XVII. Yosi at Kape

18 0 0
                                    

"PARANG gusto kong hilinging maging lalake na lang. Dahil paulit-ulit ko na lang nararanasan ang ganitong sitwasyon. Ang sarap pala ng yosi at kape."

Ava's POV

Sana sa bawat paghits ng sigarilyo makalimutan ko ang bawat kaba, at panginginig ng buong kalamnan ko, at ang bawat paghihimutok ko sa mundo. At sa bawat upos ng yosi na nauubos ko ay nababawasan kahit isa sa mga problema. Na sa bawat sindi ko rito naglalaho ang mga sakit na dulot ng pinoproblema ko."Teka...teka...nakaka-isang kaha na pala ako. Patay na naman ako kay Kuya."
"Wala kang maisip na kanta?" may isang halimaw ang sumulpot mula sa likuran ko.
"wala eh... Ay tokwa..kanina ka pa dyan?" sagot ko pa na ikinagulat ko.
"Oo, kaya. Tigilan mo na nga yan.. Bakit may isang rim ka ng yosi sa kwarto, huh? Kala ko ba itinigil mo na?" Sabi na nga ba eh, nandito na ang kapatid ko, paano nya nalaman? "Pake mo ba? Pumasok ka na naman sa kwarto ko ng di nagpapaalam. Tsk."
"tigas ng baga mo pre..hinulaan ko lang para mahuli ka tsk. Hindi ako pumasok dun nuh!" pangkukonyat nya sakin. "tss~"
"bat nandito ka pala? Hindi kayo matatapos nyan kapag lagi kang nauwi dito."
"wala, may hindi lang kami napagkaintindihan." sabay sindi nya ng yosi.
"oh?" yamot kong sagot sa kanya.
"oh? Yan lang masasagot mo? Parang lagi ka lang seryoso. Wala ka bang pake sakin?"
"lagi naman akong seryoso. Kailan ba ko hindi naging makwela ha?" sagot ko kay kuya habang nakatitig pa rin sa papel.
"bihira." sabay buga ng usok ng sigarilyo.
"buti alam mo." nilingon ko siya at hinihilot na niya ang nakakunot nitong noo.
"may pake naman ako kya nga tinatanong kita kung bakit ka nandito eh?"
"sus..ayaw mo lang ako dito eh." seryosong sagot niya habang inuubos ang nakasinding yosi.
"drama mo. Bili mo ko earphone nasira na yung matagal ko nang ginagamit."
"lagi ka na lang may pinapabili kapag nandito ako. Nakakahalata na ko ah?!" napasimangot na lang ako.
"hindi mabiro. Ako nakasira nun kaya binilhan na kita. Oh.." sabay abot ng bagong bago at nakaselyadong box ng headset. Oh my my.. Iiyak na ba ako? Lagi na lang limited edition ang nakukuha ko... Hahahaha.. "Timpla ka pa nga ng kape Ava ang lamig na nitong kape mo. Kanina mo pa ata iniinom to ah?"
"Ano itinawag mo sa'kin? Himala at tinawag mo na ako sa pangalan ko. Kuya, ano nakain mo?"
"Tama na tanong magtimpla ka na lang." hinihilot pa niyang muli ang kanyang sentido habang nakasandal sa upuan at hawak pa rin ang nauupos na sigarilyo. "Sungit... Panget mo..."
"Mas panget ka.." Aba nagpahabol pa ng asar...

"Kape at Yosi" Bigla akong napahinto sa pagtitimpla ng may isang ideyang lumabas sa nangangalawang kong utak. (ediwow... June 27, 2015 A/N to wag epal... Hindi ako makatulog.. Kaya heto dilat na dilat ang apat kong mata... Apat kasi malaki mata ko. Bawal segway.. Nasa labas ng bahay at nakaupo lang... Nag iisip ngayon ng maisusulat na entry... Kahit anong pilit kong gumulong sa higaan hindi talaga ako makatulog kaya't napagpasiyahan kong lumabas muna. Naririnig ko ang pusa nagngangawa... Hayun lang. Bow!)
"Kape at Yosi"
Natutulog ang isip ko
Sa mga bagay na pwedeng ikagising ng mga pagkakamali
Tulog ang isip ko...
Ngunit gising sa mga alaala mo.
Bawat lagok init ng yakap mo'y parang nariyan pa din..
Sa bawat upos ay parang pagmamahal mong unti-unting nauubos sa akin...
Kapeng mapait pag walang asukal na nagpapatamis,
Sigarilyong walang sindi 'pag walang apoy nadadampi..

"Hoyyy!!! Yung kape ko.." si Kali, ang kuyang kong istorbo na halimaw,kumag at imaw.
"Naman eh... Nakaisip na sana ng stanza sa kanta oo.. Ikaw naman tong istorbo...." sagot ko sa kanya.
"yung kape ko muna.. Lalamig na yan... Tsk naman.. Akin na nga.. " pag aagaw nya ng makalapit ako. "Bakit ba sa akin mo binubuntong yang inis mo?" tahimik... Katahimikan. Okay, mabuti yan hindi na siya sumasagot. "Paano ba manligaw?"
" A-anak ng...." muntikan ko ng maibuga ang kanina pang nakatimpla kong kape na kasing lamig na ng ilong ng pusa. "Ano? Paki ulit nga?"
"Ayoko... Bahala ka nga dyan..." sabay alis sa tabi ko, naiwan akong nakatulala at nagtataka. Hindi man lang ako sinagot. Ano raw? Tama kaya yung narinig ko? Paano raw manligaw? Nyemas... Bat ako tinatanong ,lalake ba 'ko??? Na saan na nga ako sa isunusulat ko sa tissue kanina? Nawala na. Nawala na ang ideya. "KAMOTE KA TALAGA KALIIII.... Argh!" sigaw ko.
✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈✈
Kali

"Kape at Yosi"
You're my remedy to my pain
Bitter taste to make me feel better.
Parang upos na yosi ang aking puso,
Sa daming tanong na nais kong itanong sayo
Wala akong magawa kundi tumayo
At tumulala.
Bumubuo ng bagong lakas at pag-asa
Na sana bukas o sa makalawa
Magawa kang lapitan.
Maging apoy sa panibagong yosing sisindihan ko.
Sa bagong kapeng nawa'y may halo
Nang asukal at gatas.

Nakatulog pala ako. Hindi ko alam kung paano nangyari, nagkape naman ako kagabi. Kapeng timpla ng kambal ko na kasingpait ng ampalaya. Langya nakalimutan pang lagyan ng asukal. Asar yun.

Knock knock!!! "Ava gising na!!!"
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ng kapatid ko. At isang malaking unan ang sumalubong sa'kin. "ARRRAY!! Problema mo? Ginigising ka lang eh. May aabot lang ako."
"Lagi ka na lang pumapasok kahit di ko pa sinasabing pumasok ka!! Paano na lang kung nakahubad pala ako?? Bwesit ka!!! Layas!!!" Aga-aga umuusok na naman ilong nya. Hayy! Inilapag ko na lang ang kapirasong tissue paper na pinagsulatan nya kagabi ng naisip nyang stanza at dinugtungan ko nang makaakyat ako ng kwarto. "Layasss!" sigaw ni Ava mula sa loob ng kwarto nya at ako nakatayo pa rin sa harap nito.
"Oo na. Gagawa lang ako ng agahan. Tss~ ang init ulo. May iaabot lang eh." sagot ko.
"Bahala ka sa buhay mo.. Kainis."

Makalipas ang tatlongpung minuto bumaba na siya sa kwarto niya na nakapantulog pa rin. "Oh!? Wala ka bang balak maligo man lang?"
"Nakaligo na ko. Di mo ba kita basa pa buhok ko? Ano pagkain?" sabi niya sa'kin na hindi man lang ako tinitingnan kundi nakatingin sa pagkain at nagtitimpla ng kape, na ngayon may asukal at gatas na.
"In fairness, maganda yung line na naidugtong mo. Salamat doon!" bigla-bigla na lang nagsasalita habang puno ng pagkain ang bibig.
"Sus... Wala yun.. Parang wala nga lang yung isinulat kong yun. Natuyo utak ko dahil sa kape mo kagabi. Wala ka talagang pagmamahal sa'kin bilang kapatid mo. Tsk."
"Akala ko kasi gusto mong gising ka."
"Akala mo lang. Pero nakatulog naman ako agad."
"Pagod ka lang kaya ganun." At inubos lang namin ang agahan at siya umupo sa harap ng TV, binuksan ang wifi at doon nag-log in para makapaglaro ng coc.

"Tara!" pag-aaya ko sa kapatid kong si Ava.
"Saan?" sagot nya nang hindi lumilingon habang busy sya sa paglalaro ng COC. "Hmm. Kahit saan. Maga-unwind lang." sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang mga plato sa lagayan. "Tapusin ko lang to. May war kasi kami eh ~ tsk.. Badtrip!! Namatay na yung ibang troops ko.. Shit!!! C'mon... C'mon.. Konti na lang... "
Ako
Siya
"Ano ba naman yan?! Yan na lang ba gagawin mo maghapon? Magbihis ka na nga Ava." suway ko sa kanya at maawtoridad na utos bilang Kuya nya. "Maya nga sabi, konti na lang talaga, matatapos na 'to oh!?" tutok na tutok lang ang mata nya sa screen at bumuntong hininga na lamang ako't tinapos ang mga gawain ko.
"Wooohuuuu! VICTORY!!! wooh! lakas nung kalaban.. Bwesit!" sya. " Oh... Online si Sei. Hmm.. Sino kaya 'to? Fallen? Ang ganda ng base nya parang pakpak yung style. Lufet!" baby talk ba yun? Babae nga talaga.. Ang labo talaga ng kapatid ko. Fallen? Hmmm~
Bigla akong kinabahan,napahinto sa pagpupunas at nabato sa kinatatayuan ko. Anong meron, bakit kaya? Bakit may lamig akong naramdaman?
"Oh!? Anyare sayo?...wooi! H-ha!? Aakyat na 'ko magbihis ka na rin. Pss~" Nagising na lang ako sa realidad nang dumaan sa harap ko si Ava. "A-ah.. W-wala."
Makalipas lang ng ilang minuto, nakapag-gayak na ako't nakapag-ayos ng mga gamit na dadalhin naming magkapatid. Di ko rin alam kung saan ang punta namin.
"Yung totoo chicks ka o lalake?" tanong ko kay Ava nang makababa siya. "Bakit, anong problema sa suot ko?" tanong din nya. "Wala."
"Ewan ko sayo, hintayin kita sa kotse." Suot pa naman kasi ang paborito nyang open back t-shirt na black and white na may bungong desenyo, na naka-tuck in sa pulang short at suot ang itim nyang pang lalakeng sapatos. Sumbrerong kulay pula at itim, suot din sa likod nito ang studded leather black back pack nya. Hindi ko tuloy mawari kung babae ba talaga siya o isang lesbian?

"Kuya saan ba tayo pupunta?"
"Hayy naku kulit mo. Kanina ka pa tanong ng tanong."
"Eh kung sabihin mo na lang kaya para di na kita kulitin pang tanungin. Kanina mo pa rin akong hindi sinasagot eh."
"Pupuntahan natin yung nililigawan ko nga."
"Hayy ewan ko sayo! Asar ka. Sana iba na lang isinama mo. "

Humalukipkip na lang ako sa kinauupuan ko habang nagkakarga siya ng mga gamit sa kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon