Chapter Eight

746 39 4
                                    

Hindi man maipagkakaila ni Thunder pero very successful ang ginagawang pambabara ni Bella kay Allysa.He found it very interesting.Mukhang tama ang naging desisyon niyang papuntahin agad ang dalaga sa bahay nila.Tumukhim muna si Thunder bago nag-salita. "Excuse me, nurse Bella. Can you please help me for a second?" ani Thunder sa kaniya.

Bumangon naman si Bella mula sa pagkakahahilata sa kama ni Thunder sabay bangon at tayo patungo sa kinauupuan nito. "Yes, sir Kulog. What can I do for you?" nakangiting tanong niya dito.

"Would you mind if  you transfer me to my bed? Medyo nangangawit na kasi ang likod ko na naka-upo dito," ani Thunder sa dalaga. "I need to rest my back. Cause it's getting pain." He explained.

"Sure! 'Yun lang naman pala, eh?" ani Bella. Tumalima siya at dahan-dahang itinayo si Thunder mula sa kinauupan nito. Alalay lang ang ginawa ni Bella dito ng biglang iniakbay ni Thunder ang braso nito sa balikat niya.Napaigtad pa siya ng mag-kasalubong ang kanilang mga mukha at muntik ng magka-halikan. Agad tuloy inilayo ni Bella ang mukha dahil sa pangyayaring iyon.
Pakiramdam niya ay pinamulaan din siya ng mukha dahil sa sobrang nerbiyos.Umakyat ang mainit na likido sa kaniyang pisngi.

"Okay ka lang?" tanong nito ng mapansing nanginginig ang kamay niyang nakahawak kay Thunder.

"Yeah!" tango niyang sagot. "O-okay lang ako," ani Bella. At nag-simula na siyang humakbang para makalad na rin si Thunder patungong higaan nito.

Nagulat si Bella ng bigla na lang siyang tinisod ni Allysa.Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.Nakahalukipkip pa ang bruha. Mabuti nalang at nabalanse pa niya ang kaniyang katawan kung hindi ay baka nasubosub sila pareho ni Thunder sa sahig.Agad binuweltahan ni Bella ang babae ng mapa-upo na niya si Thunder sa higaan nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" naka-ismir niyang tanong sa babae.

"I did nothing!" pagsisinungaling ni Allysa at walang balak umamin sa paratang niya dito.

"Hoy bruha ka! Tinisod mo ako. Paano kung nadapa ako at nabagsak si Sir Kulog sa sahig? Ako ang pag-bibintangan mo? Umayos ka!" nanggigil na kompranta niya kay Allysa.

"I don't know what you're talking?" pagmamaang-mangan parin nito.

"Hindi ka naman bingi, 'di ba? You heard what I said. Tinisod mo ako at muntik na kaming bumagsak sa sahig," pag-didiin ni Bella sa ginawa nitong kapangahasan.Alam niyang sinadya ni Allysa ang pag-tisod sa kaniya.Tila nag-hahamon talaga ito at hindi niya ito uurangan kahit sino pa ang maimpluwansiya niyang nanay.Dahil sa katwiran siya

"Do you have proof?" nakataas ang kilay na tanong ni Allysa kay Bella.

"Pruweba? Tayong tatlo lang ang nandito te? Alangang duwende ang nang-tisod sa akin? Atsaka ikaw? Nakakarami ka na nang English sa akin! Napupuno na ako saiyo. Talaga! Konti na lang," naaasar ng sabi ni Bella dito. "Kung wala ka rin lang magandang maidudulot dito, I think you should leave," utos niya kay Allysa.

"Bakit naman ako aalis? Saiyo ba ang kuwarto na 'to? Saiyo ba ang bahay na 'to?" nang-uuyam na tanong nito sa kaniya. "Ang yabang-yabang mo, ha? Akala mo kung sino ka dito! Nurse ka lang naman ni Thunder. Know your place girl," pangungutya pa nito.

"Yeah!" tango niyang sabi. "You're right? This is not my house or either my room. But I have the right to tell you that you can leave us alone in this room. I was hired as a private nurse to Sir Kulog. Pero ikaw? Sino ka ba? Hindi b bisita ka lang naman?" ani Bella dito.

Nangunot ang makinis na noo ni Allysa.Tinakbo nito ang kinaroroonan ni Thunder na naka-half lying lang sa kama nito at kanina pa nakikinig sa alitan nilang dalawa.Tinabihan ni Allysa si Thunder sabay yakap dito.Kunwaring mangiyak-ngiyak ang mga mata ng babae.Feeling pa-victim ang gaga kahit na hindi naman niya ito inaapi at inaano.Napangiwi si Bella sa maarteng inaasal nito.Dapat nga ito ang humingi ng tawad kay Bella dahil sa ginawa nitong pang-titisod pero feeling pa nito na siya ang inapi.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now