Chapter I

73 2 0
                                    

Chapter I

First day of school Monday at 5am, gumising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok sa school.

Nagsuot ako ng simpleng damit na kulay itim sakto lang ang luwang nya sa aking katawan dahilan para makita ang liit ng aking beywang at hindi masyadong litaw ang dibdib ko na malaki, nagsuot ako ng short na maong na kulay sky blue hanggang kalahati ng hita ko, maluwang lang sya at may sycling ako sa loob. Nagsuot ako ng adidas na sapatos na kulay puti malaki sya tulad ng mga uso ngayon. Kasama na din ang kwintas na bigay sa akin ni mommy silver at tunay, moon ang nakalagay pareho sa hikaw ko, naglagay din ako n lipbalm.

Pagkatapos kong magbihis isinampay ko na ang aking tuwalya at nilinis ang aking kwarto para sa aking pag-alis

Mahabang byahe pa papuntang school, malayo ang school ko sa bahay namin dahil ayun ang nagustuhan kong school para sa 3rd year high school ko.

Hindi ko nagustuhan ang mga kinahinatnan ko sa past school ko dahil grabe ang mga tao doon mga warfreak.

Ngayon ay pababa na ako sa hagdan namin para magbreakfast, ang bahay namin ay nasa Manila.

Ang school naman na paglilipatan ko ay nasa Taguig dahil nagandahan ako sa tanawin doon dahil maraming puno ang fresh ng hangin doon kaya kung sakali mang mastress ako, pwede kong pakalmahin ang sarili ko sa sariwang hangin na naroon

Nandito na ako sa upuan ko at nakain na kami, kasama ko ang mama ko, (Xyrene Dela Cruz) ang papa ko (Leonordo Dela Cruz) at ang kapatid kong lalake (Xiannon Dela Cruz.
 
"Anak lagi kang tatawag kapag nandoon kana sa apartment mo ha lagi kang magaupdate sa amin kung ano man ang nangyayare sayo doon" sabi ni mama na may bahid na pagaalala

"Opo ma, syempre naman di ko kayo kakalimutan haha kayo pa ba?" Saad ko habang nanguya at may ngiti na malawak sa aking mga labi

"Basta wag kang magtitiwala basta- basta sa mga tao doon, alam mo na panahon ngayon, wag kang magpapasok ng mga tao sa apartment mo na di mo kilala, lagi mong ilock mga gamit mo, wag mo ilagay kung saan saan mga gamit mo para di mawala, maging masinop ka sa mga gamit, kumain ka ng madami ha?" Sabi ni mama na may pagaalala

Sa kanyang pananalita parang hindi nya na ako makikita ng ilang taon dahil sa dami nyang pag papaalala

Tumango na lang ako sa kanya at nagthumbs up dahil puno ang aking bunganga ng pagkain

Pagkatapos kong kumain iniligpit ko na ang aming pinagkainan at hinugasan iyon bago kami umalis

Maya-maya nagsalita si Mama

"Anak nandito na ba ang mga gamit mo? Kumpleto na ba ito? Wala ka na bang nakalimutan? Mga extra panyo mo? Nandto na ba? Mga pulbo mo? Vitami--" pinutol ni papa ang sasabihin ni mama dahil sa dami nitong tanong

"Ano ka ba Honey masyado kang nagaalala sa anak mo malaki na yan di na yan elementary na hindi alam ang tama at mali, alam nya na ang mga gagawin nya kaya tama na sa pagpapaalala baka sa dami ng mga pagpapaalala mo makalimutan na ng anak mo ang mga gagawin nya" saad ni papa kay mama

"Oh sya sya basta yung mga sinabi ko sayo Xyrille wag mong kakalimutan"

"Opo Momshie, itatak ko yun sa isipan ko" saad ko kay mama na may kasamang thumbs up at kindat

Inayos ko na ang maletang dala ko at tiningnan kung may nakalimutan ba ako at nang wala na, hinila ko na ito malapit sa pinto

Nagpicture muna kami nila mama para may remembrance ng pag-alis ko

Naughty Girl and Good boy (on going)Where stories live. Discover now