XV. Shadows in darkness

17 0 0
                                    

"Sometimes we see light in darkness... We see hope and if we stumble down we stand up."

Shawn's POV

"Hi Mr. Mendez! I'm Ms. Sophia, the head chief of this office, please be seated. Okay anyway, I'd accepted your resume immediately 'cause we're badly needed a camera man. I know that on my reply to you the last time you were quite get confused about the project we will be heading. But I hope it doesn't give you any second thought about it?" ngumiti lang ako sa babaeng nasa harapan ko. Noong una natakot talaga ako sa project na inaalok nila, akala ko pa naman hayahay ang magiging trabaho kaso mukhang ang kalahati ng paa ko'y nasa hukay na.

Our team will be heading to a province that I haven't visited yet. The name itself scares me. But I need the job so I'd accepted the order. Mahangin sa labas ng barko at ang mga babaeng kasama nami'y nagsitalian ng buhok. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming magsama pa ng babae sa delikadong project na 'to natatakot ako sa magiging kaligtasan nila. Hayy~ Hindi rin ako sanay umalis ng ganito, ito na siguro ang kauna-unahang pagsakay ko ng barko kaya naman medyo nagkaroon ako ng takot sa maaaring mangyari sa'min sa gitna ng karagatan. Masyadong malalim na ang gabi at tinitingala ko na lamang ang mabituing kalangitan. Ang sarap din pala sa pakiramdam, nawala bigla takot ko basta wag ko lang talaga titingnan ang tubig. Haha. May takot na nga ako sa heights pati na rin ata sa malalalim na tubig. Buhay nga naman. Habang tinitingala ang kalangitan isa na namang alaala ang pumukaw sa aking isipan. Ito iyong araw na una ko siyang niyayang mag-date.

"Cha, tara labas tayo? Tutal tapos na rin ang finals natin tapos pati yung final finishing ng project namin, tapos... " hingal kong sabi kay Cha.
"Teka.. teka..saglit hinga ka muna nga.. sobra ka namang excited bez. Oo na hindi naman ako makakatanggi sayo. ^____^"
Tapos ngumiti pa siya? Hayy~ Nagroad trip lang kami kung saan man kami dalhin nun. Tapos nag stop over sa isang mataas na lugar at doon namin pinark ang kotse na itinakas ko pa sa ate ko. High school pa kami nun. At sobrang saya dahil doon sa lugar na iyon kaming dalawa lang. Nahiga siya sa damuhan at ako nama'y nakasandal sa puno. "Uy uy.. bez tingnan mo oh..." tiningnan ko naman ang itinuro niya. "Oo nga..." Halos kuminang ang mga mata niya sa sobrang tuwa niya. "Hayy ang sarap ng ganito, ano? Iyong wala kang pinoproblema. Ang aliwalas sa pakiramdam. Tapos nakatingin ka lang sa kalawakan na pinapalibutan ng magagandang bituin. Salamat sa pagadala sa'kin dito." sabi niya habang tinatanaw ko rin ang kalangitan at muling tumingin sa kanya. "Oo nga eh. Sobrang gaan ng pakiramdam tapos kasama mo iyong taong importante sayo." nakatingin lang ako sa kanya habang nangingiti-ngiti, ay siya namang paglingon niya't umiwas ako.
"Ano yun?"
"Ahh wala... hehehe. Sabi ki walang anuman. Gusto mo ng maiinom?" pang aalok ko sa kanya at sabay umalis ako't may kinuha sa compartment ng kotse. "Cheers bez! Konti na lang magka-college na tayo. Ano kukunin mong course?" tanong ko sa kanya. "Ehhh alam mo na kaya yun. Ilang beses mo kaya tinanong yan?" Napakamot na lang ako ng batok at natawa kaming dalawa. "Bez may shooting star!" kulbit ko sa kanya at sabay kaming humiling. Natapos ako sa hiniling ko siya hindi pa tapos. "Ang dami mo atang hiniling. Anu-ano hiniling mo?"
"Syempre secret yun. Hindi dapat sinasabi baka hindi pa matupad." si Cha.
"Alam mo ba hiniling ko?" tanong ko sa kanya.
"Sige nga, ano wish mo?" nginitian ko muna siya na parang nakakaloko, ngumiti naman din siya.
"Na wag matupad hiling mo." tapos tumayo ako't hinampas niya pa ako sa braso. "Ang sama mo talaga... halika nga dito at nang makonyatan kita."
"Habulin mo ko bez...nyenyenye...." pangungutya ko sa kanya. Naghabulan kami sa gitna ng gabi habang ang mga bituin sa langit ay patuloy sa pagkinang at mga halakahak naming dalawa ang tanging naririnig ko.
Napagod ata siya sa paghabol sa akin at pumasok ng kotse. Nang umupo ako sa front seat ng kotse saka siya nakaganti sakin. Tinawanan ko lang din siya doon na kami sa loob ng kotse namahinga. Pinahiga ko si Cha sa backseat na kasiyang kasiya naman siyang humiga. At ako sa drivers seat na namahinga. Kinaumagahan umalis na rin kami sa lugar at masarap pa rin ang tulog niya. Napapangiti na lang ako't nangarap balang araw mas pasisiyahin ko pa siya lalo. Di pa nga lang ngayon dahil magbest friend pa lang kami. Balang araw.

Back to reality. Nandito na kami sa daungan ng barko. Hating gabi na nang kami'y makarating. Naku antok na kaming lahat at mukhang wala pa kaming masasakyan. Nagtanong-tanong kami sa mga naroong nakaparadang van. Umaabot pa raw ng sikat ng araw ang paghihintay nila bago makaalis ang van kaya naman ang napag-isipan na lang naming pagkasiyahin ang aming mga sarili sa isang malaking tricycle. Walo kaming nagsiksikan roon at talaga nga namang masikip. Tiis, para makarating kami agad sa patutungohan namin.
"Manong malayo pa po ba tayo?" tanong ng isa naming kasama. Hindi ko pa sila kilalang lahat kaya't di ko mabosesan kung sino nagsalita. "Malapit-lapit na rin po tayo, Mam." sagot naman ng mamang drayber.
Aahhhhaaay! ~ kanya-kanya na kaming naghihikaban sa tricycle at nagpupumilit na huwag makatulog at baka ano pang mangyari sa amin sa daan.
"Mam, Ser nandito na po tayo." Nagising ang aming diwa sa tawag sa'min ni manong. "Ahhhh... Salamat naman... "sabi ng isa sa mga babae naming kasama na nag-iinat. "Magkano po?" tanong ko naman. "200 lang ho Ser." Nag-abot na ako ng pera habang binababa naman nila ang mga gamit namin sa tricycle.

"Ano na? Ito na ba yung inn na tutuloyan natin?" sabi ng isa.
"Para namang nakakatakot dito. Sigurado ba si manong na dito yun?"
"Oo nga. Dito ba talaga?"
"Grabe naman itong inn na 'to, tagong tago naman." Nakatingala kaming tiningnan ang limang palapag na inn n tila napag lumaan na ng panahon. Dito muna kami magpapalipas ng gabi sa ngayon.
May kanya-kanya na silang usapan habang nakatayo pa rin kami dito. "Guys, kumatok na lang tayo para makapasok na." sabat ko sa kanilang lahat habang nababalot naman sila ng takot.
"May pumupunta pa kaya dito?" tanong ng isa sa'min bago kami kumatok sa pinto. Sagot naman ng isa sa'min, "Ang tanong may tao pa kaya rito? Kanina pa kaya tayo kumakatok dito, wala man lang nag bubukas."
"Baka naman naidlip kaya't di tayo agad mapagbuksan." sabat ko sa kanila. Kaya naman lalo kong nilakasan ang pagkatok at saka lamang kami nakarinig ng mga maka-ilang yabag ng paa't napagbuksan kami ng pinto.
"Oh mga iha,iho. Belinda, may mga bisita. Belinda nasan ka ba? Osya magsipasok kayo bago pa man umulan." sabi ng matandang babae na nagbukas ng pinto, na nasa otsenta na siguro ang edad.
"Uulan daw?" bulongan ng mga babae. "Uyy parang ayoko na dito. Scary!"
"Uulan? Eh marami namang bituin... Hindi yan uulan. Matanda na nga siya marahil kaya ganun na kang ang sa tingin niyang uulan." sabi pa ng isang nakakatanda naming babaeng kasama. "Mga iha, hindi porket nakikita niyo ang liwanag ay hindi na didilim. Wag kang mabulag sa kung ano lang ang nakikita mo." nagulat ang mga babae nang hawakan sila ng matanda.
"Holy crap! What are you doing?"
"Oh God! You scared us."
"Pasensya na mga bata. Kayo ba'y may reservation sa amin o sadyang naligaw kayo't napadpad dito sa aming lugar?" tanong ng matandang babae habang lumakad siyang pabalik sa kanyang maliit na opisina. "Ah, mawalang galang na po. Saan po ang banyo?" sabat ng isa naming kasamahang lalake, na halos apat na pulgada ang itinaas sa akin. "Dumeretso ka sa gawing kanan at doon makikita mo ang banyo,iho."
"Salamat po!" at nagmadali siyang umalis.
"Ah, manang naka-reserve po kami sa pangalang GMAG po." Tiningnan nito ang mala-librong reservation book at hinahanap ang pangalang nabanggit ko.
Nang mahanap niya iyon agad niyang binigay ang susi ng magiging kwarto namin saka itinuro ang elevator. Nagkanya-kanya na kami sa aming mga kwarto na tutulogan. Hiwalay ang babae sa mga lalaki. Sa sobrang pagod namin sa byahe ang mga kasama kong lalaki ay hindi na nakapagpalit at bumagsak na sa higaan. Ako na lang din natitirang gising at nagpalit ng pantulog.
Nagmunimuni muna ako habang nakatingala lang sa kisame pagsabay ng pagpatak ng malakas na ulan.
Magiging madali kaya ang pag-akyat namin sa bundok mamaya? Tanong ko sa sarili at saka nakatulog.

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon