Chapter IV

20 1 0
                                    

chapter IV

Nang makapasok kami sa apartment ay dumeretso sya sa elevator, at pinindot iyon sa 4th floor.

"Anong pangalan mo? di mo pa sinasagot yung tanong ko." Sabi ko na lumingon sa kanya

'Hinihiling ko na sana ay lumingon sya sa akin at magtama ang mga labi namin.'

Kung ano-ano na yung naiisip ko, may tama na talaga ako. Sana bukas hindi ko makalimutan ang mga nangyare ngayon, magandang alaala. Kapag kasi ako ay nalalasing hindi ko na ito naaalala kinabukasan.

"Ako si Dominic Monty, hindi ko nasabi ang name ko nung nasa clinic tayo dahil nagmamadali ako non. Pasensya na." Sabi nya na hindi nalingon sa akin.

"Ang ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sa itsura mo. Bakit hindi ka sa akin natingin, pag nagsasalita ka?" Sabi ko na inilitaw ko pa ang ulo ko hanggang makita ko ang mukha nya. "Lasing ka? Kaya pala ayaw mong tumingin kasi namumula mukha mo. Hahaha Ang kyut mo namn malasing, kahit may tama ka seryoso ka pa din."

Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay dumeretso kami hanggang marating namin ang unang room. Kung saan kami pumasok.

Pagkapasok namin ay ibinaba na nya ako. Umupo muna ako sa sofa, maganda ang room nya, malinis at maayos ang mga gamit parang babae hahaha pero ang cool!

"Maghilamos kana muna para gumaan yang pakiramdam mo."
Sabi nya at lumapit sa akin at binigyan ako ng damit na maluwang, at short na mahaba.

Pagka lapit nya hinila ko sya at naupo sya sa tabi ko, lumalapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha nya.

"Anong ginagawa mo?"sabi nya sa normal na tono ng boses.

"Do-mi-nic Mon-ty! My love!" Sabi ko na inilalapit ang mukha ko sa mukha nya. "Nakakabaliw yung kakyutan mo ngayon!"inilagay ko ang mga kamay nya sa beywang ko at iniligay ko ang mga kamay ko sa mga batok nya, nakaupo ako ngayon sa mga hita nya.

"Ang gwapo mo!" At kiniss ko siya sa pisngi.

"Oyy ano bang ginagawa mo? Maghilamos kana don para mawala na yang kalasingan mo"
Sabi nya at inilayo nya ako sa kanya.

"Pag naligo ba ako di na ako mababaliw sayo?" Sabi ko at niyakap ko sya mula sa likuran.

Hinarap nya ako "maghilamos kana, pagkatapos mo ay maghihilamos na din ako, masakit ang ulo ko, bilisan mo na." At umupo sya sa kabilang upuan.

Tumayo ako at kinuha ang white na dami na binigay nya at  red na short. At dumeretso na ako sa banyo.

Ang sarap sa pakiramdam ang malamig na pagagos ng tubig sa aking katawan. Nawawala unti ang pagkahilo ko. Pagkatapos kong maligo ay magbibihis na sana ako, nang nakalimutan ko ang tuwalya.

"Dominic? Dominic? Pwede paabot ng tuwalya?" Pasigaw kong sabi ngunit walang nasagot.

Sumilip ako sa pinto at nakita ko na natutulog sya sa sofa.

"Dominic!" Pasigaw kong tawag.

Nagising sya at napatingin sya sa akin. Ngunit inalis nya din ito agad.

"Ano yun?" Tanong nya.

"Paabot ng tuwalya, please nakalimutan ko kasing kunin."
Mahina kong sabi.

Kinuha nya ang tuwalya sa upuan, lumapit sya at ibinigay nya ito sa akin.

Mabilis ko itong inilagay sa katawan ko at hinila ko sya papasok sa CR. Nagulat sya nang hilahin ko sya. Kitang kita ko ang mga gulat sa mata nya. Sinara ko ang pinto at lumapit ako sa kanya.

Naughty Girl and Good boy (on going)Where stories live. Discover now