nagbilin ng takdang aralin na kailangang sagutan.

At sa susunod na pagkikita na lamang daw ito siguro tsetsek-an.

Sa dalang balita'y lahat ay galak na galak.

At sa saya, isa ako doon sa napa-paldyak.

Apat na oras kasi ang kanyang klase at talagang ako'y tamad na tamad na.

Laking pasasalamat lang talaga at di na kailangang piliting mulatin ang matang antok na antok na.

Ang lahat ay nagsi-alisan nang makapag desisyon kung saan sila pupunta.

May klase pa kasi mamaya kaya sa tingin ko'y sila'y mamamasyal na muna.

Sinilip kita't napansin kong tinitingnan mo ang laman ng iyong pitaka.

Nang makita mo akong nakatingin, agad mo itong binulsa't ako'y iyong tsinika.

Nilista mo lahat ng ating mga aralin at ako'y inimbita sa may silid-aklatan.

Nginitian kita at sinabing sige, basta h'wag na h'wag mo akong tutulugan.

Napanguso ka lamang at mukhang naasar pero iyong mukha'y akin na namang tinitigan.

Hinawakan ko ang 'yong kamay at inilapit ka sa akin para sabihing biro lang naman.

Lalo ka tuloy ngumuso na siyang dahilan kung bakit sa isip ko'y ako ay napamura.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon