XII. It goes somewhere

10 0 0
                                    

Third person's POV

Sa araw ng pag-alis ng eroplano ng sinasakyan ni Aya at nang kanyang ina ay siya namang araw na tutugtog sana ang kanilang banda. Umiiyak na kumakanta ang bokalistang si Ava habang siya'y nasa entablado. Hindi iyon pansin ng mga kasama sapagka't patuloy silang tumutugtog habang umuulan. Hindi rin alintana ng mga taong nakapaligid ang ulan sapagka't nag-eenjoy silang pakinggan ang iniidolong banda.

"....Give me more... Give me more....
I wanna bring you back..."

Puno man ng paghihinagpis pinagpatuloy nila ang mini concert nilang ito. Isa pang babae ang sumabay sa kanta nila at pinakilala ito ni Ava. "Let's welcome... Star Miracle.."

[*insert song No scared by one ok rock]

"Thank you guys! Thanks bitch!"

"You're welcome, bitch." anito ng babaeng nakisabay sa kanila. Nagkamayan pa ito at saka bumaba ng stage.

"May gusto rin pala akong sabihin sa inyo." malungkot na tinig ang nabitawan ni Ava. "I'm sorry people this will be our last gig. Our first and last concert. Kanina lang umalis na ang eroplanong sinasakyan ng isa sa mga orihinal na kasama ng banda. Kinalulungkot ko pero hindi na muling mabubuo ang bandang ito kapag wala siya." tahimik ang lahat at tila nalungkot din.

"Pwede niyo pa rin naman po ipagpatuloy kahit wala siya di ba?" may nag-iisang nag lakas ng loob na bumasag ng katahimikan. Na siyang sinabayan naman ng iba. "Oo nga pwede naman kahit wala siya."

"People.. People.. Napagpasiyahan na rin naman ng banda para na rin sa iba pa naming mga pangarap na dapat naming tuparin. Na dapat hindi lang ito iyong hangganan namin. Kaya siya umalis para sa pangarap niya. Naiintindihan ko kahit masakit"

"Hayy... Anyway, ituloy na lang natin ito. Ito na ang huling awitin para sa inyo..."

Natapos ang gabing iyon. May pagsisisi man sa desisyon nila naging masaya naman sila kahit papaano.

Pagkalipas ng isang taon may kanya-kanyang buhay na ang banda, ang dalawa sa kanilang kasamahan ay may asawa't anak na samantalang ang natitira'y patuloy pa ring minamahal ang musika.

Sa isang amusement park maraming tao, maraming masasayang bagay ang pwede mong gawin at pagkalibangan. Dalawang tauhan ang tila hindi nagkatagpuan.

"Ate pabili po ng ticket." isang hindi ganoon katangkarang babae ang bumili ng ticket para sa isang masayang rides.

"Miss ilang taon ka na?"tanong ng isang lalake sa babae.

"Alam ko kuya maliit ako pero wag mo sana akong mamaliitin. Hindi na po ako bata. I'm 21. Gusto mo pa po bang makita ang i.d ko?" may pagkairitang sagot nito sa operator. "Sorry miss! Sige sakay ka na." pagga-guide nito sa kanya. "Salamat! " ngiti naman niya dito. Isa namang lalake ang kasunod niyang sumakay at ang iba pang nakapila.
"I'm scared but I can do this. I miss being a child." sabi niya sa isip, at ngumiti.
"Kuya.. Namiss ko to." sa likuran ng rides ay may mga tao na tila takot na takot may iba namang excited na excited ng umandar ang sinasakyan nila. "Wooohhhuuuu! ~"
"Manahimik ka nga dyan ang ingay mo..."
"Wah pakels ang saya kasi nakasama kita ulit. Hahaha!"
"Hindi pa kaya umaandar excited ka na agad."

Bago pa man umandar ang iba'y parang gusto na lang bumaba. Pagkailang saglit ay unti-unti na itong umuusad.
"Natatakot ka ba?" lumingon ang lalake sa kanyang kaliwa. "Ikaw na ba ang langit? "
"Hahaha!" natawa ang babae sa turan ng lalake. "Hindi pa naman. Hahaha!"
"Natatakot ka ba? Kung natatakot ka isipin mo na lang isa kang ibon. Sabayan mo ang hangin at matutunan mo ring sabayan ang ihip nito." ngumiti siyang muli at saka naman ang pagbasag at pumaikot ikot ang sinasakyan nila.

Nang makababa na silang lahat...
"Grabe yun kuya..." hindi nakatingin sa dinadaanang natapilok at nabangga siya. "Aray!"
"Sorry miss! Ayos ka lang?" humingi ng tawad ang lalake habang may hinahanap ito sa paligid. "Sorry miss ah? Pasensya na po.---Miss, saglit.. Salamat ah?"

Tiningnan lang siya nito at ngumiti ang babaeng nakatabi niya sa rides.

At nagkanya-kanya na sila ng landas. Hindi namalayan ni Ava na nasalubong na niya si Aya habang kausap niya ang kanyang kambal. "Sana kuya..kasama natin siya.."
"Mahal mo talaga si Aya ano? Wag nang malungkot kambal." saglit pang tumikhimbang dalawang magkapatid at nagsalitang muli ang kambal nitong lalake. "Teka lang, ako kaya kasama mo tapos si Aya nasa isip mo. You're so ahmper.." ngumuso pa ito na kunwari'y nagtatampo. "Hindi sayo bagay, Kaj. Ewww.."
"Ahh ganun?" Habang masayang naghahabulan ang magkapatid ay siya namang pagkasalubong nila kay Aya na naglalakad lang mag-isa at kumakain ng ice cream. Samantalang si Shawn nama'y pauwi na.

"Magkikita kaya kami?" yan ang nasa mga isipan ng lahat.

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon