Chapter Twenty-one

709 34 6
                                    

Agad tinawagan ni Candy si Bella.Pinaalam niya sa pinsan na nasa resto bar nila ngayon si Kulog, naglalasing.Ngunit ng muling lilingunin ni Candy ang binata ay may kasama na ito.Halos magkasing-
guwapo ang dalawa at magkasing-
tangkad.Kung pagkokomperahin niya ang dalawa ay nakakasigurado siyang magkapatid ang mga ito.Pagkatapos maibalita iyon ni Candy ay Bella ay paalis na rin ang dalawa.Hindi na muling nakakuha pa ng chance na makausap muli ni Candy si Kulog.

Sa apartment ng pinsang si Bella ay nadatnan niyang nakatulala ito sa may sala ng bahay nito.Halos hindi  man lang nito naramdaman ang presensiya niya na dumating na siya.Tila kay lalim ng iniisip.Naupo si Candya sa tabi ni Bella.Naawa rin siya sympre sa nangyayari sa kaniya.
Dahan-dahang tinapik ni Candy ang balikat ni Bella upang maka-agaw siya ng pansin dito.Ngunit hindi ito tumitinag at hindi rin siya nilingon.

"May problema ba?" may pag-aalalang tanong ni Candy sa pinsan.

Nilingon lang siya ni Bella tapos umiling lang.

"'Yung totoo? Ano bang nangyayari saiyo?" ani Candy muli sakanya.

Ngunit imbis na sagutin siya ni Bella ay bigla nalang itong umiyak at sinandal ang ulo sa balikat niya.Humagolgul ito.Hinayaan lang ito ni Candy na umiyak upang mailabas ang kaniyang sama ng loob.Hinaplos niya ng maramahan ang buhok ng pinsan. "Ano bang nangyari?" ulit muling kmtanong ni Candy.

"I-I'm scared," nanginginig na sambit niya.

"Scared of what?" malakas naman na bulalas ni Candy sa kaniya.

"B-binantaan nila ang buhay ko," nanginginig pa rin ang boses na amin ni Bella at may halong takot rin sa mga mata ng titigan niya ang pinsan.

"Sino naman ang nag-banta ng buhay mo?" nagtatakang tanong ni Candy sa pinsan.

"S-si Allysa," sambit niya.

"Wala siyang karapatang bantaan ang buhay mo! O kahit na sino pa 'yan. Bakit ka ba natatakot sa babaeng iyon?" nangigil na saad ni Candy sakaniya. "Kung makita ko lang talaga ang babaeng iyon, kakalbuhin ko talaga! Babalatan ko siya ng buhay!"

"K-kapag hindi daw ako umalis or magpakalayo-layo ipapatay raw niya ako," ani Bella.

"At naniwala ka naman sa demonyitang babaeng iyon?" nakakunot-noong tanong ng pinsan.

"Paano kung totohanin nila ang banta sa'akin?"

"Gaga! Tinatakot ka lang ng Allysa na 'yon dahil ikaw ang mahal ni Kulog. I heard na napilitan lang si Kulog na pakasalan si Allysa dahil nga pinoprotektahan ka. Iyon ang dahilan," nakalabing sabi paliwanag ni Candy.

"Ewan ko," naiiling na sagot ni Bella. "Siguro, uuwi na lang muna ako sa probinsiya. Bahala na kapag lumaki ang tiyan ko at mahalata ng buntid ako," ani Bella sa pinsan. "Isa pa ayaw ko nang problemahin ang dalawa. Pagod na ako."

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" ani Candy sa kaniya.

Tumango siya bilang kasagutan.Sa susunod na linggo na ang plano niyang pag-uwi sa probinsiya.Doon nalang muna siya pansamantala.
Sirawa ang hangin at prutas at mga mga gulay.Malaking katulungan iyon para sa kalusugan nilang mag-ina.Sa araw ng pag-uwi ni Bella sa kanilang probinsiya ay iyon din ang araw na nakataktang ikasal sina Allysa at Thunder.

Sa loob ng kaniyang kotse ay nakasuot siya ng itim na dress.Nakasumbrero ng itim at nakasuot rin ng itim na sunglass.Pinagluluksa niya ang araw na iyon dahil tuluyang magiging fatherless ang kaniyang anak dahil ikakasal na ang ama nito.Huminto si Bella sa may simbahan.Taas noong naglakad siya papasok sa loob bitbit ang isang regalo na may surprise na laman para sa dalawa.Napansin siya ng pari at napatingin sa kaniya.
Nginiwian lang ito ni Bella.

Naupo si Bella sa bakanteng upuan.
Hinintay ni Bella na matapos ang pam-babasbas ni Father kina Allysa at Thunder.Isang patay na daga na puno ng dugo ang laman ng box.Nais niyang ihagis iyon mamaya sa harapan ng dalawa habang nakakatuwaan sila ng kanilang mga bisita.Masama man ang loob niya sa gagawin ay para na rin iyon sa ikagagaan ng kaniyang kalooban sa ginawang pang-aalipusta ng mga ito sa kaniya at para na rin sa baby nila ni Thunder.

Nang abala na ang lahat sa pag-bati sa  bagong kasal ay doon na umeksena si Bella.Binuksan niya ang surprise gift niya sa dalawa.Naglakad siya palapit sa kinaroroonan nina Allysa at Tbunder atsaka buong puwersang inihagis ang box sa kinatatayuan ni Allysa.Nagsisigaw ang babae dahil sa pagka-gulat at dahil na rin sa dugong tumalsik sa gown nito.
Nag-hihisterikal ito sa takot.

Agad namang pinagka-guluhan ng mga bisita ang duguang daga na nasa loob ng box.Nagbulong-bulungan ang mga bisita kung kanino galing ang regalong iyon.Sinamantala naman iyon ni Bella na umalis nasa lugar bago pa may makapansin sa kaniya.Kumaripas siya ng takbo papunta sa kinapaparadahan ng kaniyang sasakyan.Ngunit imbis na matuwa siya ay naluha siya.Naiiyak siya para sa kaniyang sarili.Inayos ni Bella ang sarili ng mahimasmasan na siya.Babangon siya para sa kaniyang anak.Iyon ang ipinanangako niya bago nilisan ang lugar pauwi sa kanilang probinsiya.

Ayaw niyang ipagsiksikan ang sarili niya kay Kulog.Ayaw rin niyang sabihin dito na nag-dadalang-tao siya at siya ang ama.Kung ano man ang mangyayari sa kanilang mag-ina ay bahala na siya.Ang importante sa kaniya ay ang kapakanan nilang mag-ina.Kung hindi lang sana siya bunti ay hindi na siya lalayo pero gaya ng sabi ni Candy sa kaniya.Inosente ang bata kaya kailangan niya itong panindigan.Maghintay lang ang dalawa.Babalik siya...Babalik sila ng kaniyang anak at humanda si Thunder sa pagbabalik nila.Her revenge is not finish yet.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now