Chapter III

18 2 0
                                    

Chapter III

''Tulong..." Sabi ko na unti-unting nararamdaman ang pagtaas ng kamay ni sir Leo sa tiyan papuntang dibdib.

Maya maya ay naramdaman ko ang paghalik nya sa aking leeg habang hawak nya ang buhok ko na sabunot nya, dahilan para tumingala ang aking ulo, ang bawat paghalik nya ay napakadiin na parang ayaw na nyang bitawan ang aking leeg. Ang isa naman nyang kamay ay naglalakbay sa aking tiyan paikot-ikot at paakyat sa aking dibdib. Nang malapit na nya ito hawakan ay may narinig kami na  naglalakad papunta sa gawi namin, dahil sa ingay nila sa pagkukwentuhan ay narinig iyon ni sir Leo at napasulyap sa gawi na makikita kami kapag sila ay dumaan.

Naramdaman ko ang mabilis na pagalis ni sir sa loob ng aking blouse at dahan dahang tumayo at pumunta sa salungat kaliwang daanan na salungat sa kanan na dadaanan ng mga studyanteng naguusap.

Nang maramdaman ko ang pagalis nya ay naramdaman ko ang buong hina sa aking katawan, napaluha ako dahil sa ginawa nya, hindi ko malaman kung paano makakaalis doon sa lugar na iyon dahil sa hina ng aking katawan. Pabagsak ang aking katawan na umupo at tumulo ng tumulo ang aking mga luha. Nakatulala ako habang nakatingin sa gusali sa harapan ko, gusto kong lamunin na lang ng lupa at di na iluwa dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Maya-maya ay narinig ko ang palakas ng palakas na ingay na nagkukwentuhan na studyante.
Biglang huminto ang kanilang pagkukwentuhan at naramdaman ko ang papalapit na mga yabag papunta sa gawi ko.

May umupo sa harap ko kaya unti-unti kong itinuon sa kanya ang aking paningin. Nang makita ko ay si Jussim ang nasa harapan ko at kasama nya sa likod ang dalawa nyang lalakeng kapatid.

"Are you okey? Why are you crying? And what are you doing here?" Sunod-sunod na tanong ni Jussim na nakatingin sa mukha ko.

"Im fine."pilit na ngiti na sabi ko Hindi ko agad sya nasagot dahil sa pagtuyo ng aking mga lalamunan at dahil sa panginginig ng aking mga labi.

Tiningnan ko sya ng maigi at dahan-dahan akong umayos sa pagkakaupo para makakuha ng lakas, nang magkaroon ako ng lakas ay dahan-dahan akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanila papunta sa apartment ko, ngunit di pa man ako nakakalayo sa pinanggalingan ko ay nanghina agad ang aking mga tuhod kaya ay umupo muna ako saglit para makabawi ng lakas para makapunta sa room ko.

Nang magkaroon ako ng lakas ay dahan-dahan akong tumayo para maglakad na lang para hindi ako mabilis manghina, habang ako'y naglalakad ay hindi ko napapansin ang mga nakakasalubong ko dahil sa wala ako sa sarili ko, nakatingin lang ako sa sahig at nakayuko.

Malapit na ako papasok sa apartment ng may mabangga akong lalaki, nasubsob ako sa matigas nitong dibdib, dahil sa tigas ng kanyang dibdib na umuntog sa ulo ko, muntik na akong ma out balance dahil sa hilo na naramdaman ko, masyadong malakas ang impact ng paguntog ko sa kanya dahil sa mabilis nyang pagtakbo.

Nang maramdaman ko ang dahan dahan na pagbagsak ko sa lupa ay itinukod ko ang aking mga kamay para hindi tumama sa puwitan ko, nang masulyapan ko ang lalaki ay nakatingin ito.

"Sorry miss. Pasensya na nagmamadali ako." Paumanhin nya at nagpatuloy sa pag takbo.

Pagkatayo ko, nakita ko ang lalaking nagdala sa akin sa clinic kahapon na naglalakad papasok sa apartment, nang makita ko sya ay nagmadali ako sa paglalakad papasok at sinundan sya ng tingin, sumakay sya sa elevator at hindi ko na sya nasundan pa.

'Dito kaya ang room nya?'

Nagpatuloy ako sa paglalakad, sasakay sana ako sa elevator ngunit madaming mga studyante sa labas at nanghihina na talaga ako kaya ay dumaan ako sa maliit na daanan at pumunta sa second floor

Dumeretso na ako sa room ko at nilock ko ang pinto, nagmadali akong pumunta sa higaan ko at humiga.

'Zzzzzzz..

Naughty Girl and Good boy (on going)Where stories live. Discover now