Chapter Twenty-four

841 41 4
                                    

"What are you doing here?" galit na tanong ni Bella kay Thunder ng maabutan niya ito sa may verenda ng apartment niya.Kampanteng nakaupo ito at nakakalumbaba habang nakatingin sa kaniya.

"Ganyan ba ang ibubungad mo sa ama ng anak mo?" nang-uuyam na tanong ni Kulog sa kaniya.

"I don't have time to entertain you! Kung wala ka namang magandang idudulot sa'min, umalis ka na lang," nakairap na utos niya dito.

"Why should I? May karapatan din ako na makita ang anak ko," ani Thunder sakaniya.

"Wala kang karapatan! Wala kang karapatan na makilala siya! I don't want her to know na isang walang kwentang-ama ang kikilalanin niya," nanggigil na saad ni Bella kay Thunder.

"How could you say that?" kalmadong sabi ni Thunder sa kaniya. "Sky has the right to know who is his real father? Karapatan niyang malaman na ako ang ama niya. And I'm sorry na baka hinahanap at tinatanong na niya ako saiy," anito.

Napakunot-noo si Bella sa sinabi ni Kulog sa kaniya. "Hindi ikaw ang ama ni Sky kaya huwag kang mag-assume," ani Bella dito.

"Sigurado ka? Kung mapatunayan ko saiyong anak ko si Sky what will you do?" anito.

"Puwede ba? Maayos na ang buhay namin. Hayaan mo na kami. Huwag mo na kaming guluhin pa. Maawa ka naman sa anako ko," ani Bella kay Thunder.

"That's why I'm here. Open arms," ani Thunder.

"What the fuck! I don't need your fucking open arms. Kaya kung buhayin si Sky na mag-isa. Isa pa, wala akong planong manira ng pamilyadong tao kaya If you don't mind, leave us alone!"

Bella walked away to Thunder ngunit hinabol siya nito at hinila ang isang braso niya.Paharap na napalingon siya kay Kulog at saktong nasandal niya ang ulo sa matipunong dibdib ng lalaki.Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito at naamoy rin niya ang pabangong gamit ni Thunder.He smells so good and fresh.
Ilang segundo rin siyang nakasandal sa dibdib ni Thunder saka lang nanumbalik ang diwa ni Bella ng biglang tumunog ang cell phone ni Thunder.Atsa pagkagising ng diwa niya ay agad niyang itinulak si Thunder palayo sa kaniya.

Hinawakan ni Thunder ang mga balikat niya.He was seriously staring at her.Napalunok si Bella.
Nakaramdam ng panginginig sa tuhod kaya hindi agad nakaiwas kay Kulog.
"Listen to me, Bella. I know I was wrong before and I regretted it already. Ginawa ko lang 'yon para protektahan ka dahil mahal kita. I want you to be safe. Ayaw kong may mangyari saiyong masama dahil sa banta ni Allysa saiyo. At---"

"Tama na!" malakas ang boses na putol ni Bella sa sasabihin pa ni Kulog sa kaniya. "You don't have to explained everything. Tapos na ang lahat at hindi na natin maibabalik pa. Pakiusap ko lang saiyo, tigilan mo na kami ni Sky. Gusto ko lang naman ang tahimik na buhay. Please, maaawa," naiiyak nang pagsusumamo ni Bella kay Thunder.

Hinila siya ni Thunder at niyakap ng mahigpit. "Andito lang ako para saiyo at para kay Sky. Pro-protektahan ko kayo kahit na anong mangyari," assurance ni Thunder sa kaniya.

"Tama na," umiiyak niyang sabi. "Tama na ang isang pagkakamali. Tama na ang isang pagkakasala. Lubayan mo na kami," ani Bella kay Kulog.

"Sssh! Don't cry. Ayaw kong umiiyak ka. Pumapangit ka kasi," dinaan ni Thunder sa biro ang pagsusumamo ni Bella sa kaniya.Tuloy ay napanguso si Bella sa sinabi ni Kulog.Mayamaya ay pinunasan niya ang kaniyang mga luha na dumaloy sa kaniyang pisngi bago iniangat muli ang mukha.
Nagtama ang mga mata nila.Halos nagsusukatan.

"Did you already met my Sky?" nag-aalalang tanong ni Bella.

"Aha!" Nakatangong sagot ni Thunder sa kaniya.

"Did you find her pretty?" aniya.

"Aha!" Muling sagot ni Thunder

"First encounter?" nag-aalalang tanong niya muli.

"Lukso ng dugo," honest na sagot ni Kulog sa kaniya.

"Spark ganoon?" hindi makapaniwalang tanong ni Bella.

"Aha!" ani Thunder.

"Hindi mo siya anak," nakangusong pagsisinungaling ni Bella kay Kulog.Naiinis kasi siya dahil sobrang confident ni Thunder na anak nga nito talaga si Sky.Kahit iyon naman ang totoo.

"Papatunayan ko saiyo na anak ko nga Sky," ani Thunder sa kaniya.

"You don't have to. Akin lang si Sky," ani Bella.

"Hindi puwede. Dapat share tayo," ani Kulog sa kaniya.

"Hindi puwede!" Matapang na sagot niya.

"Puwede," ani Kulog.

"In your dreams!" aniya.

"May paraan," paninindigan nitong sagot.

"Bakit hindi ba kayo nagka-anak ni Allysa? Hindi ba siya nabuntis saiyo?" curious na tanong ni Bella kay Kulog.Nakaramdam ng takot na baka nag-kaanak ang dalawa sa apat na taon nilang pag-sasama.

"Gusto mo bang malaman ang totoo?" anito.

Napabunting-hininga siya. "Mabuti pa umuwi ka na. Baka hinihintay ka na ng mag-ina mo," ani Bella.

"Wala kaming anak. 'Yan ba ang gusto mong marinig? I never sleep with her and not even once to make love at Allysa because I don't love her at all. I just married her to protect you," ani Kulog sa kaniya.

"Kung mahal mo ako bakit umabot pa ng apat na taon bago ka nag-pakita?" sumbat na tanong ni Bella sa kaniya.

"Because I waited for the right time," ani Kulog sa kaniya.

"Right time ka diyan. Nanadiya ka yata, eh? May balak ka lang na kunin si Sky sa akin kaya ka nag-paparamdam," aniya dito.

Isang tawang pagak ang isinagot ni Thunder sa kaniya. "Huwag ka ngang paraniod. Kung babawiin ko siya saiyo, kasama ka para buo tayo."

"Paano ang asawa mo?" ani Bella dito.

"I already fixing our divorce paper. Maghintay lang kayo ni Sky," ani Kulog sa kaniya.

Bago pa siya nakapagsalita ay biglang tumunog ulit ang cell phone ni Thunde.Si Allysa ang caller.Nakailang misscalls na ito sa kaniya.Siguro ay kanina pa nito hinihintay na umuwi si Kulog pero nakatambay ito ngayon sa apartment niya.Kinakabahan tuloy siya na baka pinasundan nito si
Kulog at baka malaman nitong nakikipagtagpo sa kaniya ang asawa nito.

"Mabuti pa umuwi ka na," ani Bella dito. "Saka na tayo mag-usap muli. Baka malaman ni Allysa na nagkita tayo at kung ano pa ang gawin niya sa aming mag-ina. Mapano pa kami ni Sky sa kamay ng asawa mo," aniya.

"Hindi niya kayo puwedeng pakialaman! Lalo na ang anak ko," ani Thunder.Natahimik siya.Sa mga mata nito ay ramdam niya ang pagkasinseridad na pro-protektahan nga sila.Natuwa ang puso niya dahil kakampi niya ito.Pero paano kung biglang maging balimbing na naman si Thunder sa kaniya? Paano kung inaamo lang siya talaga nito para makuha nito si Sky? Paano kung pagkukunwari lang ang pakitungo nito gaya ng dati sa kaniya.

Never! Magpatayan muna sila.Hinding-hindi nila makukuha si Sky sa kaniya.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now